Chapter 8

95 0 0
                                    

"Sharmaine, I like you."

"Justin, I like you."

"Really? Kung ganon, will you be---"

"Sharmaine, I also like you."

"P-Par?"

Nakabangon ako dahil sa panaginip ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ang malakas na tibok ng aking puso. May nakapa din akong konting pawis sa aking mukha kahit malakas ang aming aircon. Joke, wala nga pala kaming aircon. Take two! May nakapa din akong konting pawis sa aking mukha kahit malakas ang aming electricfan.

Okay na sana eh. Yon yong panaginip ko weeks ago na nasira dahil sa ate ko. Ilang beses kong hiniling kay Lord na sana mapanaginipan ko ulit yon. Ngunit ngayon na napaniginipan ko na, may isa na naman na sumira. Si Par. At hindi ko alam bakit siya nandon.

Tinignan ko ang orasan na nasa side table ng aming kama. Alas tres ng hatinggabi. 

"B-bunso, b-akit g-sing ka na?" Tanong ng ate ko. Halatang siya ay antok na antok parin.

"Huh? Ano, wala. Panaginip ate, masamang panaginip." Sagot ko.

"Panaginip lang yan. Wag kang matakot. Mas matakot ka sa salamin, lalo na pag ikaw ang nagsasalamin. Sige na, matulog ka na." Itong ate oh, kahit inaantok, nagawa pang manlait. Sarap lapain habang natutulog.

Hinila ko na ang aking kumot at natulog nang muli. Pero hindi parin mawala sa aking isip sa kung bakit nandon si Par.

Lalong lalo na ang kanyang sinabi.

---

"Besh, may assignment ka na sa Math?"

"Besh, nagawa mo na ba yong pinapagawa ni Mr. Escalator?"

"Besh, may quiz pala tayo ngayon sa English?!"

"BESH HINDI KA BA TALAGA SASAGOT?" Sigaw ni Agnes sakin.

Don ko pa lang namalayan na lahat ng mga kaklase ko, kabilang na sila Nikki at Agnes, ay tarantang taranta na dahil sa dami ng gawain. Mga gago din kasi tong mga kaklase ko. Binigyan ng oras para gumawa, hindi gumawa. Ngayong araw pa ng deadline gagawa. Sulat dito sulat doon. Mukha na silang mga kabayo, parang may naghahabol. Para na silang si Antone. HAHAHA joke lang Antone!

"Tapos na ako." Sabi ko at patuloy na tumingin sa kawalan. Chos, para naman akong baliw. 

"Par, may ssignment ka na sa Math?" Tanong ng isa kong kamag-aral, si Rodel.

"Oo." Simpleng sagot niya at inilagay ang kanyang bag. Kinuha niya ang kanyang pamaypay na kulay asul at pinaypayan ang sarili. "Shit, ang init." Sabi niya. Bakla talaga to.

"Pakopya naman pare." Suyo ni Rodel.

Walang sinabi si Par pero kinuha niya ang isang buong papel na may sulat at ibinigay niya kay Rodel. 

"Salamat pare. Hayaan mo, pag ako nakatapos at nakapagtrabaho, hindi kita makakalimotan." Sabi ni Rodel at sinimula nang mangopya.

Aba aba, pag ako nangogopya, ayaw niya! Pero pag lalaki, pumapayag! 

"Bakla talaga." I murmured.

"Ano?" Sabi ni Par. Ang tulis naman ng pandinig ng taong to.

"Wala."

"Meron."

"Eh kasi, pag ako nangongopya sayo, ayaw mo. Pero pag si Rodel, okay lang? Pag lalaki, okay lang?" Sumbat ko.

"Your point?" Sabi ni Par.

"Pag babae nangogopya ayaw mo, pag lalaki, okay lang!"

"Ay teka, babae ka pala? Di kasi halata. Sige next time, papakopyahin kita." Sabi niya at tumawa. Walang hiya talaga tong Par na ito.

Baboy vs. PlayboyWhere stories live. Discover now