"Oh my God, what? Di nga? Siya talaga ang nabunotan mong pangalan?" Sabi ni Agnes.
"Oo besh. Huhuhu, ano bang ibibigay ko dito?" Maktol ko.
"Teka, ba't ka ba nababahala kung ano ang ibibigay mo? Kahit ano nalang!" Suggest ni Agnes.
"Yon na nga eh. Hindi ko alam kung ano yong 'kahit ano' na yan!" Sabi ko.
"Asos, ang sabihin mo, gusto mo siyang ma impress sa ibibigay mo." Tukso ni Agnes.
A part of what Agnes said is true. Hindi ko alam pero parang gusto kong ma satisfy siya sa ibibigay ko. Hindi ko nga alam kung ano ang ibibigay ko.
"Rare." I murmured.
"Ha? Anong rare?" Tanong ni Agnes.
"Dapat ang regalo ko sa kanya ay something rare." I said.
"Ay, ibigay mo nalang ang sarili mo sa kanya besh. Tutulungan kitang i-gift wrap ang sarili mo. Rare ka naman."
"Alam mo minsan, nagdududa ako kung kaibigan ba talaga kita o hindi." Sabi ko at nag-akmang mag walk out.
"O.A naman nito. Di kita pipigilan sa pag wa-walk out mo. Mapapahiya ka lang." Sabi ni Agnes. Ugh, kaenez. Minsan gusto kong sabonotan tong bestfriend ko.
Kaya bumalik nalang ako sa kinatatayuan ko at nag-isip ng regalo kay Par.
***
"Okay class, at dahil malapit nangmag holiday ay may performance task kayo!" Announce ni Sir Escalator. "Answer pages 123, 456, 789, 234, 567, 890, 157,189....." Mataas pa ang pages na sinabi ni Sir,
"Sir, kailan po ito ipa-pass?"
"Bukas."
"SIR!" Hiyaw naming lahat. May periodical test pa kami next week no!
"Bakit, may problema?" Inosenteng sabi ni sir.
"Sir, next year nalang po! Sir naman eh!" Halos sabay-sabay naming sigaw.
"Joke lang class. Next year na ito ipapass." Naghiyawan naman ang mag kaklase ko at timing naman na nag ring na an bell. Snacks time na! Joke, lunch pala.
I was eating my delicious lunch made by myself peacefully when suddenly....
Charot. Kumakain ako ng mapayapa ng biglang...
"Shet pre, may UFC live doon sa may basketball court! Tara!" Sabi ni Angelo sa mga kaklase namin na mga lalaki. Sumigaw siya kaya marami ang nakarinig. Kaya marami rin ang nakisali sa gulo. Lahat ng mga kaklase ko bumaba.
Pero dahil ako ay dalagang filipa at tinuruan ako ng aking mga magulang kung paano kumilos ang isang dalagang filipina, nanatili ako sa classroom.
Charot!
Sumali ako sa gulo at bumaba na rin. Ako pa, di ako papahuli sa tsismis.
Nong bumaba ako ang una kong nakita ay si Dallien na nasa gitna ng basketball court. Ka babaeng tao. Wala namang laro ngayon ah. Mag che-cheardance ba siya mag-isa? Ang tirik pa naman ng araw. Di ako mabibigla kung malalaman kong na heat stroke siya.
And that's when I saw the whole situation.
Nakita ko ang dalawang tao na nagsusuntukan sa gitna ng basketball court. They were hitting each other's faces as if walang nakapaligid na tao sa kanila. Someone tried to stop them pero pati siya sinuntok.
Ang isa ay kilalang kilala ko. He was my ex.
Ex-classmate. OA naman kayo. Classmate kami noong kinder.
Si Aldrich Donque. Marami nang sugat ang mukha niya. Dumudugo na ang labi niya. Halatang nahihilo na siya pero pilit siyang tumatayo at pilit naman siyang pinapatay ng sumusuntok sa kanya.
Si Par. Of course, sino pa ba?
Nong nakita ko si Dallien with Aldrich noong isang araw, alam kong magkakagulo. Alam kong lalala ang sitwasyon ng dalawang dating magakaibigan. Pero hindi ko inakala na hahantong sa ganito.
"Ano ha? Lalaban ka pa? Traydor ka!" Sigaw ni Par.
"Pare, ano bang ginawa ko sayo ha? Bakit galit na galit ka ba?" Sigaw pabalik ni Aldrich.
"Par, Aldrich tama na!" Sigaw ni Dallien. Si Antone na bestfriend ni Dallien ay nasa likod ni Dallien. Nakatunganga. Baliw na bestfriend talaga.
Tinignan ni Par si Dallien. "Wag kang makisali dito." Tumingin ulit siya kay Aldrich. "Wag kang mag maang maangan Aldrich! Andami mo nang inagaw sakin Aldrich! Wala ka bang puso?"
"Hindi ko inagaw si Dallien sayo Par! Wala na kayo nong niligawan ko siya! Sinigurado kong wala nang nararamdaman si Dallien sayo nong niligawan ko siya!" Galit na sabi ni Aldrich.
"Kahit na Aldrich! Gawain ba ng isang matinong kaibigan na patolan ang ex ng kaibigan?!"
"Pochang ina Par! Kaibigan pa pala tayo! Matapos mo akong hindi kausapin ng ilang taon? Kaibigan pa pala ha?!" Aldrich shouted.
And in a flash, Par's fist was on Aldrich's face. Nong natumba si Aldrich, Par grabbed his collar at nagkalipat ang kanilang mga mukha.
"Bromance," I murmured.
"Besh, wag mong sirain ang moment." Bulong ni Agnes.
"Walang hiya ka! Akin lang si Dallien! Akin lang! Tandaan mo yan, akin lang!" Par shouted in Aldrich's face.
"Bakit hindi mo itanong sa kanya kung mahal ka pa ba niya? Para mahimasmasan ka na Par!" Aldrich said in a very teasing tone. Nanghahamon.
Tinapon ni Par si Aldrich sa semento. He was clearly annoyed. And very angry. Tinignan niya si Dallien. Natahimik ang buong paligid.
"Dallien, you still love me right?" It was almost a whisper. Pero napakatahimik ng court kaya rinig na rinig ng lahat ang sinabi ni Par. Para siyang naka megaphone.
Dallien looked at Aldrich. Aldrich was on the floor, wiping his bleeding lips. Then, tinignan ni Dallien si Par. She shook her head. "No Par, not anymore. Hindi ko nag alam Par kung mianahal ba kita. Pero isa lang alam ko Par. Nagbago ka Par. At ayaw ko ang pagbabagong iyon. I am so sorry."
At tumakbo si Dallien sa tabi ni Aldrich at tinulungan si Aldrich na tumayo. "Pano ba yan pare? Sa kanya na nanggaling! Hindi ka na raw niya mahal! Ay teka, hindi ka minahal! Kaya pwede ba? Tigil tigilan mo na siya!"
"Aldrich, tama na!" Saway ni Dallien.
Pero hindi parin nag paawat si Par. "Dallien, ano ba ako sayo?" Par asked.
Dallien did not look at him though. "You're just a fling, Par." Sabay alis kasama si Aldrich.
Nong umalis sila, umalis narin ang mga audience. Walang kumibo. Walang nagsalita. Umalis lang sila.
I looked at Par at nakita ko na gusto niyang umiyak. I wanted to comfort him. To hug him. To tell him everything is okay.
And at that moment I knew.
I am in love with the playboy.
***
Hello Weekend! Comment and vote :)