Chapter 8

5 0 0
                                        

Pagpasok ko bigla naman silang tumahimik. Tsk. Parang kanina lang ang ingay-ingay nila nong nasa tapat pa ako ng room namen. Hay, halatang-halata sila.

"Opss, may dumaang anghel hahaha ganda mo kasi masyado Alex ehh." Bungad nitong si Faith.

"Tsk. Maganda ba yan? Baka malandi hahaha." Pagtatama naman ni Gween.

"Hahaha may sinasabi ka Gween? Kung si Alex malandi ehh ano ka pa pala? Babaeng higad na half linta at pure desperada hahaha" pang-aasar nitong si Faith.

"Tsk. Ikaw ba ang kausap ko? Hanggang dito lang ang usapan ohh." – Gween

"So ikaw pa ang may lakas na loob na magsabi niyan. Ehh ikaw tong nakikisali samen duh..."

"Tsk." – Gween

"Tsk. Ka ng tsk. Napapatunayan talaga na ahas ka ehh no. Hahaha minsan kasi Gween wag sasabat sa usapan ng may usapan. Napaghahalataang wala kang kaibigan hahaha" - Faith

"Baka wala." – Gween

"Talaga naman ehh. Mag-survey pa tayo ehh. Tiyak walang magtatangkang sumagot na kaibigan ka nila, kung meron man mga BITCH FRIEND mo ang mga yun hahaha" – Faith

"Kanina ka pa Faith ahh nagtitimpi na ako sayo. Ikaw naman Alex nakatunganga ka jan kunwari bait-baitan pero ang totoo nasa loobang kulo." – Gween

"Sumu-sobra ka na Gween ahh. Dati hindi ka ganyan, hindi na kita kilala. Hindi ko na makita sayo ang Gween na best friend ko. Grabe ano bang nangyari sayo." Sabi ni Faith. Nakita ko naman ang reaksyon ni Gween, mukhang nalungkot siya. Totoo ba to? Nalungkot siya?

"Patay na yung Gween na kaibigan niyo. At yung Gween na kaharap niyo ibang-iba sa Gween na kilala niyo." – Paliwanag niya sa amin.

"Bakit ka ba naging ganyan?" tanong ko sa kanya.

"Tinatanong pa ba yun Alex? Naging ganto ako dahil sayo!" sabi niya sa akin.

H-huh? Da-dahil sa akin? Ano ba ang kasalanan ko? Ano ba ang ginawa ko? Wala naman akong maalala na ginawan ko siya ng masama.

"Sa-saken? Wala akong alam at ang pagkakaalam ko wala akong ginawa sayo."

"Yun na nga Alex, wala kang alam at wala kang ginawa noong ---- haist! basta!"

Noong? Huh? Naguguluhan ako. Ano ba? Hindi ko maintindihan.

"Noong ano Gween? Sabihin mo saken! Kasi hindi ko naiintindihan!" sigaw ko sa kanya. Naiinis na kasi ako. Ano bang ginawa ko sa kanya? Wala naman ahh.

"Ano na naman ba to Alex? Kailan mo ba titigilan si Gween huh?" sigaw na bungad sa akin ni Yskyle.

"W-ala naman akong ginagawa sa kanya." Paliwanag ko.

"Anong wala? Kitang-kita at rinig na rinig ko na sinisigawan mo siya tapos sasabihin mo wala kang ginagawa? Takte naman Alex! Kailangan ba paulit-ulit kong ipaliwanag at sabihin sayo na ayoko ng nakikitang sinasaktan ang taong mahal ko." – sigaw at inis na sabi ni Yskyle sa akin.

Tsk. Bakit napaka-protective mo sa kanya? Hindi ka naman ganyan saken ehh. Ang sakit, kasi ipinamukha niya na naman sa akin na si Gween na ang mahal niya at hindi na ako.

"Babe, I'm okay. Wala namang ginagawang masama si Alex saken, nag-uusap lang kame. Siguro napalakas lang siya ng boses kaya tingin mo sinisigawan niya ako." paliwanag ni Gween.

T-totoo ba to? Sinabi niya ang totoo at hindi siya nagsinungaling sa akin?

"Totoo ba babe?" tanong ni Yskyle. Bakit sa twing pinagtatangol niya si Gween parang walang kaexpre-expession ang mukha nitong Yskyle na to. Oo nagagalit siya sa aken, sinisigawan niya ako pero yung expression ng mukha niya parang iba, parang fake yung galit niya sa akin pero kahit ganon, si Gween pa rin pinagtatanggol niya.

"Yes babe." Sagot ni Gween sa tanong ni Yskyle at tumango ito.

Bigla naman akong nilapitan ni Yskyle.

"So-sorry Alex." Bulong saken ni Yskyle.

Accident prone personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon