Chapter 9

4 0 1
                                        

"Sorry for what?"

"Sorry for ..... everything." Sabi nito sa akin. Hindi masyadong malinaw yung pangatlong word na binigkas niya pero sure ako EVERYTHING ang sinabi niya. Hindi ako bungol para hindi yun marinig ng malinaw.

--

"Booo! Tulala ka jan." sabi ni Faith.

"Tsk. Wala to may iniisip lang ako."

"Sino? Si Yskyle? Nako girl parang awa mo na tigilan mo na ang kakaisip sa kanya."

Tsk. Ehh sa anong magagawa niya? Napa-isip ako sa sinabi ni Yskyle saken ehh.

"Tsk. Wag kang epal, naguguluhan ako."

"Che! Lagi ka namang naguguluhan ehh. Ewan ko sayo Alex, dami-daming lalaki jan ohh nagpapaka-tanga ka jan kay Yskyle. Tska diba may boyfriend ka na? Kay Yuan ka nalang mag-focus girl."

"Tsk. Pinagsasabi mo jan. sabing hindi ko nga boyfriend yung Yuan na yun ehh."

"Asus, kunwari pa siya. Parang kanina lang nakita ko kayong nag-uusap sa tapat ng room natin. Ayiiiiie, sabay siguro kayong uuwi no?"

"Duh... hindi pa ko handa magmahal ulit."

"Ay, gumaganon hahahaha hindi ka pa handa kasi mahal mo pa si Yskyle. Girl magdadalawang buwan na kayong hiwalay, may bago na siya, naka-move on na siya. Ehh ikaw kaya? Kailan?"

"Hay nako -_- ewan ko sayo. Naniniwala kasi ako sa 3 month rule."

"Hahahaha really Alex? Ehh paano yan, si Yskyle hindi naniniwala sa 3 month rule tingnan mo wala pang isang lingo kayong break sila na agad ni Gwenn hahahaha kawawa ka naman naniniwala ka sa 3 month rule kahit na pinapamukha sayo ni Yskyle na hindi yun totoo hahaha tanga ka talaga ehh no."

"Wala kang paki."

"Ewan ko sayo. Nagtataka nga ako kung bakit kita naging kaibigan ehh."

"Manahimik ka na nga. Ayokong marinig ang kahit ano tungkol sa kanya at sa kanila."

"Owkay po." Sarcastic na sabi nito.

Nagpatuloy lang ang klase. Sa kada oras na lumilipas at subject na nagdaan, wala akong ibang ginawa kundi ang tumulala at isipin ang sinabi ni Yskyle sa akin. At pansin ko na parang sumusulyap ng tingin si Yskyle sa akin. Ewan ko lang, pero feeling ko kasi sa akin siya tumitingin. Malayo naman kasi ang upuan ni Gween sakin no.

Ring ........

Uwian na. Isang mahabang araw na naman ang lumipas. Inaayos ko na ang gamit ko noon ng magpaalam si Faith sa akin.

"Alex, hindi pala tayo sabay ngayon dadating kasi sila Mommy galing Japan. Sensya ka na hindi kita masasabayan. Bukas nalang hahaha ingat ka huh. Love you"

"Okay, ingat din Faith. Paki sabi kay tita yung pasalubong ko. Love you too."

"Hahaha sige bye Alex." Pamamaalam nito saken. Kumaway naman ako bilang sign ng pagbabye.

"Hay sawakas uwian na rin. Babe, halika na uwi na tayo." – Sabini Gween na parang nang-iingit sa akin. Paano ba naman sinasabi niya yun habang sumusulyap sa akin. Halatang nang-iingit tong gaga na to. Tsk.

"Alangan, uwian na ehh, alangan naman mag-stay pa tayo dito." Sabi ni Yskyle.

Nagulat naman ako, bakit hindi siya sweet. Ang inaakala ko pa naman na sagot niya kay Gween is "Sige babe, hatid na kita sa inyo." Napangiti naman ako ng palihim hahaha feeling siya, akala niya siguro maiingit niya akodahil sabay sila hahaha. Poor Gween.

"Tsk. Halika na nga." Inis na sabi ni Gween sabay nagpatuloy ng maglakad.

"Umalis ka nga jan sa daan." Sabi ni Gween sakin.

"Tsk. Hindi naman ako nakaharang ahh."

"Aba't sumasagot ka na talaga Alex, tumatapang ka na ngayon."

"Gween, tumigil ka na nga. Hindi naman siya nakaharang sa dinadaan mo ahh. Pasensya na Alex." Sabi ni Yskyle. Tsk. Nakonsensya ang gago, alam niya kasing mali ang girlfriend niya.

"Psh." Yun lang ang nasabi ko.

Oh Em Gi -_- mag-isa lang pala ako ngayon. Hay, I miss him, namiss ko yung mga panahong ako ang hinahatid at sinusundo niya. No! Erase, erase. Mag move on ka na nga ang tanga-tanga mo talaga Alex hay....

Umupo muna ako sa loob ng room namin. Ganto ako bago umuwi, gusto ko ako nalang ang tao mamaya pag lumabas ako ng school. Ayoko kasing makakita at makasabay ng mga mag couple na masayang magkasama. Sarap kasi nilang basukahin ehh. Ipinapamukha ba naman sakin na wala akong partner, na ako lang mag-isa. Kaya ayon, simula ng maghiwalay kame ni Yskyle lagi ko na tong ginagawa lalo na sa twing hindi kame magkasabay ni Faith.

Tingin ko wala ng mga estudyante, inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ako sa room.

Accident prone personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon