Pagka-uwi ko sa bahay, agad akong umakyat sa kawrto ko. Hindi na ako kumain ng gabihan tutal busog pa naman ako. Pagkatingin ko sa cellphone ko may message.
"Hay babe, musta?" - Unregister number.
*dug dug*
*dug dug*
Ba-bakit ako kinakabahan? Ay mali ba-bakit ako kinikilig? Siya ba to?
"H-huh? Sino to? sinong babe?" Reply ko sa kanya. Buti nalang kamo at may load ako hahaha
"Kinalimutan mo na agad ako? Sino pa bang babe mo? Ako lang naman diba?"
Siya ba to? Ano to gaguhan? Diba sila ni Gween tapos biglang ako ulit? Panaginip ba to? Tinawag niya ko ulit na babe. So kame na ba ulit? Shems, assuming ko. Spell ASA Alex.
"Wag kang magpaka-tanga Alex, nagpaparamdam lang siya kasi alam niyang makukuha ka niya agad agad. Alam niya kasi na mabilis kang maloko." Sabi ng devil side ko.
"Wag kang maniwala sa devil na yan ako ang angel dito. Baka naman kasi hindi si Yskyle yan. Malay mo na wrong send lang. Assuming ka rin kasi minsan ehh kaya ka nasasaktan. Gumising ka na sa bangongot na ipinaranas nila ng sa ganoon Makita mong may isang taong handang magmahal sayo." Sabi naman saken ng angel side ko. Aba, marunong pa kayo saken. Pero inferness tama silang dalawa sila talaga ang nagpapatunay na masakit ang katotohan lalo na kung ipinapamukha sayo ang lahat.
"Sino ba to? Sorry huh, wala kasi akong babe. Wag mo kong pagtripan pwede ba!" replay ko sa kanya.
Nagtext naman siya agad. Hay -_- sino ba to? Yskyle? Ikaw ba to o assuming lang talaga ako?
"Tsk. Kahit meron. You forgot that you have a boyfriend huh." Text niya.
H-huh? BOYFRIEND? Ehh wala nga akong ganon tska ang pagkakaalam ko break na kame ni Yskyle, magdadalawang buwan na nga ehh.
"Hoy! Yskyle tigilan mo na ko. Hindi na kita mahal may boyfriend akong iba at hindi babe ang tawagan namen pwede ba wag ka nang magtext baka magalit ang mahal ko." Reply ko sa kanya. Nakakainis na siya! Feeling niya malalandi niya pa ako? duh as if naman mahal ko pa siya? Opsss mahal ko pa pala siya T___T ang sakit talaga ng katotohanan.
Inantay ko ang reply niya.
*dug dug*
*dug dug*
Ba-bakit ako kinakabahan? A-anong meron? Waaaaaaaa hindi ko alam tong nararamdaman ko.
"So? May boyfriend ka na pala? Sino? Yung Yuan na yun?" text niya sa akin. Haist! naiinis na ako!
"OO KAME NA KAYA PWEDE BA TIGILAN MO NA AKO! MAHAL KO SIYA AT MAHAL NIYA AKO. Wag ka na ngang magtext dito baka magalit pa saken yung higad na half linta na pure desperada mong girlfriend!" text ko sa kanya. Nagsinungaling lang ako para ipamukha sa kanya na kayang-kaya ko rin siyang palitan ng ganon-ganon lang.
Naiinis ako! ang kapal niyang tawagin akong babe? Tingin niya saken? Makukuha niya ako agad? Hindi na ako papaloko sa kanya. Kahit ba mahal ko pa siya pero hindi yun ang magiging rason para magpakatanga ako ng ganito sa kanya. Dapat ko na talagang itigil tong kabaliwan at katangahan ko sa kanya.
--
Yuan's POV
"OO KAME NA KAYA PWEDE BA TIGILAN MO NA AKO! MAHAL KO SIYA AT MAHAL NIYA AKO. Wag ka na ngang magtext dito baka magalit pa saken yung higad na half linta na pure desperada mong girlfriend!" text niya sakin.
Grabe, ang sungit niya pala, akala ko pa naman birhen sa kabaitan ang babaing yun. Malay ko bang babe pala ang tawagan nila ng ex niyang kumag -_-
Yes! Tama kayo, ako ang katext ni Alex. Akala niya si Yskyle ako -_- hay.... Hindi ko maintindihan ang babaing to ehh no. Dinamay pa ang gwapong ako para maipamukha sa ex niyang kumag na may boyfriend na siya. Pero mas maganda yun. Mas mapapadali ang lahat hahaha
"Paano kong sabihin kong hindi ako si Yskyle? Anong gagawin mo?" reply ko sa text niya.
Hahaha nakakatuwa din pala tong babaing to. Madami akong naririnig tungkol sa kanya. Ang sabi-sabi mabait talaga siya. Pero noong nakilala ko, mali pala sila. Tsk. Ang babaing yun, siya ang solusyon sa problema ko.
"H-huh? Ehh siya lang naman ang babe ko ahh. Este ex babe ko. Sino ba to? Kung mantitrip ka, sige panalo ka na, napaniwala mo na ako. Ayoko makipag-usap sa mga taong trip lang ang alam sa buhay. Sawang-sawa na ako! Kung ano man yung sinabi ko sayo kanina kalimutan mo na lahat yun. Dahil hindi yun totoo!" text niya.
Ang saya naman nito hahaha
"So Alex? Ano pala ang tawagan natin? Sweetie, mahal, beh, bae, o mhine? Hahaha nakakatuwa naman. Mahal mo naman pala ako ehh. Bakit hindi mo sinabi agad." Reply ko sa kanya hahahahaha naiimagine ko ang itsura niya pag nalaman niyang ako ang katext niya hahahaha nakakatawa hahaha
"S-sino to? Ikaw ba to hangin?" text niya. Sinong hangin? Ang slow ng babaing to. Hindi pa rin ba niya alam na si gwapong Yuan ang katext niya. Tsk!
"Sinong hangin? Eto nga yung mahal mo." Sabi ko hahaha
Nagreply naman siya agad. Aba! Especial talaga ako haha pinag-lalaanan ng oras. Gwapo ko talaga hahaha :D
A's/N: Yuan, spell ASA hahaha
"Nako Author ikaw gumawa sakin aba, dapat lang na gwapo ako. Ang ganda mo ehh." – Yuan
A's/N: Magkakasundo tayo jan Yuan. Hahaha pinuri mo ako ehh hahaha
"Kapal mo Author hahaha sige na maganda't sexy ka na hahaha ibalik mo na sa kwento dami mong komento ehh." – Yuan
A's/n: Ay oo nga hahaha sensya na readers maganda kasi ako hahaha sexy pa. Ano konek? Hahaha back to the story na nga tayo.
"Kilala na kita! Sabi na nga ba't ikaw to hangin ehh. Ang kapal mong tawagin akong babe. If I know plano mo nanaman to." Text niya.
Sino bang hangin? Yuan ang pangalan ko, at gwapo ako hahaha
"Ako? Si hangin?" reply ko. Sinong bang hangin? At kung ako man yun, bakit ako naging hangin?
"HOY YUANGIN! Tigil-tigilan mo ako sa pantitrip mo huh. T-tska yung sinabi ko sayo kanina. Kalimutan mo na yun. Kasinungaligan lang yun. Wag kang assuming kilala ka ng puso ko eme! Este kilala ka ng mga kalahi mong habagat." Text niya.
"Yuangin? Kailan pa naiba ang pangalan ko? Ikaw huh, sabi ko na nga ba at may lihim kang pagtingin sa akin ehh. Kaya pala nagpapansin ka sa akin noon unang tayong magkita. Yuangin? Gusto mo siguro na ikaw lang ang tatawag sakin ng ganon no? Kaya mahal ka ng puso ko ehh."
"Ang hangin mo talaga! Tinatangay na ako. Ang lakas ng habagat may pangalang YUANGIN. Alam mo kung bakit Yuangin? Kasi Yuan + Hangin = YUANGIN. Ang yabang mo kasi tsk. Assuming ka rin ehh no." reply niya.
Aba't ang kapal rin nitong babaing to. Ako ba kinakalaban ng babaing yan? Aba, tropa ko ata si Author baka hindi niya alam. Mamaya itetext ko si Author para sabihin na patayin na siya sa story na to.
A's/N: Hoy kupal! Ang hangin mo nga, tama si Alex. Tska hindi pwedeng patayin basta-basta si Alex, edi wala ka ng prinsesa.
"Prinsesa? Kung siya lang din naman aba'y huwag nalang." – Yuan
A's/n: Chossy ka pa dodong? Hahaha takte ka naiinterup monanaman ang story ng dahil sa kayabangan mo. Sige na back to the story na. Maganda at sexy ang Author nito hahaha
"Nagsalita ang hindi assuming. Ang pagkakaalam ko ikaw tong unang nag-assume na ako si Yskyle at tinext kita hahaha nakakatuwa ka naman hindi ka pa din nakaka move on sa kanya." Reply ko.
Ngunit hindi na ako naka-tanggap ng text galing sa kanya. Siguro nainis ng sobra o kaya naman naubusan ng load. Pero ang pinaka-magandang reason ay gwapo kasi ako, hindi siguro kinaya ayon nahimatay akala siguro niya nananaginip lang siya na katext niya ang gwapong tulad ko hahahaha YABANG!
--
![](https://img.wattpad.com/cover/26985292-288-k596566.jpg)
BINABASA MO ANG
Accident prone person
RomanceIsa kaba sa kanila? Kabilang kaba sa mga taong parati nalang iniiwan, sinasaktan, pinapaasa at pinapaluha? Accident prone person kaba? Yung mga taong sawa ng masaktan at umiiyak? Yung mga taong takot ng masaktan at takot ng magmahal? Ikaw na nagbaba...