*Clap Clap*
*Clap Clap*
"Ang galing mo naman Alex, so may pinagmamalaki ka na pala ngayon?" sabi ni Gwenn sabay tuluyan ng pumasok sa room.
"A-ano sinasabi mo?" takte, bakit pag siya ang kaharap ko, hindi ko kayang maging mataray. Siguro dahil matalik na kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya.
"Haha so Alex? Ikaw pala yung girlfriend ni Yuan. You know what, Yuan is my ex and believe me kayang-kaya ko siya agawin sayo. So be careful, baka maagaw ko ulit ang boyfriend mo. Hahahaha" – sabi nito sabay talikod at patuloy na naglakad.
Ano bang gusto niya? Wala akong paki if ex niya yung Yuan na yun, edi magsama sila. May nagawa ba ko sa kanya at halos lahat ng akin gusto niyang agawin?
Inhale, exhale. Kaya mo to Alex, kaya mo tong sabihin sa kanya. Hinila ko yung kamay niya paharap saken.
"Aba, matapang ka na ata Alex." Sabi ni Gwenn saken.
Kaya mo to Alex, kaya mo to. Huminga ako ng malalim at...
"You know what Gwenn. Napaka-pathetic mo naman, nang-aagaw ka ng HINDI sayo. So ganyan ka na pala ngayon. Hayaan mo hindi mo na kailangang agawin sa akin yung Yuan na yon, kung gusto mo sayo na siya, tutal gahaman ka naman." Sabi ko sa kanya.
Nice Alex, nagawa mo. Tama yan, wag ka magpatalo sa kanya, sa kanila. Dahil ikaw lang ang tanging nakaka-alam ng lahat.
"A-anong sinabi mo? Well, tingnan lang natin Alex kung hanggang saan yang tapang mo. Sinusubukan mo ba ako?" panghahamon nito.
"Alam mo hindi ako naghahamon ng away. Dahil ang alam ko, ikaw lang naman ang babae dito na basagulera at desperada."
"Aba't sumusobra ka na huh!" nilapitan niya ako sabay hawak sa buhok ko.
"A-aaray! Sumusobra ka na talaga Gwenn, punong-puno na ko sayo." Sabi ko sabay sabunot sa kanya.
Bigla namang may pumasok sa loob ng room. Pero hindi ito naging dahilan para itigil namen ang pagsasabunutan. Walang nagpapatalo, walang tumitigil at walang pumipigil .....
"Alex! Leave my girlfriend alone." Sigaw ng isang pamilyar na boses. Tama! Si Yskyle nga. So ako pa may kasalanan ngayon? Ako pa?
"Ba-babe *sob* tingnan mo tong ginawa saken ni Alex, ang dami ko ng kalmot. Siya naman kasi ang nauna. Sabi niya kayang-kaya ka daw niyang agawin sakin. Yskyle, hindi ko na kilala si Alex." Paawa effect na paliwanag ni Gwenn.
So ako pa ngayon ang babaliktadin ng babaeng to? Sige Yskyle paniwalaan mo siya kahit na mas kilala mo ko kesa sa kanya.
"Ano ba Alex! Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba mag move-on ka na? Mahal ko si Gwenn at ayokong nakikita siyang nasasaktan. Sa susunod na ulitin mo to. Ako na ang makakalaban mo." – Sabi niya saken. Sabay alis nilang dalawa sa loob ng room.
Ba-bakit ang sakit? Mas pinaniwalaan niya pa si Gwenn kesa saken. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan si Gwenn, ehh ako? Wala nalang ba ako sa kanya? Ang sakit, ang sakit sakit. T____T
Nanatili akong nakatayo sa gitna ng room. Walang gustong lumapit at magtangkang kumausap sa aken. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Ako pa pala ang mali ngayon? Ako pa pala ang masama sa tingin nilang lahat. Ako pa? Mga bulag ba sila? Hello? Ako yung inagawan, ako yung niloko, ako yung sinaktan, ako yung iniwan. Tapos ako pa masama? Ang sakit lang, kasi imbis na ako yung kaawaan nila, si Gwenn pa yung tinuturing nilang biktima.
Pinunasan ko ang mga letseng luha na pumapatak sa mga mata ko. Tumakbo ako papuntang banyo upang mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nasa loob ako ng isang cubicle, ng may narinig akong nag-uusap.
"Hahaha poor Alex, walang nagmamahal sa kanya hahaha" – pamilyar yung boses niya pang si ano, si ---
"Hahaha galing mo kasing umarte, pati si Yskyle napaniwala mo hahaha" sabi ng kausap niya.
"Hahaha, this will be the start of everything and I do everything to make Alex suffer hahahaha" sabi ni Gwenn sabay labas sa loob ng cr.
Bakit ba siya naging ganon? Ano bang nagawa kongkasalanan sa kanya at nagagawa niya tong lahat? Napaka-laki ba non paraikagalit niya ng sobra? Hindi ko alam at wala akong idea.
Naghilamos na ako at lumabas na rin agad. Paglabas ko, halos lahat ng studyante nakatingin sa akin. Meron ba akong dumi sa mukha?
"Tingnan mo siya girl ohh, siya yung sinigawan ni Yskyle kanina sa kabilang room. Ang pagkakatanda ko ex siya ni Yskyle ehh." – Girl 1
"Alam ko girl, sabi nila sinabunutan niya daw si Gwenn at sinasabing kaya niya daw muling agawin si Yskyle." – Girl 2
"Psh. Bakit nandun ba kayo? Nakikinig kasi kayo sa mga haka-haka hindi niyo naman alam ang totoo."
"Bakit anong alam mo?" Girl 1 and 2
"Hay, minsan kasi wag kayong maniniwala sa tsismis. Hindi naman siya ang may kasalanan sa lahat. Si Gwenn nga tong mala artista kong umarte at mala writer kung gumawa ng kwento. Alam mo nakaka-awa si Alex, kasi lahat ng estudyante dito sa campus ang tinggin sa kanya, Malandi at masama kahit ang totoo siya naman ang biktima ng lahat." Paliwanag ni Girl 3
Haist! buti pa yung babaeng yun alam ang tama. Siguro nag-iisa lang siya sa mga estudyanteng hindi nalinlang ng kaartihan ni Gwenn.
Hindi ko na sila pinansin at naglakad na ako papunta sa aming room. May naaninag akong isang pamilyar na mukha sa tapat ng aming silid aralan.
"Ohh, anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Tsk. Hindi ba obvious." Sabi niya.
"Kung obvious yung reason mo edi sana hindi kita tinatanong. Duh ..."
"Haist! I just want to know if you're okay. I heard what happen between you and Gween."
"Paki mo? Pinadala ka ba dito ni Gween? Inutusan ka ba niya na icomport ako? Well hindi mo ko madadala sa concern mo, halata namang pinadala ka niya dito."
"Tsk. Ganyan ba ang tinggin mo saken? Ikaw na nga tong kinakamusta, arte ka pa?"
"Arte mo mukha mo! Hindi ko kailangan ng tulong mo Yuan. Dun ka na sa ex mong mala artista kong umarte, if I know siya naman ang pinapaniwalaan mo, niyo. Tsk. Sige lang kampihan niyo siya tutal siya naman ang mukhang kaawa-awa." Sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob.

BINABASA MO ANG
Accident prone person
RomanceIsa kaba sa kanila? Kabilang kaba sa mga taong parati nalang iniiwan, sinasaktan, pinapaasa at pinapaluha? Accident prone person kaba? Yung mga taong sawa ng masaktan at umiiyak? Yung mga taong takot ng masaktan at takot ng magmahal? Ikaw na nagbaba...