** Day 1 Practice **
"Ohh wala naman palang problema ehh. Sige ikaw na Gwenn." - Faith
Nakita kung parang ayaw basahin ni Gwenn yun script niya. Tss na curious naman ako. Hmmm ano kaya yung ginawang iscript nitong Faith na to -_- Huminga si Gwenn ng malalim at.......
"Hindi Jessie, hindi mo kasi naiintindihan. Hindi ko inagaw sayo si Yskyle."
"Hindi ? Anong hindi ko naiintindihan? Amanda, intinding-intindi ko lahat. Simula nang inagaw mo saken si Yskyle hanggang sa niloko niyo ko. Tapos ano? Sasabihin mo saken na hindi ko naiintindihan. What the fuck are you talking about? Ano tingin mo saken bobo?" - Me
"No! Hindi mo naiintindihan." - Gwenn
"Ahuh! So ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi. Alam mo Amanda wag ka nang magbait-baitan. Hindi bagay sayo at kung may lolokohin ka PWEDE BA WAG AKO!" - Me sabay tulak ko sa kanya.
"So gusto mo talaga ipakita ko kung ano ang ugali ko. Tss poor Jessie the bitch, Iniwan ka nya kasi mas maganda ako sayo." - Gwenn
"WHAT? Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo Amanda? Da ... I dont care if you are more beautiful than me. Atleast ako, hindi ako katulad mo. MALANDE! - Me sabay sampal kay Gwenn.
* Pak *
Ay putek. Napalakas ko ata, nadala ako sa scene. Napa-isip tuloy ako. Sana katulad ako ni Jessie. Sana matapang din ako. Sana pala hindi ko pinayagan si Gwenn na agawin saken si Yskyle. Sana kaya ko ang ginagawa ni Jessie sa story. Sana nga. Sana.
"Awts!" - Gwenn sabay hawak sa pisngi niya.
"Good job. Ikaw Gwenn emotion. Para kang napipilitang mag bait-baitan kanina. Buti nadala ka ni Alex sa scene. GOOD JOB ALEXANDREA." - Sabi ni Faith sabay tapik sa balikat ko.
"Psh at ikaw naman. Masyado ka atang nasarapan sa pag-acting at nilakasan mo pa ang pagsampal saken. Ano masaya ka na? Nakaganti kana." - Gwenn
"So-sorry Gwe---
"Hindi mo kailangan mag sorry. As if naman totoo kang nag sosorry. Hindi ko kailangan ng plastic na kaibigan. At tska wag ka ngang mag inarteng inaapi kita. Kasi pinapakita mo sa lahat na masama ako at mabait ka. Shocks ! Stop acting that you are a good girl. Alam ko ugali mo, kung ano man ang plano niyo ni Faith edi game. Makikisabay ako sa inyo." - Gwenn
Tss. Baka may plano. Si Faith lang naman ang sure na may plano ehh. Tss -_-
"Anogirl? Maganda ba ang script whahaha ang galing ko diba. Nakasampal kana kay Gwenn. Hehehe. Iniba ko yung ugali nang bida. Gusto ko yung bida hindi siya nagpapaapi. Hindi katulad mo. DUWAG!" - Faith
"Tss. Duwag mo mukha mo. Mabait kasi ako, hindi katulad mo. Brutal ka kasi." - Me
"Whahahahha. Angelic face naman. Angal ka?"
"Hindi. Pero mas maganda ako sayo. Wahahahaha."
Author's note: Hindi po talaga music video ang ginagawa nilang project. Mag kecreate po kasi sila ng isang video. Base on thier experience dun kukunin yung idea. Ehh dahil sa may plano si Faith naisip niyang kunin ang idea about sa Broken hearted story nang kanyang Best friend na si Alex.
BINABASA MO ANG
Accident prone person
RomansaIsa kaba sa kanila? Kabilang kaba sa mga taong parati nalang iniiwan, sinasaktan, pinapaasa at pinapaluha? Accident prone person kaba? Yung mga taong sawa ng masaktan at umiiyak? Yung mga taong takot ng masaktan at takot ng magmahal? Ikaw na nagbaba...
