P R O L O U G E

117 10 5
                                    


Isa kaba sa kanila? Kabilang kaba sa mga taong parati nalang iniiwan, sinasaktan, pinapaasa at pinapaluha? Accident prone person kaba? Yung mga taong sawa ng masaktan at umiiyak? Yung mga taong takot ng masaktan at takot ng magmahal?

Ikaw na nagbabasa nito, aasa ka pa ba na mahahanap mo si THE ONE, kung ikaw ay isang ACCIDENT PRONE PERSON.

----

Noong bata pa ako, madalas akong maaksidente. Masemplang sa bike, madapa, mahulog sa hagdan, madulas sa kalsada, matusok ng karayom, matamaan ng bola ng sepak at kung ano-ano pa. Hindi ko alam kung malas ba ako o sadyang lapitin lang talaga ako sa aksidente.

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin. Ang kamalasan ay mas lalo pang lumala. Noong bata pa ako, simpleng sugat lang na bunga ng pagkaka-aksidente ko ay iniiyakan ko na agad. Masyado akong madamdamin, kaya kahit simpleng sugat lang umiiyak na ako. Dahil na rin siguro pinapagalitan ako sa tuwing nagkakasugat ako. Ayaw kasi ng mga magulang ko na magkaroon ako ng peklat, pangit daw kasi tingnan lalo na't babae ako. Noon bata ako gustong-gusto ko ng maging dalaga, gusto ko kasi na ako na mismo ang nag-aayos sa sarili ko.

Ngunit nagkamali ako, sana pala bata nalang ulit ako. Yung iiyak dahil nadapa ka, tatakbo dahil takot kang harapin ang kaaway mo, at yung magwawala pag hindi nakuha ang gusto mo. Ngunit hindi na nga ako bata ngayon, dalaga na ako. Hindi na nga ako umiiyak sa sakit na dahilan ng aking pagkakadapa, ngunit umiiyak naman ako ngayon sa sakit na dahilan ng punyetang pag-ibig na yan. Kung dati tatakbo ako dahil takot ako sa kaaway ko, ngayon tinatakbohan ko na ang mga lalaking naglalakas loob na pumasok sa puso hindi dahil sa takot ako sa kanila, kundi dahil takot akong magmahal at masaktan muli. At kung noon magwawala ako pag hindi ko nakukuha ang gusto ko, ngayon nagwawala ako sa tuwing naririnig at naaalala ko siya. Oo siya na dahilan ng labis kong kalungkutan at dahilan ng pagkadurog ng puso kong kanyang iniwan ng walang dahilan.

Kung sa kalsada may accident prone area. Sa akin ang tawag ay accident prone person. Ako na, ako laging nasasaktan, ako na laging umiiyak at iniiwan, ako na lahat. Ako na nakakaranas ng kamalasan sa mundo. Ang bitter, ang negative. Wala ganon talaga nasaktan ei, iniwan at higit sa lahat nagmahal ng sobra.

--

Comments??


Accident prone personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon