"Hindi ko na boyfriend si kuya Yskyle mo." Kwento ko sa pamangkin kong 5 years old palang. Napatingin siya sa akin at ....
"Eh sino na love mo tita?" tanong niya saken.
"Sya pa rin" sagot ko sa kanya.
"Eh bakit hindi mo na boyfriend si kuya Yskyle?" tanong niya saken at halata sa mukha niya na naguguluhan siya.
"Kasi hindi na." sabi ko.
"Kasihindi ka nya niregaluhan nung birthday mo?" simpleng tanong niya sa akin. Sa tanong pa lang niya halata na napaka-innosente niya pa para maintindihan ang sakit na nararamdaman ko.
"Hindi." Tipid kong sagot sa tanong niya.
"Ehh, Bakit nga po?" tanong niya.
"Ayaw na nya sakin eh." Paliwanag ko sa kanya.
"May love na syang iba?" tanong niya ulit.
"Hindi ko alam." Nag smile ako sa kanya sabay alis sa tabi niya.
"Kaya pala lagi kang malungkot tita eh." Sabi niya sa akin. Napapansin niya rin pala, ganon ba kahalata na nasasaktan ako? Ehh bakit siya? Hindi man lang niya inisip na masasaktan ako ng sobra sa ginawa niya.
Tears started to fell off, everything started to flashback on my mind, mula sa pinaka-masayang pangyayari hanggang sa pinaka-malungkot na pagwawakas. Ang hirap kasi akala ko siya na ang taong para sakin, hindi pala. Akala ko kame ang magpapatunay na may forever ang kaso mukhang wala talaga.
*Flashback*
"I broke up with you babe." - Yskyle
Nagulantang ako sa mga salitang yun. Salitang nanggaling mismo sa taong mahal ko.
"H-huh? N-nagbibiro kalang diba babe." Nauutal at naiiyak kong sabi.
"No Alexandrea." pasigaw na sabi niya.
ALEXANDREA? Hindi ako sanay na tawagin niya ako sa pangalan ko. Ibig bang sabihin nito wala na talaga. T____T
"P-pero baket? *sob* May nasabi ba akong ikinagalit mo? *sob* May kulang pa ba? *sob* Babe ano bang problema? *sob* Sabihin mo lang gagawin ko lahat. Babe wag ka namang ganyan ohh." iyak parin ako ng iyak.
"No babe. Walang problema sayo, ako ang problema. Sorry Alex."
"Babe ano? Hindi ko maintindihan."
"Sorry Alex pero hindi mo pa maiintindihan ngayon. Pero tandaan mo na mahal na mahal kita." sabi niya sabay umalis na.Iniwan niya ako ng walang sapat na paliwanag.
A-ano? Hindi ko pa maiintindihan ngayon. Ehh kailan, kailan ko maiintindihan. Pag wala na? Pag huli na? Ano kailan ko ba maiintindihan ang lahat?
Ewan! Basta ang alam ko, wala na kame T____T BREAK NA KAME. Sa ilang mga salita nadurog ng sobra ang puso ko.
Hindi ko napansin na tumutulo na naman pala ang mga luha ko.
"Tita, wag ka nang umiyak. Ang bad naman pala ni kuya Yskyle ehh. Inaaway ka niya, pag nakita ko talaga siya lagot siya sakin." Sabi ng pamangkin ko sa akin.
Namiss ko tuloy maging bata. Yung wala pang muang sa pag-ibig, yung hindi pa alam ang salitang relationship at yung innosente pa sa lahat. Haist! sana bata nalang ulit ako para hindi ko nararamdaman to at hindi ako nasasaktan ng ganito.
"O-oo na Nami, hindi na iiyak si tita dahil kay kuya Yskyle. Tinggnan mo ohh, naka-smile na ulit ako hehe." sabi ko sa kanya. Isang kasinungaling sinabi ko upang matago ang tunay na nararamdaman ko. Pilit akong ngumiti upang maipakita kay Nami na masaya ako.
* Present *
Lumipas na ang isang buwan ng maghiwalay kame ni Yskyle pero heto ako, hindi pa rin nakakamove on. Ang hirap pala mag move on akala ko napakadali lang.
Masyado na akong madaming naikwento. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Hello I'm Alexandrea Yvonne Pedracio. I'm already 16 year's old. And guess who? Si Yskyle Kier Ocampo lang naman ang sira ulo kong ex. at hinding-hindi ko parin siya nakakalimutan. :(
Take note si Yskyle Kier Ocampo ay Famous sa aming campus. Ang hindi ko lang maintindihan BAKIT, BAKIT SIYA NAKI PAG BREAK. ANONG MALI?
Pero ngayon alam ko na. Gets ko na kung bakit siya nakipag break saken. Dahil ipinagpalit lang naman niya ako sa matalik kong kaibigan. Si Gwenn Almiera. Ex best friend ko na. Hindi ko alam kung anong kulang saken. Hindi ko alam kung bakit nagawa nila saken yun. Basta ang alam ko, ang bestfriend ko at ang boyfriend ko. Parehas silang taksil...T___T
"Be ano na naman yang drama mo huh? Inaalala mo nanaman ba yung ex mong sira ulo?" Sabi ni Faith. Bestfriend ko rin siya. Bali tatlo kame yun nga lang si Gwenn wala na.
"Tumahimik ka nga jan. Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko. Wala ka sa sitwasyon ko girl." sabi ko. Takte hindi ko namalayan na naluluha nanaman pala ako.
"Oo girl, wala nga ako sa sitwasyon mo. Pero girl tingnan mo yan itsura mo. Para kang narape ng sampong kalabaw. Tingnan mo yang buhok mo ang gulo-gulo na at ang mga mata mo namumugto na sa kakaiyak. So ano? Iiyakan mo nalang yang Yskyle na walang kwentang yan?"
Ang dami naman nitong sinabe. Bwiset! Sana nga, sana nga madali lang siyang kalimutan. Whaaa T____T Hindi ko talaga alam bakit ang hirap. Ang hirap hirap niyang kalimutan.
"Tss. Kaibigan ba kita. Bakit hindi mo nalang ako icomport. Dakdak ka jan ng dakdak hindi ka naman nakakatulong."
"Tanga mo girl, kaibigan mo ako. Kaya nga pinapa-mukha ko sayo na dapat hindi mo iyakan yung lalaking yun. Yung Yskyle na bwiset na tangang yun. Hindi siya deserve sa love na binibigay mo at hindi siya deserve sa luha mo."
"Oo na, tanga na ako. Tangang-tanga, pero hindi ko talaga siya makalimutan girl ehh. Yung ginawa nila ni saken. Ang sakit kasi, bakit ganon? Talo-talo ba? boyfriend ko yun ehh, kaibigan ko siya. Pero bakit ganon? Niloko nila ako, sinaktan. Deserve ko ba yun? Huh? Ang sakit ehh, ang sakit talaga. Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko. Tsk." T____T
"Hayaan mo na si Yskyle kay Gwenn bagay namansila ehh. Mga walang kwentang tao nga naman bagay sa isa't- isa."

BINABASA MO ANG
Accident prone person
RomanceIsa kaba sa kanila? Kabilang kaba sa mga taong parati nalang iniiwan, sinasaktan, pinapaasa at pinapaluha? Accident prone person kaba? Yung mga taong sawa ng masaktan at umiiyak? Yung mga taong takot ng masaktan at takot ng magmahal? Ikaw na nagbaba...