Chapter 20

8.7K 153 2
                                    

Five years later Manila Philippines

That's right limang taon na ang matuling lumipas ng lisanin ko ang bansang to at limang taong puno - puno ng ibat -ibang adventure sa buhay ang dinanas at na lampasan ko sa Korea ang bansang naging tahanan ko sa naka lipas na mga taon. 

Noon umalis ako sa bansang to na punong -puno ng lungkot at hinanakit sa buhay, ngayon naman ay umuwi akong balot parin ng lungkot at hinanakit pero hindi na dahil sa mga taong iniwan ko, dahil na ito sa ibang bagay, infact they are least of my worries right now. Umuwi ako, kami, that's right kami, kami ng mga anak ko na balot ng lungkot hindi lang dahil iniwan namin ang bansang kanilang sinilangan at ang buhay na kanilang kinagisnan, kundi dahil  sa lungkot na mawalan ng mga mahal sa buhay. 

Sabay -sabay na kinuha ng Diyos samin ng mga anak ko ang mga taong itinuring naming pamilya sa loob ng limang taon, na matay silang lahat sa malagim na aksidente o mas tamang sabihing pinatay dahil ayon sa imbestigasyon ay lumalabas na sinadyang tanggalin ang preno ng kotseng sinasakyan nilang lahat. 

Ang tanging naiwan lang ay ang nag iisang ala-ala nilang lahat na si Sheen, ang sanggol at nag iisang anak ng kaibigan kong si Sijeon. Patay ng dumating sa hospital ang mga magulang ni Sijeon habang buhay at may malay pa ang kaibigan ko na nagawa pang i patawag ang abogado ng pamilya at legal na i iwan sakin ang pangangalaga sa anak nya. 

Bilang legal na taga pangalaga na iwan rin sakin ang pangangasiwa ng negosyong pag ari ng pamilya nila, pero kung sino man ang gumawa ng karumaldumal na krimen na iyon sa pamilya ng kaibigan ko ay nag banta rin sa buhay namin ng mga anak ko at sa buhay ng anak nya, kaya kahit ayaw kong umalis at iwan na lang ng basta -basta ang mga pamanang na rarapat na mapunta kay Sheen ay mas pinili kong lumayo at iwan ang lahat ng yon sa abogado ng pamilya. Pinili kong umuwi dito sa bansa kong matagal ko ng iniwan at hindi ko pa handang balikan.

Sukbit ng mga anak ko ang maliliit na backpack nila at bibit sa mga kamay ang kanikanyang laruan na na nakasanayan nilang dalhin saan man kami pumunta. Tulak ko sa harapan ang trolley na nag lalaman ng patong -patong naming mga maleta, habang naka sukbit sa harapan ko ang natutulog at cute na cute na walong buwang baby boy na si Sheen habang sakay ng baby carrier na naka paikot sa katawan ko. 

Lumabas kaming mag iina sa airport at pumila sa pag kuha ng taxi, hindi pa kami na tataglan sa labas ay nag ri reklamo na sa init ang anak kong si Drake, naka simangot at tahimik naman ang anak kong si Dane, habang tulog parin si Sheen. I noticed na pinag titinginan ako ng mga tao, na loloka siguro sila sa itsura ko.

Malayong -malayo na kasi ang itsura ko ngayon sa Valentinang umalis ng Pilipinas, na mukhang mahiyain at walang kompyansa sa sarili. Malaki ang naitulong ng pa mamalagi ko sa Ibang bansa para ma develop ng husto ang self confidence ko, would you believe that I wear my long hair green now? That's right green, for all hair colors green ang na pili ko, normal lang to sa korea, yong iba nga kulay pula pa eh, may rainbow colors din.

Anyway back to me, I'm wearing my hair green now, long and curly like mermaids hair, I had my boob job last year too, hindi ko pina lakhan kung yan ang iniisip nyo, ang totoo pina bawasan ko nga, dati kasi lagi kong iniisip na sa taas kong 5'2 Eh hindi bagay ang size 38 cup C na dede ko, kahit madalas syang kainggitan ng mga walang dibdib. Ngayon size 36 B na lang sya at hindi na ko mukhang p*rn star kapag nag susoot ng hapit at plunging na damit. 

Hindi ko naman sya pina bawasan dahil lang na iilang ako sa laki nya, ang totoo nyan nang manganak kasi ako, katulad ng Ibang babae na nag pa dede ng mga anak na deform at lumay lay din ang Sierra Madre mountains ko, at nag mukhang lantutay at over ripe na american papaya, na kaka sira ng self confidence kaya pina ayos ko na, total normal lang naman yan sa Korea.

His Daughter's keeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon