Hindi sa ganon na tapos ang araw namin, inihatid kami ni Daniel hanggang sa taas at akala ko uuwi na sya matapos nyang umalis pero mali ako, bumili lang pala sya ng pagkain, na hulaan ko agad mula sa bitbit nyang plastic bag na may tatak ng isang sikat na filipino restaurant. Kahit ayokong nandito sya ay lihim akong nag pa salamat dahil kanina pa gutom ang mga anak ko. Plano ko nya sana mag pa deliver ng pizza kung hindi sya kumatok.
The food was good at maganang kumain ang kambal, tahimik kaming lahat maliban kay Sheen na walang tigil sa pag bi baby talk na manaka-naka kong sinusulyapan at pinupunasan ng laway nyang tumutulo. Nag ngingipin kasi sya, Buti na nga lang at di sya kagaya ng ibang bata na nilalagnat at nag kakaron ng mild diarrhea.
Matapos naming kumain ay nag volunteer si Danni na ligpitin ang pinag kainan, tumango lang ako, naka bili na naman ako ng dishwashing liquid at sponge, kung mag hihintay kasi kami ng room service malamang bukas pa ang dating non. The boys sat infront of TV and watched cartoon, while I picked up Sheen and took him to our room, intending to clean him up. Pero tumunog ang cellphone ko na korean number pa rin, I just lied to Myla when I told her na hindi naka roaming ang cellphone ko.
Sinagot ko ang tawag knowing na si atty. Chun ang tumatawag, sya lang ang alam kong tatawag sakin, pero laking gulat ko ng boses ng babae ang mag salita sa kabilang linya. At base sa boses nya ay ka gagaling nya lang sa pag iyak, itinanong nya muna kong ako ba talaga ito at ng i kompirma kong ako nga ay pa putol-putol syang nag salita sa magkahalong Korean at english. Na pa iyak ako ng maintindihan ko ang sinasabi nya. At ng tapusin nya ang tawag ay impit akong na pa hagolhol.
Ayon sa tumawag na nag pakilalang girlfriend ni Atty. Chun at isa ring abogado ay patay na ang una at na tagpuang duguan sa kwarto ng isang hotel malapit sa airport, tinatayang kahapon o kagabi pa namatay ang biktima ayon sa pagsusuring isinagawa kanina lang. Ang ibig sabihin lang noon ay hinabol kami ng mga taong pumatay sa pamilya ni Sijeon at malamang kami talagang mag -iina ang sadya ng mga kriminal, at na taon lang na agad kaming naka lipad ng mga anak ko.
Luhaan kong niyakap si Sheen sa dibdib ko, habang tahimik akong umusal ng maiksing dasal at pa sa salamat sa kaluluwa ni atty. Chun. Kung hindi nya kasi ako pinilit umalis ng Korea ay malamang kami ng mga anak ko ang pinag lalamayan ngayon ang masaklap pa sana doon ay wala ni isa mang kamag anak na sisilip at mag a asekaso ng mga bangkay namin kung nag kataon. Kinilabutan at na nginig ako sa naisip kong yon.
Nasa ganon akong ayos ng maramdaman kong may mga bisig na yumakap samin ni Sheen, na nigas ako knowing na si Daniel ang yumakap sakin, base na rin sa pabangong na laghap ko at sa matitipunong bisig na naka yakap samin. Nang lumapat ang likod ko sa dibdib nya ay ipinikit ko na Lang ang mga mata ko at impit na umiyak. Ayoko mang makita nya kong ganito ka vulnerable pero pakiramdam ko kailangan ko ng taong maiiyakan.
Hinayaan nya kong umiyak hanggang sa kusa akong tumigil at bahagyang mag luwag ang paghinga ko.
"Thank you." Mahinang anas ko bago ko kinalas ang pag kakayakap nya sakin, at pinahid ng manggas ng soot kong damit ang mukha ko. Bahagya syang lumayo at sumandal sa hamba ng salaming bintana habang tahimik ngunit puno ng mga katanungan ang mga matang naka tunghay sakin.
Nag iwas ako ng tingin at Ilang ulit na bumuntong hininga, bago ako tumalikod at bitbit si Sheen na tinungo ang banyo at pilit nag hilamos gamit ang isang kamay ko. Pag labas ko ay nasa dating pwesto nya parin si Daniel at halatang hinihintay ang pag labas ko. Plano kong ignorahin sya pero hindi natuloy dahil nag buka na sya ng bibig at nag salita.
"What brought you home Valentina?" Tanong nya. nag iwas ako agad ng tingin, ayokong sagutin ang tanong nya, ayokong paki alaman nya ang sarili kong problema.
BINABASA MO ANG
His Daughter's keeper
RomanceFree lance interior designer Valentina Zepeda was an orphan. When she was fourteen Mariella Ruiz offered her a home and a family, and she gladly accepted. Single mom si Mariella sa nag iisang anak nitong si Danni na konting deperensya ang layo ng e...