Okay...
Time to reveal the plan.
Once ko lang to sasabihin ah. Kaya magbasa ka ng maigi.. At mag imagine ..
Ang lahat ng nag aaral sa photography school na pinapasukan ko ay binibigyan ng karapatan na piktyuran lahat ng nais nyang piktyuran, private man o hindi..
Kaya lahat-lahat ng camera , mapa-phone cam o anomang cam na nakapangalan samin ay naka rehistro sa school.
Parang media, pwede kaming kumuha ng letrato kahit sa pribadong lugar/ bagay kasi nga na-momonitor naman ng school ang mga cameras.
At kung kailangang i-print o ipasa, i-upload , ipakalat o anoman, may isang lugar lang kaming dapat puntahan..
Ang Macgay printing shop.
Dito chinicheck ang mga cameras at dito lang recuired magpa print .
Sila lang ang nakaka alam ng mga password ng mga kamera namen.
Kaya kahit gano pa sila karaming kumuha ng letrato kay Oen nung tulog sya, MAKUKUHA KO YON LAHAT.. DAPAT..
Excited na kong magmatyag dun sa shop.. Ahihihi... Dalii i iiihh...
Pagdating ko sa shop..
"Syet! Patay!!"
Tago ako bigla sa poste..
[ ASO ]
"Sigurado kong ngayon gabi rin mag papa-print yung mga yun.."
"Gano ka-tagal naman tayong eestambay dito??"
"basta.. Sarado na ang shop ng 10 pm kaya hanggang 10 lang to.."
[ DOPEE ]
[ pak! ]
Binatukan ko sarili ko. Ito na nga ba sinasabi ko eeehh.. Basta kumilos na naman ako ng di nag-iisip!!!
Bat nga ba di ko naisip na kaya din nilang isipin tong planong to??!!
Azzzaaar! !!! Anong gagawin ko??
Marami sila eh..
Ano Dopee..??
Mag isip kaa..
Issiiip..
Iisiiiiiiiiippp!!!
[ POOWWG! ~ ]
Biglang namatay yung ilaw sa posteng pinagtataguan ko. Pero hindi brown out.
May sira lang siguro yung mga ilaw dito.
Tingnan mo nga naman oh.. Kung nakikisimpatya nga naman ang sitwasyon sayo..
Alas syete-imedya na dito. Madilim na. Sarado na ang school .
Ang Macgay ay para lang sa mga estudyante ng school kaya kasama ito sa campus.
Sa madaling salita, nasa teritoryo pa rin kami ng campus bagama't wala na kami sa school.
Malaki ang campus , katabi ng college building , isang mini-dormitory. Pero sinarado yon mula nung gawing Public school ito.
Katabi ng dorm ang building para sa mga high school na sasabak ng photography sa college. Mas maaga itong nagsasara sa'min.
ANONG POINT KO??
ANG GUSTO KONG IPUNTO, MADILIM , AT KAMI LANG ANG TAO DITO..
Bago ang mga bahay at kalsada, may bakod pa pagkatapos ng shop.
Kaya may kalayuan din kami sa mga bahay..
ISA LANG ANG NAIS IPUNTO NG MGA SINASABI KO..
YUN AY..
BINABASA MO ANG
"Isturya Ni Ganda" (W/ SOUND EFFECTS)[completed]
Teen Fiction"Baket??!! Kapag nagmamahal ba, MATA tumitibok??!! Diba PUSO??!! " SAN KA NAKAKITANG LALAKI NA HEARTHROB NA SOBRANG GWAPO AS IN GWAPO , GWAPO TALAGA , NA-"LOVE AT FIRST SIGHT" SA ISANG PANGET ?!!!!! PANGET AS IN PANGET TALAGA !!! MUKANG KABAYO NA...