Minsan may part talaga na walang kwenta..

92 2 0
                                    

"Mula sa linggong to, seseryosohin na natin ang pag aaral ng photography. Dahil jan, magkakaron tayo ng isang class activity kung saan mahahati kayo sa pitong grupo.

Para walang angalan, magbubunutan tayo kung saang grupo kayo mapupunta.."

Pitong grupo..

At walang magkaka-grupo saming lima.

Ibang grupo ni Oen, ibang grupo ko, iba yung kay Oer, Cea at Eia..

Ah! hindi to coincidence, ito talaga yung gustong mangyari ng writer na lahat ng ASO, nasa iisang grupo at ganon din ang mga OSO...

"Sa activity na to, bubuo rin tayo ng isang business. Bale papahiramin tayo ng school ng pera para sa mga gastusin. Pupunta tayo sa isang undiscovered island at doon ay kukuha ng mga letrato..

Sa pamamagitan ng camera, kahit anong produkto ay pwede nyong gawin basta ay siguradong papatok sa tao.

Tapos ay ibebenta natin ang nagawang produkto pambayad sa perang hiniram natin.."

"eh sir, bat pa tayo humiram ng pera kung magpapakahirap lang tayong bayaran yun??"

"saka hihingi na lang ako ng pera sa nanay ko pambayad don!"

"mga shungaa! Nag aaral tayo dito!!

Photography kasabay non, business!!

Dapat matuto kayong gumawa ng pera sa pamamagitan ng camera!!"

[ ARAW NG ACTIVITY ]

"kailangan kilalanin ninyong maigi ang mga kagrupo nyo..

Pag usapang mabuti kung pano nyo gagamitin ang camera at kalikasan para makabuo ng produktong papatok sa tao.."

[ OER ]

Hindi ako nagsasalita.

Yung mga kagrupo ko, nakatunganga sa view ng isla.

Maliit lang ang isla , konting lakad mula sa pampang ng dagat, nandun ka na sa mga bahay..

Wala ring masusukal na gubat o mababangis na hayop.

Lahat kami naka tunganga lang ..

Di na kame pinakikielaman ng mga teachers.. At pwede lang kaming lumapit sa kanila kapag may emergency..

Hindi ko alam kung emergency tong nararamdaman ko.

Pero di ko na matiis..

Dapat ko bang ilapit sa kanila?

Di ko na kaya..

Tumayo na ko..

"oh! Tumayo si Ogre!!

Ikaw na bahala sa product natin aa.."

Di ko pinansin..

Lumakad ako..

"wooow~!

May pupuntahan na syaa!! Alam na nya gagawin!!"

"sige ah! Ayusin mo yan!

Pag di yan mabenta lagot ka samen!!"

"pag balik mo dito dapat meron naa aa!!"

Baka kasi ipa-salvage nila ko pag pinaasa ko sila kaya nagsalita ako..

"Naiihi ako.. Alam nyo san cr??"

( =___= )

"itanong sa mga teachers.."

"itanong mo na rin kung pano pauwe!! "

Alam kong walang teachers na tutulong samin. Alam kong wala ring papansin sakin..

"Isturya Ni Ganda" (W/ SOUND EFFECTS)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon