22.DAHIL BA DI KO KILALA ANG KALABAN KO?

44 0 0
                                    

( date written : 09-19-13)

"Walang makitang kahit anong pruweba na galing kung saan ang kriminal .. Malaki ang posibilidad na nandito lang sa school ang gumawa nito .."

"Boss, sinasabi mo ba na ka-myembro mismo natin ang tumibag ng bahay na tinayo rin mismo natin? "

"Posible .."

"Anong MOTIBO?! Matapos nyang tumulong na buohin to , sya rin titibag? Sya rin sisira??"

"Pwedeng ang motibo nya pag away awayin tayo , o lituhin ..."

"O sige, kung isa man sa atin ang gumawa nito ,.. Boss sino?!"

"Karamihan sa members natin babae! Kaya ba ng babae na sirain to ng mabilis at malinis??!!"

Punta muna tayo sa members na sinasabi .. Halos 80% ng members namin ay babae .. Bakit?

Kasi mas madaling pagandahin ang babae .Kahit di kagandagahan, basta marunong mag-patong ng mga pangkulay sa muka eh considered na maganda ..

Pero ang poblema, kulang kami sa gwapo .. Kasi nga , sa lugar namin, may crisis talaga sa mga kagaya ko ... akhem! kagaya kong gwa-akhem! gwapo ...

"at tsaka Boss, di namin kayang magbuhat ng mabibigat!! Puro girls kami ditoo!!"

"Pumunta sa harap ko ang lahat ng lalaki .."

Pumunta naman sila agad at diretsuhang humarap sakin .. Napatayo ako sa inuupuan ko nung nakita ko ang tindig ng tayo nila ..

Tiningnan ko sila isa isa ...

"anong dahilan ng pagsama mo sa grupo??"

"naa..

na.

natatkot ako .."

"sa ano?"

"gumaganti na sila eh ... Ayoko ng maglakad sa kalsada mag isa.. Oen ... Iba na ang aura nilaa .. Hindi na sila yung mga mukang lampaa!!

Alam na nila yung chin-up, stomach in!!!

Baka mas malakasan nila tayo!!!"

Sinabi nya yon ng nanginginig ang boses ..

Lumipat ako sa kabila ..

[ (foot steps) ]

"ganon din ako!!!"-

"ay kalabaw !!!"

Pagharap ko sa kanya bigla syang sumigaw .. Gulatin ba ko?

Lipat ako sa kabila ..

"oh, walang sisigaw .. Teka .. "

"Oen .. Boss ... pakiramdam ko kasi lagi, parang ang laki ng kasalanan ko ... Ayoko naaa.. Baka ipa-salvage nila koo!!! Boss !!! Sayang yung laman loob ko!!! Gusto ko pa mag college !!!!! "

Nakakaawa yung muka nya ..

Mukang di matae ..

Lumipat ako sa katabi ..

"ikaw?"

"Ooeeeeeeen ... huuuuhuu.."

Kanina sinigawan ako .. Eto naman bigla kong iniyakan ..

"Bakit?"

"pakiramdam ko may plano sila kung pano gagantii ... eeehh... "

"Ssshhh ... Tahan naa... Tahan naa."

Pinatahan ko pa ..

Wala naman akon nakita at nararamdamang mali sa kanila ..

Desidido silang sumali dahil natatakot silang magantihan ..

"Isturya Ni Ganda" (W/ SOUND EFFECTS)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon