25 ; 01

1.3K 103 97
                                    


Hansol placed both of his hands inside the pockets of his hoodie. Kahit nakasuot sya ng mask at nakalagay ang hood nya ay malamig parin. Baliw kasi ngayon pa naisipang mag-walk out. Gabing gabi na tapos anlamig lamig pa. Buti nalang talaga walang nakaka-recognize sa kanya.


Patuloy lang na naglakad si Hansol hanggang sa makarating sya sa isang convenience store.


Pumasok sya dito at agad dumiretso sa section kung saan nakalagay yung mga chips. Kumuha sya ng dalawang malaking pringles ngunit agad natigilan. Ibinalik nya ang isa at tiningnan yung hawak nya.


"Ano ba Hansol? Hindi mo sya kasama. Bakit ba dalawa yung kinuha mo?" bulong nya pa sa sarili nya bago dumiretso sa may ref kung saan nakalagay lahat ng mga beverage.


Pumili muna sya ng bibilhin nyang drink. Mabuti nalang at mag-isa lang sya kaya pwedeng pwede syang mag-isip isip kung alin ba yung bibilhin nya. Tutal sanay na din naman syang mag-isa. Ay hindi pala. Lagi nyang kasama si Seungkwan at sa totoo lang, naninibago sya.


"Hansolie! Chuckie! Chuckie! Chuckie!" nakapout na sambit ni Seungkwan habang hinihila ang laylayan ng tshirt ni Hansol.


Kasalukuyan silang nasa tapat ng malaking ref ng isang convenience store at pinipilit ni Seungkwan na ibili sya ni Hansol.


Umiling si Hansol. "Seungkwan diba diet ka? Bawal ang chocolates!"


"IHH! Dali na," ang kaninang kamay sa laylayan ng shirt ni Hansol ay ngayo'y nakahawak na sa braso ni Hansol. "Please please please?"


Parang na-freeze ang buong katawan ni Hansol habang nakatingin sa kamay ni Seungkwan na nakakapit sa braso nya. Mas lalo syang natigilan nang mapadako ang tingin nya sa mukha ni Seungkwan na nakanguso sa Chuckie na nasa ref. Hansol's heart skipped a beat when Seungkwan faced him with a pleading face.


Shit.


HANSOL shook his head to erase that memory. Agad nyang binuksan ang ref at kumuha ng isang canned Cola. Oo Cola. Sino ba kasing gumawa ng Chuckie na yan masyadong pahirap sa buhay. Pahirap sa puso.


Dumiretso din agad si Hansol sa counter at nagbayad ng binili nya. Matapos magbayad ay lumabas agad sya ng convenience store. Naglakad lakad sya hanggang sa hindi nya namamalayan na pakonti na ng pakonti yung tao sa nilalakaran nya. Alam nya pa naman kung nasaan sya, hindi nya lang maintindihan kung bakit sya dinala ng mga paa nya sa Han River.


Umupo sya sa damuhan at inilapag dun ang kanyang Pringles. Binaba nya ang mask nya at binuksan ang kanyang Cola bago uminom dito. Kung pwede lang syang uminom ng beer, beer na sana ang binili nya. Kaso hindi pwede. Pagagalitan sya ni Seungk--


Umiling ulit si Hansol at binuksan nalang ang kanyang Pringles. Nilibot nya ang tingin sa paligid.


Kingina.


Bakit nga ba nya naisipang tumambay dito sa Han river? Puro couples tuloy ang nasa paligid nya. "Hindi naman sa bitter pero kingina nila mag-bbreak din sila." sabi ni Hansol sa kanyang isip.


Halo-halo ang couples dito. May babae at lalaki, may--


Natigilan si Hansol at napatingin sa dalawang lalaking magkahawak ng kamay habang nakaupo sa isang bench. Ang isang lalaki ay nakapatong ang ulo sa balikat ng isa, at ang isa naman ay parang may kinukwento.


Hindi nya alam kung bakit... bakit iniisip nya na sana kasama nya si Seungkwan ngayon?


"Ate... may nakita ka bang lalaking naka-black na hoodie? Kasing tangkad ko lang?"


Natigilan si Hansol nang marinig ang pamilyar na boses na yun.


Shit.


Inayos ni Hansol ang hood nya at pilit na tinago ang mukha nya. Ang bilis ng tibok ng puso nya. Kingina naman binabawi ko na yung hiling ko!


"AYUN O!"


Napapikit ng mariin si Hansol.


"Ah sige salamat ate."


Hindi na nakagalaw si Hansol at yumuko nalang para itago yung mukha nya. Nagdadasal sya na sana ibang tao yung tinuro nung babae. Sana--


Parang inipit ang baga ni Hansol nang maramdaman nyang may umupo sa tabi nya. Shit.


"H-HOY BINILI KO YAN!" wala nang nagawa si Hansol kundi ang humarap kay Seungkwan nang kuhanin nito ang Pringles na binili nya kanina.


Parang walang narinig si Seungkwan at patuloy lang na kumain ng Pringles. "Kung lalabas ka, sana nag-aya ka diba?"


Natigilan si Hansol at sinamaan ng tingin si Seungkwan kahit sa loob loob ay ang bilis ng tibok ng puso na. Kingeomma kasi bakit ba ang cute ni Seungkwan kumain? Sana pala bumili nga ng maraming Pringles si Hansol kasi hinding hindi sya magsasawang panoorin kung pano lumobo ang mga pisngi ni Seungkwan habang kumakain.


Hansol blinked multiple times and tried to distract his self.


"Hansol galit ka sa kanya." Hansol said inside his head as he took a sip from his canned cola. 


"Alam mo Hansol, minsan iniisip ko, baka may gusto ka sa akin."


Agad naibuga ni Hansol ang coke at nasamid pa sya.


Agad namang lumapit si Seungkwan sa kanya at hinagod ang likod nya. "NAIISIP KO LANG NAMAN! OA MO." sigaw ni Seungkwan habang hinahagod parin yung likod ni Hansol. "Alam ko namang mag bestfriend lang tayo."


Hansol finally recovered from the incident but why do he still feel a lump inside his throat when Seungkwan said the term "bestfriend"?


"Sorry nga pala Vernonie ha." ang kaninang kamay ni Seungkwan sa likod ni Hansol ay iniakbay nya na dito. "Hindi ko naisip yung effort mo sa pag-hahanap sa akin kahapon tapos kanina hindi pa kita kinausap ng ayos kanina. Pero mahal mo naman ako kaya mapaptawad mo ako diba?" pabirong sambit ni Seungkwan.


Ngunit natigilan si Seungkwan nang humarap sa kanya si Hansol. Seryoso ang mukha nito at nakatingin ito diretso sa mga mata ni Seungkwan. Walang ekspresyon ang mukha ni Hansol, masyadong seryoso kaya kinabahan si Seungkwan.


"J-Joke lang naman yu--"


"Oo mahal kita Seungkwan."


Paenboi • verkwan [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon