"Ayun na nga Hansol," sabi ni Seungkwan habang naglalakad sila. "Sabi nung baka sa biik, bakit ang dumi mo? Alam mo kung anong sagot nung biik?"
"Ano?" Hansol unconsciously asked while staring at Seungkwan. Sa totoo lang, kanina pa sya walang maintindihan sa mga sinasabi ni Seungkwan kasi nakatitig lang sya dito. Seungkwan's chubby cheeks and pinkish lips are just too captivating kaya hindi nya maiwasang mapatitig sa mukha ni Seungkwan.
"Kasi baboy yung nanay ko!" sigaw ni Seungkwan at tumawa habang napalakpak.
Oh God he looks so cute.
"HOY BAKIT DI KA NATAWA!" saway sa kanya ni Seungkwan nang mapansin nitong nakatitig lang sa kanya si Hansol habang nakangisi. Nagulat naman si Hansol sa biglang pagsaway ni Seungkwan.
Tumawa si Hansol ng sobra, as in OA na pagtawa na may pagpalakpak pa. Pero instead na matuwa ay sinamaan ni Seungkwan ng tingin si Hansol at ngumuso. "Dyan ka na nga," sabi ni Seungkwan at nauna nang maglakad kay Hansol.
"Huy sandal!" ani Hansol at tumakbo papalapit kay Seungkwan. Nang maabutan nya si Seungkwan ay inakbayan nya ito. "Sorry na. Nakakatawa naman yung joke mo e," sabi pa nito at marahang tinusok ang pisngi ni Seungkwan na gustong gusto nyang panggigilan kanina pa.
Hindi umimik si Seungkwan. Tila ba hindi nya napapansin si Hansol. Tampo e. Akala mo naman cute pero cute naman talaga si Seungkwan kaya nga bagay kami umalis ka dyan Hansol jk.
"Wag ka nanang magtampo. Mahal naman kita."
"LECHE KA!" Biglang sigaw ni Seungkwan at sinapok si Hansol. Oo sapok kingandsjk masakit yun bes bakit?!
"Bakit nanaman?" nagtatakang tanong ni Hansol habang hinihimas yung parting sinapok ni Seungkwan. Seryoso bes nasaktan talaga sya dun.
"Pinapakilig mo ko e. Hindi mo yan kinagwapo okay? Okay."
"So lagi mo na akong sasapukin nyan?"
"Ha? Bakit naman?"
Inakbayan ulit sya ni Hansol at bumulong sa tenga ni Seungkwan. "Kasi lagi kitang pakikiligin—ARAY SEUNGKWAN!" napasigaw si Hansol dahil kinurot sya ni Seungkwan sa tagiliran habang nagpipigil ng ngiti.
"Uy diba member ng SEVENTEEN yun?"
"Ay oo nga!"
"OMG SI VERNON AT SEUNGKWAN YUN!"
"Bakit sila lang dalawa?"
"AY SHET PICTURAN NATIN!"
Agad natigilan sina Hansol at Seungkwan nang makarinig sila ng babaeng naguusap. Agad nilang inayos ang hoodie at mask nila tsaka nagmadaling naglakad, more like tumatakbo na sila. Wala silang kasamang guard at sila lang dalawa kaya nagmamadali sila. Isa pa, baka malintikan sila. Nasa rule kasi ng SEVENTEEN na dapat tatlo ang magkakasama tuwing lalabas ngunit eto sila, lumalabag.
Mabuti nalang at mabilis silang nakarating sa Pledis building. Mabuti nalang at nakapasok na sila sa building bago sila nahabol ng mga babae. Ngunit nang makapasok ay nagtataka sila kung bakit pinagtitinginan sila ng ibang mga tao dun. Most of the staffs ay natingin sa kanila at biglang iiwas. Yung mga lalaki naman ay titingin kay Seungkwan at ngingisi tapos lalampasan sila. Hindi nalang ito pinansin ng dalawa.
Nang makasakay sila ng elevator ay may tatlong lalaki itong sakay sa loob. Napatingin sa kanila ang tatlong lalaki nang pumasok sila tapos dumistansya sa kanila.
"Brad narinig mo ba yung balita sa taas?"
"Oo brad."
"Nakakagulat 'no? Kaka-debut palang na-issue na agad."
"Ayos lang sana kung babae ang dinedate e. Kaso sila yung nagd-date."
Napayuko si Seungkwan nang magtawanan ang tatlong lalaki. Napansin ito ni Hansol kaya agad nyang hinawakan ang kamay ni Seungkwan. Napatingala si Seungkwan kay Hansol. Hansol just showed Seungkwan a comforting smile and it's effective, Seungkwan eased a bit.
Nang makarating na sa floor ng boss ay sabay silang naglakad palabras ng magkahawak ang kamay.
They're now on the front door. Seungkwan was about to knock but Hansol stopped him.
"Seungkwan," Hansol made Seungkwan face him as he cupped Seungkwan's face using both of his hands. "Promise me one thing."
"A-Ano?"
Hansol looked straight at Seungkwan's dark brown orbs. "Nothing will change." Hansol said with a very sincere and soft voice. It's hoping and pleading. Hoping that Seungkwan would promise and pleading for it to be sealed.
Sinuklian ni Seungkwan ang titig na binigay ni Hansol at ngumiti dito at hinawakan ang dalawang kamay ni Hansol sa pisngi nya. Hansol's eyes are so beautiful and that's what Seungkwan loved the most. "Walang magbabago."
Hansol leaned and kissed Seungkwan's temple.
Hinawakan na ni Hansol ang kamay ni Seungkwan. They looked at each other and smiled before they both knocked and opened the door, holding each other's hands.
BINABASA MO ANG
Paenboi • verkwan [Editing]
ComédieIn which Seungkwan is an avid kpop fanboy and Vernon has to deal with it. Book 1