Jasmine’s POV
Okay, wala namang nangyari Last week parang ordinary days lang. Same routine.
New day nanaman! Eto ako ngayon sa school at napaaga ata ako?
Kasi naman eeh, aga kong natulog kagabi ayan aga ko tuloy nagising.
Bili muna nga ako ng tubig sa canteen.
“Ate mineral water nga po”
“oh eto sakto isa nalang! mamayang tanghali pa deliver ” si ate ganda
“ay buti nalang! magkano po ba?” habang kinukuha ko ung wallet ko sa bag
“ATE! ATE! Mineral nga po! Huh.huh.huh.”—O_o sabi nung hinihingal na lalaki.
“ay pogi sorry wala na eeh”—si ate ganda
“huh.huh.huh wala na po ba talaga? ” with punas pawis effect pa.
“e nauna na si ganda eh. bat ba hingal na hingal ka pogi?”
“eh nag practice po kasi kami ng basketball sumaglit lang ako para bumuli ng tubig.hooh!” si kuyang pogi
“aah eh pasensya na wla na eeh”
“Ate bayad ko po oh” sabi ko.
“haay! Layo panaman ng bilihan dito. Cge ate salamat nalang ”—paalis na sana si kuyang pogi
“Kuya!” lumingon naman siya sakin
“oh sayo nalang..”sabay abot ko nung tubig. Kawawa naman hingal na hingal. Ramdam ko din yan eeh..
“sure ka?” sabi niya. Cute nung expression niya infairness huh?
“ay opo! Ok lang, hingal na hingal ka eeh. Cge..” kinuha niya tapos tumalikod na ako para umalis
“teka!” sigaw niya
Lumingon naman ako
O_O Ubos na ung tubig. Ang laki pa naman nun
“Salamat aah” sabi niya habang tumatakbo papalapit sakin
Ay kuya wag kang mag smile!
Crush na kita niyan!
“Welcome po” sabi ko sabay ngiti.
“Ako nga pala si Laurence, ikaw ano name mo?” sabi niya sabay hawi ng buhok niya.
BINABASA MO ANG
♥Forever Starts Today♥
Teen FictionAng hirap magtago ng feelings para sa isang tao nuh? Paano mo lalabanan ang idinidikta ng puso mo? Kung ang matagal mo nang hinihintay ay siya na pala? Let's see how their friendship leads to a confusing relationship ♥ Their forever will start toda...