bra ; 004

191 9 27
                                    

Metamorphosis


"BAEKHYUN!"

"BAEKHYUN!"

"BAEKHYUN!"

Napapikit ako dahil naging pambabae ang kanilang boses!

"BAEKHYUN!"

"Tangna, isa pang sigaw ha--" banta ko sa kanilang dalawa.

"BAEK...HYUN?" pa cute na sabi ni Lay at napakagat siya ng labi, aba nakakainis!

Sino bang hindi maiinis eh mas maganda pa sila sa akin!?

"Anong nangyayari sa amin?!" sigaw ni Chen sabay hawak sa kanyang dibdib. Seryoso? Nagulat ba siya o natutuwa?

"Hoy, Chen 'wag mong hawakan!" pagbabawal ni Lay at inalis ang kamay ni Chen sa dibdib.

"Akin naman ito eh!" sigaw ni Chen

"'Wag sabi eh, lalaki 'yan tapos mangayayat!" banta ni Lay kaya nagulat naman itong si Chen at tinago nalang niya ang kamay sa likod nito pero nagulat siya at dahan-dahang hinawakan ang kanyang pwet.

Nagulat si Lay sa kanyang ginawa,"Oh, 'wag mong sabihing mangayayat din 'to?" inis na sabi ni Chen at hinimas-himas pa ito. Shet, ang manyak talaga.

Napa-iling nalang si Lay at napasapo.

"Poong Maykapal, sana po bumalik na kami sa pagkalalaki." dasal ni Lay, mabilis ko naman siyang niyakap. 

"Hoy, Baekhyun! Bakit naging babae kami!?" hinawakan ni Chen ang magkabilang balikat ko at inalog ako nang inalog.

"M-M-Malay k-ko!" pautal-utal kong sabi kasi nga diba, niyugyog ako!?

"Umayos ka nga sa pagsasalita!" aniya

"A-Aba, k-kung t-tigilan mo kaya ang pag jugjug e-este y-yugyog s-sa akin!"

Natigil naman siya sa kanyang ginagawa, napairap nalang ako sabay ayos ng damit ko.

"Pero, bakit naging babae kami!?"

Magkayakap na sila ni Lay ngayon at sabay silang umiyak.

Kinuha ko nalang ang isa pang bra at sinuot ito. Nagulat din sila sa kanilang nakita nang maging kagaya nila ako.

"O diba, mas maganda ako sa inyo!" sinigawan ko sila.

Nakita ko ang inosenteng mga mata ni Lay, inosente nga pero malaki ang kanyang dibdib, mas malaki sa amin ni Chen, nakakainis, big curls ang buhok niya na medyo ash ang kulay.

Bumagay sa kanyang mala-porselanang kutis ang kanyang suot na red sleeveless at nakita ang cleavage niya, ang awkward lang kasi nasa labas ang bra katulad sa amin ni Chen.

Napansin ko ring asset ni Chen ang kanyang mapulang labi na nakaangat ang corner nito. Medyo short hair, may curls sa ibabang parte at bumugay sa kanya ang kulay ng kanyang buhok na rogue, medyo dark sa indoor pero bigla itong pumula kapag nasa outdoor.

Maputi rin at makinis ang balat ko, sabihin na nating mas dyosa ako kaysa kay pingay. Mwahahaha!

Napansin kong may nagtext kaya binuksan ko kaagad ito.

Pingay:
Boset ka. Mas dyosa ako sa inyo! Tataasan ko talaga ang bill ng kuryente niyo.

Ako:
Whutebah

Pingay:
Note: Dahil nahawakan na rin ng mga kaibigan mo ang bra, kahit anong gawin nila kung ilalayo nila ito o kahit itapon pa ang mga bra, babalik at babalik pa rin ang mga ito, same sayo.
Buti pa ang bra, bumabalik. Eh siya?

Napairap nalang ako, humugot pa talaga eh! Pero nakakapagtaka talaga kasi naman diba? Bakit niya alam na nahawakan at nasuot na nila Lay at Chen ang bra? Minsan ang creepy talaga ni Madam Pingay, same sa kanyang anak na si Marlou.

Nagtitigan kaming tatlo at naiiyak na naman si Lay. Lumabas ako ng room at sumunod naman sila.

Humarap kami sa malaking salamin sa living room at biglang nagselfie.

Sinulit na namin ang pagkakataong ito, tutal malulungkot rin naman kami pagkatapos.

Nakakaloka at habang nagseselfie kami ay tumulo ang mga luha namin, nalaman na rin kasi nila ang mangyayari sa amin dahil pinabasa ko sa kanila ang message.

"Sht, nandito si Pikachu!" Bigla kong narinig ang pamilyar na boses galing sa labas.

Di pa kami nakaalis sa sala ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko sina Suho, Xiumin at Chanyeol, nakahawak sila sa kanilang mga phone at halatang may nilalarong game app.

"Pika...tangna!" sabay nilang sigaw nang makita nila kami.

Bakit ba kasi sila naglalaro ng pokemo...tae, pokemon pala!

Bruh wears BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon