bra ; 009

135 10 0
                                    

BAEKHYUN

"Ako ito bes, gaga!"


"BAEKHYUN! TUMAKAS KA NA! KAMI NA ANG BAHALA SA BABAENG ITO!" sigaw ni Kyungsoo at nahead lock pa rin niya ako.


"LECHE KANG BABAITA KA! BAKIT ANG GANDA MO?!" sigaw naman ni Luhan sabay palo sa pwet ko.


"Tama na please!" Pagpipigil ko sa kanila at hinila ko ang buhok ni Luhan kaya napasipa siya sa ano ko.


"Gaga! 'Wag diyan!" sigaw ko na naman at hinampas ko ang likod niya


"BAEKHYUN! KUNIN MO ANG VACUUM! I VACUUM NATIN ANG PWET NITO KASI ANG LAKI! NAIINSECURE AKO!" Sigaw na naman ni Kyungsoo at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay kasi naka head lock pa rin ito sa akin.


"Gaga, bes, tama na! Si Baekhyun ito!" 

Tumawa sila bigla at binatukan ako ni Luhan, "Tangina nito, nakuha mo pang magbiro!"


"Si Baekhyun nga kasi ito!" Sigaw ko at mabilis kong hinawakan ang braso nang mahigpit para makawala na ako.


"Ako nga kasi ito!" Nanggigil kong sabi


"Papasok pa kami ng school ni Baekhyun napatanong pa kami kung bakit sa ganda mong 'yan, nag-akyat bahay ka pa at dito pa talaga sa bahay nila no? Eh, mga pulubi naman sila!" Sabi ni Kyungsoo at parang may hinahanap at kinakapa ang pantalon ko.


Napairap naman ako sa sinabi niya, "Wow ha! Hindi kami pulubi, Kyungsoo!" sigaw ko kaya napahinto siya sa pagkapa.


"Wow! Alam mo pa talaga ang pangalan ko eh no? Sabagay, famous ako sa school."


"Kapal nito." komento ni Luhan


"Asan na ba kasi si Baekhyun?!" Nainis na naman itong si Kyungsoo


"Ako nga kasi si Baekhyun!" Bakit ang hirap? Mahirap bang paniwalaan? Maganda? Eh, maganda naman ako nung may pipino pa ako ah!


"Lakas mong tumira ng glue te! Tangina nito." Napangusong sabi ni Kyungsoo


"Hubarin niyo ang bra ko!" Paghahamon ko sa kanila kaya nagulat sila.


"Te, magkadugo tayo. Oo te, maganda ka pero di naman habol ang bra mo no!" Sigaw ni Luhan.


"At baka may makapal na libag 'yan! Aanhin naman namin diba?"


"Sabagay, pero gaga! Ako nga kasi ito, si Byun Baekhyun!"


Tumawa lang silang dalawa habang naka head lock ako ni Kyungsoo, tinatalian naman ako ni Luhan sa paa gamit ang sintas niya.


"Natanggalan ng hikaw si Luhan 'nung hinabol tayo ng aso!" Natigilan si Luhan sa pagsintas, ito lang ang tanging paraan para paniwalaan nila ako.


"Nawalan ng boses kinaumagahan si Luhan dahil sa sigaw niya nung gabing nawala ang hello kity niya!"


"Nakita na ni Kyungsoo ang hubad na katawan ni Jongin 'nung nagshower siya at na picture-ran pa nating tatlo ang hubog ng katawan nito!" Lumuwag ang pagkapit ni Kyungsoo sa akin.


"Nawala ang virginity nating tatlo nung--"


"Bes," sabay nilang sigaw at nakatingin sila sa akin.


"Nawala ang virginity nating tatlo nung--"


"Oo bes," pagpipigil ni Luhan sa akin


"Ako ito bes, gaga!" Sigaw ko at napaluha!


"Ikaw nga!" Napaiyak si Luhan at niyakap ako.


"Gaga, anong tinira mo?! Gatas ni Yeol? Ang ganda mo!" sigaw ni Kyungsoo sabay yakap din sa akin.


Nag-iyakan kaming tatlo kasi bigla naming maalala ang pagkawala ng virginity namin, ang gaga lang.



Bruh wears BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon