bra ; 001

476 25 11
                                    

BAEKHYUN

Kalbaryo

May 30, XXXX - Present Time  

Tatlong buwan na akong nagtitiis, bakit ko ba kasi pinakialaman? Hindi sana naging ganito 'to! Mali ito e. Maling- mali. Pero sige na lang, titiisin ko—"Hi miss!"

"Sinong miss!?" sigaw ko at binato ko sila ng pandesal, bwisit ang aga-aga, kakabili ko lang ng pandesal nila Chanyeol tapos ito agad ang bubungad sa araw ko?!

Araw-araw kasing nag-iinuman ang mga bangtan squad kahit tirik na tirik ang araw tapos mangbabastos pa talaga! Ang mas nakakainis pa, kapitbahay namin sila!

"Babae ka naman ah!" sigaw ni Yoongi, tsk, babae?

"Babae mo mukha mo! Gilagid!" sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako sabay pasok sa bahay.

Rinig ko pa ang tawanan nila at natigil sila nang lumabas si Jin dala ang kanilang pulutan, mga bwisit! Si V nalang talaga ang mapagkakatiwalaan ko sa kanila, jusko!

"YIXING! JONGDAE! KAIN NA!"

Nakita ko silang bumaba nang dahan-dahan.

"Tangna, meron ako!" sigaw ni Jongdae sabay takip ng pwetan niya.

"Oy, bad word ang tangna, ay sht nasabi ko ang tangna, ay sht, ay sorry po." Inosenteng sabi ni Lay sabay hampas ng bibig niya sabay tulo ng luha, masakit pala ang pagkahampas.

Di pa rin ako komportable sa mga pagmumukha nila.

Ang ganda nila.

Sana di nalang namin 'yun pinakialaman. 

Sana di nalang.

Natigil ako sa kakaisip ko nang biglang bumukas ang pinto, napatingin kaming tatlo sa pintuan.

"Babe, kanina ka pa sa bakery namin ah. Bakit hindi mo 'ko pinapansin?" lambing niya  sabay yapos sa akin. Sht, Park Chanyeol!

Itutuloy...

Bruh wears BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon