bra ; 013

134 3 1
                                    

"Psst. Baekhyun!"

Napaangat ako ng tingin at laking gulat ko nang makita ko sa harapan si,

"Pingay?!?"

Dito siya nagtatrabaho?!?

Siya ang kinakatakutan ng lahat?!?

"Holo! Oko to Bokhyon!" Ganyan nalang ang nasabi niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.

"Madam? Ikaw ba talaga ang nagtatrabaho dito?" Hindi pa rin kasi ako makapaniwala, isa lang naman talaga ang pinaniniwalaan ko eh. Ang kagandahan ko.

"Hindi. Actually, napadaan lang ako at nafifeel kong dapat pala kitang tulungan kaya ayan, ligtas ka na." Nakangiti pa siya niyan at inayos ang uniporme ko. 

"Ito na. Pinatahi ko na." Binigay niya sa akin ang tatlong uniform na pambabae.

"Bakit tatlo? Dami niyo namang pera."

"Hihi, hende nemen sedyeng mereme kemeng business. Hehe." Pa humble nga talaga siya.

"Oh siya, magbihis ka na diyan sa loob." Turo niya sa isang cubicle na feeling ko isang maliit na banyo. Pumasok na nga ako at nagbihis. Lumabas na nga ako at napapalakpak si Pingay sa ayos ko. Sobrang ganda ko talaga.

"Baek, 'wag abusuhin ha." Bulong niya sa akin saka ito lumabas ng opisina, naiwan naman ako dito na nakaharap sa salamin.

"Wow. Di ko alam pero namimigay na pala ang school ng mga uniform." Komento ni D.O sa akin at inirapan ako, tong baklang 'to! Inggit talaga sa akin eh. 

Matapos ang buong klase ay naisipan naming tatlo na dumaan sa cafeteria.

"Hmp. As usual, dito ko lagi makikita ang malalanding magshota." Bitter na sabi ni Luhan sabay flip ng kanyang bangs at napairap. Sino bang tinutukoy nito?

Nakita ko sa may bandang likuran niya ang isang nakangiting Sehun, napakunot ang noo ko dahil wala naman siyang kasama? Naghintay pa ako ng ilang minuto at mas lumapad ang ngiti niya nang may umupo sa katabing upuan niya. Nagulat ako at napasapak kaagad kay Luhan.

"Pucha ka! Aso!? Shota-in niya ang aso!?" Bulalas ko at napapaypay sa sarili.

"Naiinggit ako eh! Kasama niya lagi si Vivi!" Pagmamaktol pa nito kaya mabilis na sinubo ni Kyungsoo ang isang slice ng cake.

"Masyado kang maingay, punyeta." Sabi pa nito at uminom na ng juice.

"Well, well, well. Look who's here." 

Napatingin kaming tatlo sa tatlong babaeng masarap itapon sa North...East, South at West!

Mga ex lang naman nina Chanyeol, Kai at Sehun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bruh wears BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon