bra ; 005

148 13 13
                                    

"Ibulong sa mo strap..."


"Sht, nandito si Pikachu!" Bigla kong narinig ang pamilyar na boses galing sa labas.

Di pa kami nakaalis sa sala ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko sina Suho, Xiumin at Chanyeol, nakahawak sila sa kanilang mga phone at halatang may nilalarong game app.

"Pika...tangna!" sabay nilang sigaw nang makita nila kami.

Bakit ba kasi sila naglalaro ng pokemo...tae, pokemon pala!

Natigilan silang tatlo at titig na titig sila sa amin. Sabay-sabay pa kaming napakurap.

May biglang nagtext sa akin pero binalewala ko nalang ito kasi alam ko na namang scam, magpapapasaload lang tapos agad agad ka nang kakalimutan, 'yun bang minahal ka lang dahil kailangan ka niya?

Teka? Humuhugot ba 'ko?

"Baek?" Nagulat ako dahil tinawag ako ni Chanyeol, kilala niya ako? I mean, kilala naman niya talaga ako kasi nga pinalandakan ko talaga dati na crush ko siya pero ngayong babae ang anyo ko, imposibleng mangyari.

Napaturo ako sa sarili ko, tumango lang siya at ngumiti.

Napraning na ako nang biglang---

"SINONG SAWA?!
SINONG GALIT?!
HALLELU---HALLELUJAH!"

Mabilis kong kinuha ang phone ko at tumawag si Inugh Pingay.

"Oh, madame? Bakit?"

"Hello? Number ba ito ni Elijah?"

Sinong Elijah?

"Elijah?"

"Elijah Montefalco po."

"Madame, ikaw ba 'to?"

"Naaksidente lolo mo, kailangan mong magpadala ng 20K para ma confine siya!"

"Inugh, patay na po ang lolo ko." Bored kong sabi, minsan pera lang talaga ang habol nitong si Inugh.

"De joke, pero Baek. Makinig ka sa sasabihin ko ah!"

"Sige po, ano po 'yun nay?"

"Kapag nasuot niyo na 'yang bra, may matutupad na wish."

May bigla akong naisip, omg.

"Wish?!"

"Malanjut ka, ano na naman 'yang iniisip mo, baka marinig ka nila."

"Sige, behave na me." Tili ko.

"Ibulong mo sa strap." Binaba na niya ang tawag. Sa strap?

Di na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Sana ligawan na ako ni Chanyeol." Bulong ko.

At sa isang kurap ko, nasa harap na si Chanyeol at nakaluhod.

"Sana di niya ako makilala pero Baekhyun pa rin ang pangalan ko, sana itong araw lang ang unang maalala niya."

"Same din kina Jongdae at Yixing ."

"Baek," Ani Chanyeol at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

"Pwede ba kitang ligawan?"

Napatingin ako sa kanila at napa WTF face sila, except kay Yixing na nagulat lang.

Ngumisi ako,

"Sige." Sagot ko at bigla siyang natuwa.

"Sige?"

"Oo sige." Feeling ko namumula na ako.

"Sige?"

"Oo sige, ikembot."

"Huh?" Napakunot naman ang noo niya.

"Sige," Sagot ko ulit.

"Sige, tayo na." Pagtatapos ko at bigla nalang niya akong niyakap.

Instant boyfriend agad? Salamat sa bra.

Bruh wears BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon