bra ; 008

148 10 1
                                    

BAEKHYUN

Akyat-bahay


Tapos na kaming mag dinner, medyo maraming pagkain ang ipinahanda in Suho. Di ko alam pero matipid naman siya as pera, bihira lang magwaldas kung may nagugustuhan siya.


Di kaya,


May gusto rin siya sa akin? So love triangle na ito? Naku, huwag naman sana.


Nasa labas na kami ng gate at kaming mga girls este kaming tatlo ay kusang nag alok na ihatid sila palabas ng bahay.


Bago sila umalis nagsorry muna sila dahil kinain na sila ng pokemon kaya di nila mapigilang makapasok ng bahay.


"Suho hyung, saan ka matutulog ngayon?" Tanong ni Chanyeol kay Suho na kanina pa kinakausap si Yixing pero di ito kumikibo.


"Ha? Sa inyo na muna ako." Aniya at kinausap muli si Yixing.


Hindi kasi nagboboard si Suho, may sarili siyang bahay at teka, nasabi ko na bang magkapatid sila ni Marlou? Tama, anak siya ni Inugh Pingay sa una niyang lalaki.


"Babe, mauna na kami ah. See you sa school, bukas." Ngingiti-ngiting sabi ni Chanyeol at dahil sa pogi siya at kinilig ako, napatango nalang ako.


"Subukan mong magpaalam, malilintikan ka sa akin!" Banta ni Chen sabay pakita ng kanyang braso na wala ng muscles dahil parang natunaw, babaeng-babae na nga talaga kami.


Kung nadismaya silang dalawa, ako naman tuwang-tuwa.


"Tao po, nandito ba si Baekhyun malanjut?"


Nagising ako dahil sa ingay ng gate namin, parang kanina pa ito pinagbabato.


Napakamot ako ng ulo at napairap. Nasa iisang kwarto lang kami ngayon at halos umiyak sila kagabi dahil nung tinanggal na nila ang kanilang bra ay naging lalaki ulit sila.


Halos napaluhod si Yixing at niyapos niya ang bra,"Di na kita susuotin sa susunod!" At pinagsabihan pa talaga ang bra.


Nagising na rin sila dahil sa ingay, nakapambabae pa rin ako ngayon kasi ayokong hubarin, antok na antok akong bumangon at hinubad ang bra dahil nasa ibabaw pa rin ito ng shirt ko.


Tinanggal ko rin ang shirt ko at nagbra ulit, inayos ko ang buhok ko at lumabas na.


Mabigat ang mga mata ko habang naglalakad, parang gusto ko pa ulit matulog dahil matagal kaming natulog kagabi.


"Baekhyun! Shit, di ma contact." Naririnig kong utas ni Kyungsoo mula sa labas ng gate. Mataas kasi itong gate na kulay itim kaya di nila mapapansing may magbubukas na nito.


"Sunog na ang skin ko." Maarteng sabi ni Luhan at parang nagmamaktol ito.


Binuksan ko na ang gate at halos magulantang sila sa kanilang nakita, parang nabuhayan naman ako at tinaasan sila ng kilay.


Ano kayo ngayon? Hmm...


Can you see my beautiful drop dead gorgeous bodeh? Malaki pa ang dibdib ko at may malaking pwet, chic na chic, deymm!


Napakagat pa ako ng labi at rumampa-rampa at nag po-pose ng kahit na ano. ASIA'S NEXT TOP MODEL na this, kering-keri ko talaga ito!


Napangiwi si Luhan at naging seryoso ang mukha ni Kyungsoo at halos matakpan ko ang tenga ko nang bigla silang sumigaw.


"BAEKHYUN, MAY AKYAT BAHAY SA INYO! MGA KAPITBAHAY, SUNUGIN ITONG BABAENG ITO!" Nanggigigil na sabi ni Kyungsoo saka ako ni head lock.


Isang malutong na tangina para sa inyong lahat.

Bruh wears BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon