bra ; 002

383 19 33
                                    

Ang Tatlong Beki


"Yiiiiieeehhhhhhhh!" Tili ni Yixing nang makita niyang nakayapos sa akin si Chanyeol.

Inangilan ko lang siya tapos umupo na siya ulit at kumain.

"Babe, bakit di mo 'ko pinapansin? May kasalanan ba ako? O baka nagalit ka dahil wala ka ng sukli kanina?"

Ano bang pinagsasabi nito? Siya kasi ang tindero dun sa Chandesal Baekery, nakakabagot nga e, sinali pa ang pangalan ko sa tindahan nila.

Yakap-yakap pa rin niya ako mula sa likod.

"Eh babe, sabi ko naman sayo diba na kahit kakilala o syota ko ang bibili ay hindi talaga libre."

Bumuntong hininga ako at hinarap siya.

"Hoy Chanyeol! 'Wag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan! Di kita pinansin kasi ayaw ko lang!"

Napanguso naman siya tapos umiyak. Aba taena? 

"Ehhhh, babe naman eh. Ibig sabihin, ayaw mo na sa akin? Nagsimula naman 'yun nang dumaan si Nana na nagtitinda ng Banana Jam eh, nagseselos ka ba?"

"OO---hindi!"

"Umamin ka rin. Ewan ko sa inyong dalawa!" Umalis na si Chen at nagtungo na sa hagdanan.

Tsk. Bakit ko ba kasi 'to sinagot eh!

May bigla nalang akong natandaan,

Flashback

"Shet, ayan na. Ayan na!" Sigaw ko nang maghubad na si Chanyeol ng damit. Naka binoculars pa ako, syempre kapitbahay ko ang Boys Dormitory!

"Pahiram!" Yugyog ni Luhan sa akin

"Yoko nga!" Pagdadamot ko

"Leche kang biik ka! Akin na! Nakikita ko na si Jongin!" Kinuha na nga ni Kyungsoo ang binoculars.

"Hooooy!" Sigaw ko

"Jusko naman Kyungsoo! Alam mo naman palang si Jongin na ang maghuhubad, bakit kinuha mo pa 'yan?!" Reklamo ko

"Heyeen me ne eke. Hi Jongin! Shorts naman!" Sigaw niya kaya mabilis ko siyang sinapak.

"Malanjut ka!" Sigaw ko sa kanya

"Hmm...gusto mo naman diba?" Napairap ako, pinakita na naman ang mapang-asar niyang mukha. Nakakainis, sarap ihain ng mata at gawing fish ball!

"Teka, nasaan si Luhan?"

Natauhan naman ako, oo nga? Saan na kaya 'yun? Napalingon-lingon ako pero kami lang namang dalawa ang nandito.

"Hoy usa! Anong ginagawa mo diyan?!" Sigaw ni Kyungsoo at nilapitan na si Luhan na nakahiga sa sahig.

Ano na namang kadramahang 'to?

"Hoy Luhan! Gumising ka!" Sinampal siya ni Kyungsoo kaya pinigilan ko siya baka madalawa na eh.

"Hoy! Grabe ka naman Kyungsoo!"

"Eh ano pala ang gusto mong gawin ko?!"

Pinaalis ko si Kyungsoo at bigla ko nalang sinabunutan si Luhan!

"Pirmera, segunda, tersiera! Larga!"

Bigla nalang nagising si Luhan at namimilipit siya sa sakit ng anit.

"O diba?" Pagmamalaki ko kay Kyungsoo at tumawa lang siya sabay nakipag-apir sa akin.

"Hoy Luhandi! Bakit ka nakatihaya dito?!"

"Se Sehen. Eng beket nye."

"Sus? Di ka pa nasanay!" Sigaw ni Kyungsoo at hinamapas si Luhan.

"Leshe talaga 'to!" Ang nasabi ko nalang.

"Naku, gabi na pala. Uwian na ngayon ng mga dyosa. Baek, una na ako." Pagpapaalam ni Luhan

"Hoy, huwag ka ng pumunta sa dorm nila ha! Baka aasa ka na naman!" Banta ko sa kanya

"Hihi, hende ne eke pepente. Nasa puso na ako ni babes Sehun." Umalis na nga siya

"Ay ako rin pala. Ikumusta mo nalang ako kay Yixing dito ha." Sabi ni Kyungsoo at umalis na rin.

Buti nalang at umalis na sila. Hindi kasi sila tagarito, classmates ko sila tapos dito sila laging nakatambay dahil kapag alas sais, ito ang oras para dumalaw ang levogue. Ganitong oras kasi nagbibihis sina Chanyeol eh.

Itutuloy ulit...

Bruh wears BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon