"Why are you dress like that?"Kalalabas ko lang ng bahay karga si Caleb at iyon agad ang pambungad na tanong sakin ni Teo na nakatayo sa labas ng kotse niya.
Ang gwapo sana talaga ng lalakeng ito lalo na pag ganyang naka suit siya, natatabunan nga lang iyon ng ugali niya.
"Bakit?" May mali ba sa suot niyang dress at doll shoes?
"Mamamasyal ka lang ba?! Baka nakakalimutan mong yaya ka dito."
"Aba kamahalan! Wala naman sa usapan natin na dahil yaya ako ay mag mukha narin akong chimay! Heller! Di ako mag papaapi sayo no! Hindi ako tulad ni princess sarah at cinderella!" Balik ko ring singhal.
Sayang naman ang pinagpala kong itsura kung malolosyang lang ng pangyayang uniporme.
Di ko na hinintay ang sasabihin niya at basta nalang pumasok sa loob ng kotse niya. Isasara ko na sana ang pinto ng may humarang don.
"Bakit kayo dyan sa likod uupo? Anong akala mo sakin driver mo?"
"Ang laki ng problema mo po!" lumabas ako at lumipat sa harapan.
Pumasok na rin si Teo at pinaandar ang makina.
"Broom-broom." Wika ni Caleb na nagpalaki ng mata ko.
Ang talino naman ng batang ito.
"Tama ka babay! Ang galing mo naman!"
"Dapat mong itama ang sinasabi niya. Hindi ito broom-broom kundi car."
"Wag kang killjoy kamahalan. Ganyan talaga ang mga baby mas nauuna nilang naalala ang tunog kysa sa tawag."
"How can you be so sure? I can't even trust you with a simple task. You think I'll believe you just like that?"
"Ano po kamahalan?"
"Tsk! Bat ka ba kamahalan ng kamahalan?"
"Eh binabagay ko lang naman sa pag-uugali mo ang tawag sayo."
"Whatever."
Tumayo si Caleb sa hita ko at nagtatatalon habang nakaharap kay Teo. Nakataas pa ang mga kamay nito na animo'y gustong magpakarga kay Teo.
"Dadadadada."
"Narinig mo yun kamahalan? Tinatawag ka niyang dada. Ang talino nitong anak mo! Kargahin mo naman oh di ka naaawa sa kanya?"
Sandaling napatitig sa bata si Teo. Akala ko ay kukunin niya ito pero umiwas din ito ng tingin at agad na pinaandar ang sasakyan.
"Mag seatbelt kayo."
Napanguso ako.
Siguro kahit di nakakaintindi si Caleb ay nararamdaman na rin niya ang pagkadisgusto sa kanya ni Teo. Tahimik itong yumakap sakin. Ako naman ay sinuot ang seatbelt samin.
🌸🌸🌸
Nandito kami sa lobby ng building kung saan si Teo nag tatrabaho. Hindi muna kami dumiretso ng mall dahil hindi raw pwedeng ipagpaliban ang meeting niya. Grabe nga siya kanina kung batiin ng mga tao para talangang hari samantalang yung isa parang wala lang nakikita at dire-diretso lang.
Pinaupo niya ako sa pahabang upuan sa lobby.
"You stay here. Don't go any where and just wait for me. Don't do something stupid. Don't talk to anyone. And most importantly, behave!"
Kung maka behave, ano ako aso?
"Akala mo naman!"
"What?!"
BINABASA MO ANG
Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitSi Grasya, ang babaeng disgrasyada. Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e. Ang ibig kong sabihin sa disgrasyada ay literal na hinahabol, pinapaulanan at minamalas siya dahil sinasalo na at niya...