"Kailan mo pa naging aso si Andrea?" tanong ko habang papasok kami ng bahay. Kung magiging amo ko siya ay dapat magkapalagayan kami ng loob diba. Getting to know each other lang kumbaga.Hila hila nito ang tali ng aso na agad namang pinakawalan ng tuluyan na kaming makapasok.
"Yesterday."
Bago lang pala. "Edi kasama siya sa aalagaan ko??"
"Don't worry about her."
"Bakit naman?" curious kong tanong.
"Hindi na rin naman siya magtatagal."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Paano niya nasasabi yon na parang wala lang? Wala bang puso ang taong ito?
Naupo siya sa couch na sinundan ko naman sa tapat niya.
"Why do you have that face?" naiinis nitong wika.
Yung kilay niyang naghihimutok ang lagi mong mapapansin sa mukha niya. Bukod sa makapal ay parang laging nakamasungit expression siya. Di ko kinakaya ang eyebrow game niya tinalo pa ang kilay ko na every week ay pinapaahit ko sa bff kong si Patty na may ari ng isang Salon.
"Sabi mo hindi na siya magtatagal. May malubha ba siyang sakit? May taning na ang buhay niya?" kawawa naman si Andrea nagkaron siya ng among walang puso.
Nagsalubong ang kilay nito. Lalo siyang nag mukhang masungit at galit. "Stupid. May cousin will take care of the dog when he gets back from his medical mission. What's wrong with your brain woman?"
Thinking hard si Grasya. Na shocked ang brain cells niya. Ang hirap talagang iproseso pag purong english nakakadugo ng utak.
Siya naman tuloy ang nagsalubong ang kilay. "Ano? Hindi kasi ako nakakaintindi ng straight english. Pwede pakitagalog? Nasa pilipinas naman tayo. May kanta ngang Love yourself, dapat love your language din." giit ko.
"Tss." Inirapan siya ni Teo. "Kukunin ng pinsan ko ang asong yan pag dumating na siya galing sa medical mission."
Nakahinga siya ng maluwag. "Ahhh... Siya ba ang may ari?"
"No. Nasa honeymoon."
"Talaga? San sila pumunta?"
"Why are you asking too many questions?" May konteng pag taas ng tonong tanong nito.
Inungusan ko siya. "Ang damot naman nito para nakikipag kwentuhan lang."
"What's your full name?" pormal na tanong nito.
"Grace Mapanatag, 23 taong gulang, 5'2", high school graduate, maganda."
"Maganda? Sure ka?"
"Oo, bakit may angal ka?" Hamon ko. Bulag ba siya para hindi ma-appreciate ang kagandahan kong nakalatag sa harapan niya? Excuse me lang pero itong mukha ko ang talagang maipagmamalaki ko.
"Wala."
Madali naman palang kausap. "Ikaw? Anong balak mong gawin kay Caleb?"
Napakunot noo ito. "Who's Caleb?"
Gusto niya itong tuktukan sa ulo pero hindi pwede dahil di pa naman sila close kaya saka nalang. "Tignan mo to, Caleb ang pangalan ng anak mo."
"Ipapa DNA test ko siya." walang kagatol gatol nitong sambit.
"Pano pala kung di mo siya anak?"
"It's none of your business."
"Wag mo siyang itatapon ha. Kung ayaw mo sa kanya kukunin ko nalang." niyakap niya ng mahigpit ang bata.
BINABASA MO ANG
Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)
Literatura FemininaSi Grasya, ang babaeng disgrasyada. Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e. Ang ibig kong sabihin sa disgrasyada ay literal na hinahabol, pinapaulanan at minamalas siya dahil sinasalo na at niya...