Hinatid ko sa bahay niya si Natasha. I enjoyed her company kahit na 50% ata ng pinag-usapan namin ay sinisingit niya si Grasya."Mukhang pagod na pagod si Grasya. Tinulugan niya na nga ang buong movie tapos pagdating natin sa sasakyan mo mabilis siyang nakatulog ulit." puna niya dito at nilingon pa si Grasya sa backseat nakatihayang natutulog na nakanganga pa at mahinang humihilik.
Mariin akong napapikit sa itsura niyang yon. Babae ba talaga to?
"That's what she gets for being to hype."
"At least there will be no dull moments with her. Isn't that nice? Bawas stress."
"Kabaliktaran ata ang nangyayari sakin lalo akong nasstress sa kanya."
"If I know..." sinadya nitong bitinin ang sasabihin at makahulugan nalang akong nginitian. "Paano? Pasok na ako. I had fun Teo."
"I had fun too. Goodnight."
"Goodnight." hinalikan niya ako sa pisngi at bumaba na ng sasakyan
Papasok na sana ito sa gate ng muling humarap at lumapit sa may bintana ko na binaba ko naman.
"Teo, we could be friends you know."
"Is this what they called now a days friendzoned?"
Tumawa ito bago sumagot. "No, it's just that alam kong wala itong patutunguhan dahil meron ka ng ibang taong gusto. Maybe you are just blinded by your idealism."
"You keep saying that. I know what I want." kunot noong sagot ko.
"Do you?"
NAGMANEHO ako pauwi na muling naguguluhan. What's happening? Kung kailan siya nakahanap ng babaeng pasok sa standards niya ay sasabihin naman nitong may nagugustuhan na siya? At ang pinaka nakakapagtaka ay di naman mabigat sa kalooboan ko kung totoong ifriendzoned nga ako nito. Tsk! Friendzone, narinig ko lang iyon sa kapatid ko.
Ipinarada ko ang sasakyan ko sa labas ng bahay. Bumaba ako para buksan ang gate at ipinasok ang sasakyan.
Hindi ko na kinuha si Caleb dahil sinabi ko kay dad na gagabihin kami ni Grasya. Tuwang tuwa pa nga ang ama kong tinanggap ang bata at sinabing magpakasaya kaming dalawa ni Grasya. Hindi ko na binanggit na sabit lang si Grasya at baka magtanong pa ng kung ano ano ang isang yon at matagal kami.
Nang maipark ko ng maayos ang sasakyan ko ay saka ko pinatay ang makina. Bumaba ako at binuksan ang backseat para gisingin si Grasya.
Iyon sana ang gagawin ko. Gigisingin ko siya. Ngunit ng makita ko kung gaano na kahimbing ang tulog nito ay di ko nagawa, hindi ko naman siya pwedeng iwanan dito.
Kaya mula sasakyan ay binuhat ko siya. Pagod nga ata siya dahil di manlang ito nagising.
"Hindi ka dapat tulog mantika, baka kung saan ka makatulog at dalhin ka kung saan ng taong makakita sayo." pagpapangaral niya dito kahit alam niyang di naman siya naririnig.
Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin siya sa maamong mukha nito. There it is again, he could feel his heart beating... Hard.
🌸🌸🌸
GRASYA'S POV
"Teo uuwi muna ako. Dadalawin ko lang ang tatay ko, dumating na kasi siya noong isang araw mula sa probinsya namin. Isasama ko nalang si Caleb." Anunsyo ko habang nag aalmusal kami.
Ilang sandali itong nakatitig sa akin na para bang may tinitimbang bago sumagot. "Pwede ba akong sumama sa inyo?"
"Ha?" di makapaniwalang tanong ko. Heller! Baka kasi nabingi lang ako o ano.
BINABASA MO ANG
Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitSi Grasya, ang babaeng disgrasyada. Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e. Ang ibig kong sabihin sa disgrasyada ay literal na hinahabol, pinapaulanan at minamalas siya dahil sinasalo na at niya...