Part 7

47.1K 1.1K 83
                                    

Thank you sa mga nag suggest ng names. Wait niyo nalang kung ano napili ko at kung kailan sila lalabas.

🌸🌸🌸🌸

Tulad ng inutos ni damuhong kamahalan ay nag commute ako. Sumakay ako sa jeep na di naman umuusad. Tuluyan na akong naipit sa trapik kaya nagpasya na akong bumaba ng jeep at nagsimulang lumakad. Habang naglalakad nakikita ko ang mabibilis na motor na nakakalusot sa gitgitan ng mga sasakyan. Kaya naman nung nasa may stop light ako at pumarada sa harap ko ang isang lalakeng naka motor at may suot na itim na helmet ay kinapalan ko na ang mukha ko.

"Kuya." tawag ko dito sabay tapik sa balikat nito kaya napalingon ito sakin. "Pwedeng paangkas?"

"Wala akong extra helmet." Kulob na sagot nito na di nag-abalang buksan ang helmet niya.

"Sige na kuya emergency lang! Buhay ko ang nakataya dito maawa ka na. Maaatim mo bang mawalan ako ng trabaho? Tapos mapapariwara ako, magiging disperada kaya kung ano anong di magagandang trabaho ang pwede kong pasukin tapos-"

"Pag tayo mahuli ng mga traffic inforcer." putol nito sa sinasabi ko.

"Hindi yan!"

"Saan ka ba pupunta?"

Binanggit ko sa kanya ang village ni Teo.

"Fine. Hop in. You're lucky dahil halos dun din ang daan ko."

"Yes!!! Salamat! Salamat!" Umangkas agad ako sa likod niya at ipinulupot ang mga kamay ko sa katawan niya. Infairness naman dito kay Kuya ang bango! Langhap sarap ka sa kanya tsaka may katigasan ang tyan ha. Buti nalang di ako manyakis kaya di ko na masyadong dinama hehe.

Sa bilis magpatakbo ni kuya ay mabilis rin kaming nakarating sa Village. Itinigil niya ako sa labas ng malaking gate ng Village.

"Thank you ulit ha! Isa kang hulog ng langit."

Natawa muna ito bago sumagot. "Welcome. Actually you looked more like an angel if it wasn't for your messy hair."

"Ano?" tanong ko. Ano ba to! Nagkalat na ba talaga ang englesero sa pilipinas? Sila ang pahirap sa buhay ko sa totoo lang.

"Sabi ko, go on, diba buhay mo ang nakataya dito?" paalala niya.

"Ay oo nga pala! Nakuuu o sige na mag ingat ka. Ba-bye!" kumaway ako samantalang sumaludo naman siya at pinaandar na ang motor niya. Di ko manlang naaninag ang mukha niya.

Nang pumasok ako sa gate ay gulat na gulat si Manong guard ng makita ako.

"Grasya muntik na kitang di makilala." Yes alam na ni Manong ang pangalan ko dahil minsan ko na siyang nakachikahan. Ganun ata talaga pag may itsura ka hindi ka basta basta makakalimutan ng tao.

Napakunot noo ako. "Bakit naman po?"

"Eto oh." nagtatakang tinanggap ko ang medyo malaking salamin na inaabot niya sakin na kulay pink. Pink talaga?

Napasinghap ako ng makita ang itsura ko. Walang hiya! Kaya naman pala pati si kuya kanina natatawa, mukha akong bruha sa buhok kong sabog sabog.

Inismiran ko si Manong. "Ano ka ba Manong bagong style yan. Yung iba nga nag iitim na lipstick pa!"

"Ganun ba yun?" tila ayaw maniwalang tanong nito.

"Oo. Oh sya manong una na ako." mamaya kasi may masabi pa siyang di ko magustuhan baka ma flying kick ko siya. Echos! Haha!

Nakakailang hakbang palang ako ng bumukas ang gate na binabantayan ni Manong.

Napangiti ako ng makita ang kotse iyon ni Teo! Kumakaway kaway pa ako dahil sa wakas ay di ko na kailangang pang lakarin pa loob.

Ngunit muli akong napanganga ng lagpasan lang ako nito.

Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon