Noong sinabi ko kay Teo na pumayag makipag date si Natasha ay di naman nagpatumpik tumpik pa ang lalake. Tinatanong agad kung kailan, anong oras at kung paano ko napapayag si attorney.Syempre facebook friends at instragram followers na namin ang isa't-isa. Sinend ko ang picture ni Teo na kahit na seryoso ang fez ay gwapo parin. Ang sabi pa nga ni Natasha ay kilala daw niya si Teo kaya mabilis ko itong napapayag.
Akala ko nga ay sasabihin ni Teo na hindi siya interesadong makipag date pero nagkamali ako. Mukhang na excite pa ang damuho! Bigla nga lang siyang sinamaan na naman ng tingin nito ng sinabi niyang may hininging kundisyon ang babae at iyon ang ang sumama rin siya sa date nila.
Wala lang naman sa akin ito pero yung puso ko may comment. Ouch daw? Luh?
🌸🌸🌸
Pinaghandaan talaga ni Teo ang date niya ngayon dahil mukha siyang mabait sa porma niya. Madalas kasi ay mga patay na kulay lang ang suot niya kaya ngayon ay extra gwapo siya sa paningin ko. Para bang biglang nagliwanag at gumaan ang aura nito.
Ako naman ay hindi na nag abalang mag ayos, simpleng t-shirt at pantalon lang ang sinuot ko dahil baka ano na naman ang masabi niya sakin masasaktan--maiinis lang ako.
Sinundo ni Teo sa bahay niya si Natasha, at nang makapasok ito ng sasakyan ay doon lang nila pinag-usapan kung saan sila pupunta. Magkatabi sila sa harapan habang ako ay nananahimik sa likuran. Kahit na binati at kinamusta ako ni Natasha ay nginitian ko lang siya. Ang goal ko kasi ngayon ay maging anino lang, hindi ako dapat makagulo sa date nila.
Gusto kong mag enjoy si Teo, gusto ko siyang makitang ngumiti, gusto kong marinig ang tawa niya at kung ang tanging paraan ay ang pang ala anino para lang makita yon, bakit hindi?
TEO'S POV
"How about I pick the first place and then you next? By that will also get to know each other." suwestyon ng babae ng tanungin niya ito.
Hindi siya nagkamali ng makasalubong niya ito ng isang araw. Maganda at mukang sopistikada si Natasha, at dahil sa kadaldalan ni Grasya ay nalaman niyang abogada ito, na ang ibig sabihin ay matalino rin ito. His kind of woman.
Buong buhay niya ay ngayon lang siya totoong nakipag date. Of course he goes to clubs noon pero hindi naman talaga siya interesado sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Ngayon lang nabuhay ang interes niya na gustong kilalanin ang isang babae.
Una silang pupunta sa museum dahil iyon daw ang hilig ni Natasha. She love arts. Ang pagkakaalam niya ay taong malalalalim ang mahilig sa arts. Hindi tulad ng isang taong kakilala niya na walang kasing babaw.
Kitang kita niya kung gano ka engrossed si Natasha sa pag tingin sa mga sculftures and paintings. Di naman siya mahilig sa art pero humahanga din syia sa magagaling na artist.
BINABASA MO ANG
Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitSi Grasya, ang babaeng disgrasyada. Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e. Ang ibig kong sabihin sa disgrasyada ay literal na hinahabol, pinapaulanan at minamalas siya dahil sinasalo na at niya...