Episode 5 (forbidden)

361 4 0
                                    

[Umuwing malungkot si Sharlene. Hindi naman nakalampas yun sa kanyang Mama. Napansin niyang parang wala sa mood ang anak niya.]

Kathryn: O, andyan ka na pala anak. Gusto mo na bang magmeryenda? May niluto akong ginataan para sayo. 

 (nag-bless muna kay Kathryn bago sumagot)

Sharlene: Thank you Ma. Mamaya na lang po ako kakain. Magpapahinga na lang muna po ako. 

Kathryn: Sharlene?

Sharlene: Ma?

Kathryn: May problema ka ba?

Sharlene: Napagod lang siguro ako Ma. Nag-exam po kami sa Math kanina.

Kathryn: Hindi ka ba nakapag-review?

Sharlene: Ni-review po kami ni Jairus, yung Top 1 po namin sa class pero worried lang po ako kasi medyo mahirap yung mga equations sa test.

Kathryn: Ganun ba? Naku magdidikit ka dyan sa Jairus na yan nak para mataas ang makuha mong grades.

Sharlene: Mama talagaaa... 

Kathryn: Biro lang anak. Ehhh kesa naman dun kay Nash eh dun ka na lang kay Jairus sumama. 

Sharlene: Ma, hanggang ngayon po ba? Sinunod ko naman kayo ah. Kaibigan ko po si Nash mula pa nung eight years old kami. At si Jairus po, minsan lang po ako kausapin nun. 

Kathryn: Hindi mo maiaalis sa akin na mag-alala anak. Ayaw ko na magkaroon ka ng anumang ugnayan sa pamilya nila. Bata ka pa lang paulit-ulit na kitang pinagsabihan pero anong ginawa mo?

Sharlene: I'm sorry Ma. 

(sabay yakap ni Sharlene sa kanyang Mama)

Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (Nashlene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon