[Text message from Sharlene: "Magkita tayo bukas sa burol. 5pm."]
Nagpunta si Nash sa burol kinabukasan sa pag-aakalang mabibigyan ng mga sagot ang mga katanungan tungkol sa pagkakamabutihan nina Jairus at Sharlene. Pero nagkamali siya. Nagulat siya sa bumungad sa kanya pagdating niya doon.
Alexa: Babe! (sabay yakap niya sa boyfriend na si Nash). Mabuti dumating ka na.
Nash: (kumawala sa pagkakayakap kay Alexa) Anong ginagawa mo dito?
Alexa: Happy Anniversary Babe! Na-surprise ka ba?
Nash: Paano mo nalaman ang lugar na ito? Sinong nagsama sa'yo dito? Bakit dito?
Alexa: Wait lang Babe, isa-isa lang ang tanong, okay? This is my surprise gift for you. Halika, upo tayo. Naglatag na ako ng mat sa ilalim ng punong mangga.
(pagkaupo nilang dalawa, hinarap ni Nash si Alexa)
Nash: Now tell me, sinong nagsama sa iyo dito?
Alexa: (tensed) Ah, mahalaga pa bang malaman mo iyon? Hindi ba dapat masaya ka kasi magkasama tayo at dahil first year anniversary natin? Bakit ka ba nagkakaganyan?
Nash: Hindi ba nag-usap na tayo sa phone kanina? 8pm ang tagpuan natin sa Nando's mamaya.
Alexa: It was just a part of the plan. I wanted to surprise you. Ano bang mali sa ginawa ko?
Nash: (hinawakan ang kanang kamay ni Alexa) Look, hindi ko ine-expect na gagawin mo ito. I appreciate your effort but I don't want to celebrate it in here.
Alexa: (nangingilid ang luha) Gusto ko lang naman na mapuntahan ang lugar na ito para kapag nagku-kwento ka ng past ninyo ni Sharlene noong mga bata pa kayo, makaka-relate na ako. May masasabi na rin akong best memories with you sa burol na ito.
Nash: Tell me, sinong nagsama sa iyo dito? Si Sharlene ba?
(Tango lang ang naisagot ni Alexa. Tumalikod ni Nash at hindi niya napigilan ang tumulong luha sa kanyang mga mata.)
Nash: (sa isip) Bakit hindi ka tumupad sa pangako Sharlene?
[Sa burol. Third year high school sina Nash at Sharlene.]
Sharlene: Nash, uwi na tayo. Mag-gagabi na eh. Baka mapagalitan na ako ni Mama.
Nash: Tumawag naman ako kay Tita Kathryn kanina ah. Bakit ba nag-aalala ka pa? Ihahatid naman kita ah. Hintayin na nating lumabas ang mga fireflies.
Sharlene: Hay naku, ang kulit mo.
Nash: Mas makulit ka.
Sharlene: Ewan ko sa'yo.
Nash: Haha! Sungit mo. Alam kong big girl ka na...
Sharlene: Excuse me, young lady po.
Nash: Okay, young lady ka na. Siguro nag-aalala ka baka kung ano ang isipin ng ibang tao kapag nakita nila na magkasama tayo. Pero wala akong pakialam sa sasabihin nila. Alam naman natin kung ano ang totoo eh.
Sharlene: Na?
Nash: Na naghihintay tayo na lumabas ang mga alitaptap. Saka alam naman nila na mag-bestfriends tayo.
Sharlene: Oo na po. Alam ko na ang kasunod niyan eh. Bestfriends tayo at ang mag-best friends, hindi nag-iiwanan.
Nash: Tama! Dapat solid tayo. Dapat love natin ang isa't-isa.
Sharlene: Love naman kita ah. Sabi ni teacher "Be kind to animals, diba?"
Nash: Ganun?!
Sharlene: Ikaw kaya ang favorite pet ko.
Nash: Ah huh! Animal pala ha? Lagot ka sa akin!
(kiniliti nang kiniliti ni Nash si Sharlene hanggang magmaka-awa siya na itigil niya ang pagkiliti.)
Sharlene: (hinihingal) Tama naaa!!! Hindi na ako uulit Kuya.
(napatigil si Nash sa pangugulit. Napatitig siya sa mukha ni Sharlene.)
Sharlene: Bakit?
Nash: Nothing.
(tumahimik si Nash.)
Sharlene: Anything wrong with what I said? I just wanted you to stop tickling me.
Nash: You know that I don't like it when you call me...
Sharlene: Kuya?
Nash: Yeah, remind me.
Sharlene: Bakit ba ayaw mong tawagin kitang kuya? Mas matanda ka naman sa akin ah.
(Umakbay si Sharlene kay Nash. Inalis naman ni Nash ang kamay ni Sharlene sa pagkaka-akbay nito bagkus hinawakan niya ang kanang kamay nito at inalalayan patayo.)
Nash: Whoah! Nakita ko na sila!
(muntik nang madapa si Sharlene nang biglang hilahin siya ni Nash palapit sa mga alitaptap. Kasi naman, nakatingin siya sa kamay ni Nash na nakahawak sa kamay niya.)
Nash: Pumikit ka.
Sharlene: Bakit?
Nash: Bastaaaa...
Sharlene: Okaay...
(habang nakapikit si Sharlene)
(habang sinasabi ni Nash ito, walang boses kaya walang ka-alam alam si Sharlene na...)
Nash: Pag ready ka na, saka ko sasabihin sa iyo na mahal na mahal kita.
Sharlene: Nash? Uy, madaya ka. Paano ko makikita ang mga fireflies pinapikit mo ako.
Nash: Sige dumilat ka na. Tingnan mo ito.
(Ipinakita ni Nash ang kamay niyang may nahuling isang alitaptap.)
Sharlene: Wow!
Nash: Ikaw ito Shar.
Sharlene: Hmmm bakit naman?
Nash: Kasi you light up my world?
Sharlene: Hahahaha. Corny mo Nash!
Nash: Haha! Pero seryoso na ito ha? You know that this place is so special for me. I promise you and I want you to promise me that neither one of us will be here with any other one. Just the two of us.
Sharlene: I promise.
(They did the pinky swear to seal that promise.)
BINABASA MO ANG
Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (Nashlene)
Fanfiction"Akala ko, pagdating ng panahon, matututunan mo akong mahalin. Hindi man kapantay ng pagmamahal ko para sa iyo pero yung sapat na para manatili kang nasa tabi ko."