Episode 10 (angel in disguise)

347 5 0
                                    

[Kanina pa nakatingin sa isang page ng librong hawak si Sharlene. Walang pumapasok sa isip niya. Gusto niyang magalit. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa.]

Jairus: Penny for your thoughts, Sharlene?

Sharlene: (medyo nagulat) Ah. O, ikaw pala Jai. Bakit?

Jairus: Kanina pa kita napapansin. Parang hindi ka okay.

Sharlene: Ha? O-okay lang ako. Nagbabasa nga ako ng book diba?

Jairus: Kanina ka pa kaya sa page na yan. Nakatitig ka lang.

Sharlene: Napansin mo pala?

Jairus: Bakit pugto ang mata mo?

Sharlene: Ha, a-ano kasi, napuyat ako kagabi. Tinapos ko lang ang homework natin sa English.

Jairus: Wala naman tayong homework sa English kahapon eh. Kanina lang nagbigay ng homework si Ms. De Castro.

Sharlene: Oo nga ano?

Jairus: Wag ka nang magsinungaling. Halata naman na may dinaramdam ka. Wanna share it with me? Mas gagaan ang pakiramdam mo kapag nai-share mo sa iba yan.

Sharlene: Nalulungkot ako. Para kasing may mga bagay na hindi na kayang ibalik sa dati. 

Jairus: Nothing is permanent except change. Siguro napakahalaga sayo ng bagay na yun. Pero kung wala na talaga, move on. Just like what I did. I had a girlfriend back in high school. We were together since first year then nung nag-college, nagkahiwalay kami ng school kasi hindi siya nakapasa sa scholarship na pareho naming in-applyan dito. She broke up with me. Hindi niya daw kaya na magkalayo kami. Then one of our common friends told me that she was seeing somebody sa school na pinasukan niya. 

Sharlene: Talaga? Nakakalungkot naman ang nangyari sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sa akin nangyari yan.

Jairus: It was hard to move on at first. I even hated all women after that. Imagine, four years kaming magkarelasyon then after some months lang ipagpapalit niya ako sa iba. Nagkaroon ako ng inferiority complex dahil pakiramdam ko sobra akong napahiya sa ginawa ng ex-girlfriend ko. 

Sharlene: Kaya pala minsan ka lang magsalita. Palagi kang mag-isa. Wala kang kaibigan dito sa school. 

Jairus: Pakiramdam ko kasi, pare-pareho na kayong mga babae na paasa sa wala. 

Sharlene: Uy, grabe ka naman sa amin.

Jairus: Noon iyon. Na-realize ko na babae din ang Mommy at Lola ko pati na ang baby sister ko kaya natuto akong magpatawad. At nung may nakilala akong babae na sincere sa pakikitungo niya sa akin, mas napatunayan kong hindi lahat ng babae ay gaya ng ex ko. Kaya, salamat ha?

Sharlene: Ha? A-ako?

Jairus: Oo. Ikaw. Teka, hindi naman ako ang may problema ah. Ano ba kasi yon? Hmmm... Maybe it is a girl thing kaya hindi mo masabi sa akin but I'll be right here. Hihintayin kong mag-open ka, pag ready ka na.

Sharlene: Thank you Jai. You're an angel in disguise.

(ngiti lang ang sagot ni Jairus)

Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (Nashlene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon