[Pagkatapos na mamili ng mga materials for the stage play, inihatid na ni Nash si Sharlene sa bahay.]
Kathryn: Nash, pasok ka muna. Dito ka na mag-dinner.
Nash: Naku tita, kailangan ko na pong umuwi eh. Nasa bahay na po sina Mommy. Next time na lang po ulit.
Kathryn: O sige iho, mag-iingat ka ha? Salamat sa paghatid mo kay Sharlene.
Nash: You're welcome po Tita. (baling kay Sharlene) Uwi na ako Shar.
Sharlene: Sige bro, ingat ka.
[Habang minamasdan ni Kathryn si Sharlene habang kumakain, bigla itong nalungkot. Naalala ang mga panahon noong pinagsasabihan niya si Sharlene na itigil na ang pakikipag-kaibigan kay Nash. Ayaw na niyang magkaroon pa ng anumang ugnayan sa pamilya ng dati niyang minahal, si Daniel.]
Daniel: Kathryn, nahihirapan na ako sa sitwasyon natin. Tago tayo ng tago kapag magkasama. Pumayag ka na kasi na ipakilala kita kina Mama at Papa. Ipakilala mo na rin ako sa mga magulang mo.
Kathryn: Hindi na natin kailangang magtago sa mga magulang natin Daniel.
Daniel: Dahil ipapakilala mo na ako sa kanila?
Kathryn: Hindi.
(nagtaka bigla si Daniel)
Daniel: Eh ano?
Kathryn: Kailangan na nating tapusin ang relasyon nating ito.
Daniel: Ha?!
Kathryn: Kahit kailan, hindi ako matatanggap ng mga magulang mo dahil hindi kami mayaman na gaya ninyo. Ayaw kong mapahiya ang pamilya ko.
Daniel: Ang babaw naman ng dahilan mo. Pwes, hindi ako papayag.
Kathryn: Buo na ang desisyon ko Daniel. Ayaw na kitang makasama. Nalaman ko na ipinagkasundo ka na sa isang babae. Siya ang mas bagay sa iyo at hindi ako. Sundin mo na lang ang gusto nila. Mas makakabuti iyon sa iyo.
Daniel: Ganun na lang kadali iyon? Huwag mo namang gawin ito sa akin.
Kathryn: Daniel, wala pa namang isang taon tayong magkarelasyon. Sandali lang at makakalimutan mo rin ako. Malilimutan rin kita.
[Naputol ang sandaling iyon nang bigla siyang tawagin ni Sharlene.]
Sharlene: Ma? Okay ka lang? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?
Kathryn: Wala iyon nak. Kumusta nga pala sa school?
Sharlene: Okay naman po. Busy sa stage play.
Kathryn: Kasama ba si Nash?
Sharlene: Opo. Pero Ma, wala naman po kaming ibang pinupuntahan bukod sa school. Saka nagpapa-alam naman po kami sa inyo gaya kanina. Huwag po kayong mag-alala. Sinusunod ko naman po lahat ng payo ninyo sa akin.
Kathryn: Napakabait mo talagang anak. Hindi ako nagkamali nang pumayag akong ipagpatuloy ninyo ang pagkakaibigan ninyo ni Nash. Nagkamali lang ako nang ipagkait ko sa iyo na bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon na magmahal. Sorry anak kung naging selfish ang Mama mo.
Sharlene: Ma, naiintindihan ko naman eh. Thank you po kasi naiintindihan niyo din na mahalaga sa amin ni Nash ang friendship namin.
Kathryn: Alam kong hindi lang siya mahalaga, mahal mo siya.
Sharlene: Maaa.. Naman eh.
Kathryn: (natatawa) Totoo naman eh. Noong gabi na sinabi mo sa akin na may girlfriend na si Nash, nahuli kitang umiiyak.
Sharlene: Ma, isa lang ang ibig sabihin kung bakit may girlfriend siya. Hindi ako yung gusto niya.
Kathryn: Sayang anak, kasi pumapayag na ako na ipagpatuloy niyo lang kung talagang nagkakagustuhan kayo. Nakausap ko na si Daniel. Sabi niya, nagpapasalamat daw siya at napalaki kita ng tama. Lumaking responsable ang anak niya dahil na rin sa tulong mo. Imbes na makisali si Nash sa mga bad influence, sa iyo siya nakikinig. Kaya bukod daw sa basketball, gitara at skateboarding, ikaw lang daw ang bisyo niya.
Sharlene: Talaga Ma? Sinabi ni Tito Daniel iyon?
Kathryn: (bumuntung-hininga) Oo nga. Nanghihinayang daw siya kasi hindi ikaw ang niligawan ni Nash. Pero huwag mo nang isipin iyon nak. Malay mo, makakita ka ng mas higit pa sa kanya.
Sharlene: (sa isip) Wala na Ma. Wala na sigurong mas hihigit pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (Nashlene)
Fiksi Penggemar"Akala ko, pagdating ng panahon, matututunan mo akong mahalin. Hindi man kapantay ng pagmamahal ko para sa iyo pero yung sapat na para manatili kang nasa tabi ko."