[Pugto na ang mga mata ni Sharlene kaiiyak dahil sa naging away nila ni Nash over the phone.]
"Grabe talaga siya. Ako na nga itong pinagalitan niya at napahiya kanina, siya pa talaga ang may ganang mag-hang up ng phone. Noon, kahit ako ang may kasalanan, hindi niya ako pinapagalitan. Hindi niya ako pinagbababaan ng phone. Hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Bad siya! Hindi ko talaga siya kakausapin."
(nang bigla niyang maalala ang nakaraan...)
Nash: Oy panget, alas nuebe na, matulog ka na. Antok na rin ako eh.
Sharlene: Ayaw.
Nash: Aba, may pasok pa tayo bukas. Mapupuyat tayo.
Sharlene: Wag ka nang galit sa akin ha?
Nash: O sige na, hindi na ako galit. Basta wag ka nang magsisinungaling kay Tita Kathryn pag lumalabas tayo ha? Ayaw kong mawala ang tiwala niya sa atin.
Sharlene: Kasi alam ko naman na hindi niya ako papayagan kung sasabihin kong sasama ako sa swimming ng basketball at volleyball team.
Nash: Kahit na. Kung hindi siya pumayag, edi hindi. Graduating tayo kaya kung anu-anong pamahiin ang naiisip ni Tita.
Sharlene: Yun na nga lang ang last time na makakasama natin ang mga High School mates natin eh.
Nash: Kahit na.
Sharlene: Kawawa naman ako. Ako lang ang hindi kasama.
Nash: Pwede ba yon? Syempre kung hindi ka sasama sa outing eh hindi rin ako pupunta.
Sharlene: Ows?
Nash: Kelan ba kita iniwan? Saka pwede naman tayong mag-set ng sarili nating outing.
Sharlene: Ayaw ko naman na i-deprive mo ang sarili mo sa mga ganung kasiyahan.
Nash: Mas mahalaga ka kaysa anumang outing. Masaya na akong makita ang panget mong mukha. Haha!
Sharlene: Nakaka-asar ka!
Nash: Haha! I love you panget.
Sharlene: I hate you.
Nash: Haha! Biro lang. Ang cute cute mo kaya!
Sharlene: Ewan ko sayo.
Nash: Wag ka nang magalit. Sige na tulog na tayo Labs.
Sharlene: Anong sabi mo?
Nash: Ha?! Ah sabi ko labas na lang tayo this weekend. This time, ako na ang magpapa-alam kay Tita.
Sharlene: Ahhh, akala ko kasi sabi mo Labs.
Nash: Naku, inaantok ka na talaga. Good night. Sige, baba mo na.
Sharlene: Ikaw muna.
Nash: Kulit mo. Sige na. Bye.
(sandaling katahimikan)
Nash: Oy Sharlene!
Sharlene: Hahaha!
Nash: Sabi nang matulog ka na eh. Hang up the phone please.
Sharlene: Okay, bye Nash.
(call ended)
BINABASA MO ANG
Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (Nashlene)
Fanfic"Akala ko, pagdating ng panahon, matututunan mo akong mahalin. Hindi man kapantay ng pagmamahal ko para sa iyo pero yung sapat na para manatili kang nasa tabi ko."