Episode 14 (catch me when I fall)

338 5 1
                                    

[ Sa caf...]

Alexa: Hi Sharlene!

Sharlene: O, hi Alexa! Kumusta?

Alexa: Mabuti naman. Ikaw?

Sharlene: Okay lang. O, wala ata ang mga kasama mo sa cheerleading?

Alexa: Ah, kasi nauna na sila sa bahay nina Aaron. Ikaw, hindi ka ba pupunta sa victory party ng mga basketball players?

Sharlene: Hindi eh. May tatapusin pa akong backdrop para sa stage play.

Alexa: I see. Ah, hmm Sh-sharlene? Pwede bang humingi ng favor?

Sharlene: Oo naman. Basta kaya ko. Ano ba yon?

[sa Drama Club office]

Ms. Cruz: O, Nash ikaw pala yan. Akala ko may victory party kayo?

Nash: Ay opo. Susunduin ko lang po sana si Sharlene para sabay na kami. Wala po kasing maghahatid sa kanya.

Ms. Cruz: Wow, ang bait mo namang boyfriend.

Nash: (nag-blush)

Ms. Cruz: Si Sharlene, nasa auditorium, tinatapos ang backdrop for the stage play.

Nash: Ah, ganun po ba? Thank you po Ma'am.

[Sa auditorium]

Sharlene: Jai, makiki-abot naman please ng mas malaking paintbrush.

Jairus: O, eto na po. Mag-ingat ka dyan ha.

Sharlene: Ano ka ba, okay lang ako. Hawak mo naman ang hagdan eh. Pag nahulog ako, edi saluhin mo ako.

Jairus: Syempre naman. (pabulong) Sana pag nahulog ako sa'yo, saluhin mo rin ako.

Sharlene: Ano kamo?

Jairus: Ha?! W-wala. Sabi ko bilisan mo at nangangalay na ako. 

Sharlene: Sorry naman po. Konti na lang ito.

(after 5 minutes)

Jairus: (hawak ang kamay ni Sharlene, inaalalayan pababa ng hagdan)  O, dahan dahan.

(pagbaba ng hagdan)

Jairus: Haha!

Sharlene: Bakit?

Jairus: (kinuha ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mukha ni Sharlene) Eh kasi po, may pintura ang noo mo. Haha!

Sharlene: Haha! Thanks Jai.

[Kitang-kita ni Nash ang lahat ng iyon.]

Nash: (sa isip) Bakit ganyan ka Sharlene? Hindi mo man lang  sinabi sa akin na kayo na pala ni Jairus.

(at tumalikod papalayo si Nash...)

Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (Nashlene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon