( Gian’s POV )
** TIKTILAOK! TIKTILAOK!
Naalimpungatan ako sa tunog ng manok ni papa pati na din sa sikat ng araw na dumadampi sa mga paa ko.
“hala! Anong oras na?!” napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng maliit kong kwarto.
Bago ko pamasambit ang oras eh bumukas ang pinto “anak gumising ka na pagtimpla na kita ng kape.”
Gusto kong mainis kase anong oras na pero hindi ko magawang sirain ang araw ko nang dahil lang sa oras atsaka ang ganda ng ngiti sakin ng mahal na mahal kong ina eh!
Humigop ako ng kape bago ako maligo.
“nay alis na po ako.” Pasigaw kong sabe sa nanay ko para marinig ako.
“sige anak mag ingat ka nasa tatay mo ang baon mo mag aral ka ng mabuti.”
“opo.” Lumabas ako ng bahay para pumunta sa tatay ko na abala sa pag himas sa mga balahibo ng manok nya.
“tay, alis na po ako baon ko po.” Inilahad ko ang palad ko sa harap ng tatay ko. Inilapag nya sa palad ko ang isang buong singkwenta, isang bente at dalawang limang piso..
“ayan anak mag aral ka ng mabuti ha?”
“opo tay.” Ngumiti ako at tumalikod sa kanya.
“ay teka anak eto pa!” iniabot nya saken ang isang piso. “pambili din ng kendi. Hehe.”
ang swerte ko paren kahit hindi kame ganoon ka yaman meron naman akong mababait na magulang at kapatid.
Nag madali akong mag lakad papunta sa sakayan ng jeep.
( Mica’s POV )
** kring! Kring! Kring!
Pangatlong kring palang ng alarm clock ko nagising agad ako.
“good morning!” sabi ko sa sarili ko. Maganda siguro magiging araw ko ang ganda ng gising ko eh bakit ba?! XD
Naligo muna ako bago ako bumaba para kumain.
“good morning ma!”
“good morning ayan na milk mo. Anong oras ba pasok mo?”
“maya maya pa po.” Ang bait talaga ni mommy she’s very caring =””>
I eat with mommy then lumayas na papasok ng school.
Pag punta ko dun sa sakayan ng jeep biglang umambon kaya naman nilabas ko ung payong ko agad agad duh! Ayoko mabasa haha XD ang traffic pa siguro may nag banggaan nanaman banda run.
May nag stop na jeep sa harap ko feeling ko naman kasya pa ko kaya umakyat ako ng jeep kaso hindi na pala kasya gosh! Manong driver stop mo ung jeep gowd ang hirap umisquat nakaka hiya >____<
“miss dito kana.” Bigla akong napatingin sa nag salitang kuya. Gosh he’s so kind ang CUTE! XD
Edi umupo ako sa upuan nya sya naman sumabit medyo nakukunsensya ako kase umaambon mababasa sya. But it’s his choice right? Whahahaha! XD
( Gian’s POV )
Kahit na ang sikip sikip na sa loob ng jeep may pumasok pa na ate. Grabe din ung driver kase kahit na hindi pa nakakaupo si ate umandar na? Kawawa naman ung ate haha walang nag papaupo sa kanya.
“miss dito kana.” Tumayo ako at sumabit nalang lintik umuulan pala? >____<
Pilit kong isinisiksik ung sarili ko sa loob ng jeep para wag mabasa ung uniform na nilabhan ni mama nakakapagod yun ah.
Napansin ko si ateng pinaupo ko na nakatingin sakin. Nakakailang! Bakit nya kaya ako tinitingnan? Anyway matagal pa ba akong sasabit dito?
Naipit nanaman ung jeep sa traffic pano ba naman kung san sang eskinita sumusuot pag ako nalate lagot ka saken! Haha XD
Maya maya pa dahil sa inip nag sibabaan ung ibang pasahero kaya naka upo na ako. Hayahay! XD mag babayad na ako naka upo na ko eh haha. Binuksan ko ung coin purse ko at tiningnan ko ang laman nandun pa ung 50, 20, dalawang 5 at piso haha XD
Pinagmasdan kong mabuti laman ng coin purse ko kase kinukwenta kong mabuti ung mga gagastusin ko sa araw nato dapat walang masayang sa binigay na pera ni papa.
Kinuha ko ung singkwenta “manong bayad po estudyante lang.” Sabay abot ko papunta sa driver.
“sukli daw po.” Sabi ng katabi ko at iniabot sakin ung lukot lukot na dalawang bente.
Anak ng tipaklong sabi ko estudyante eh!
“manong sabe ko estudyante lang ung singkwenta!” halos pinag titinginan na nila ako sa lakas ng boses ko bakit ba kilala ba nila ako? Saka dapat 8 lang ung pamasahe pag estudyante eh!
Inabutan ako ng katabi ko ng PISO galing sa driver. Tsk tsk napailing nalang ako eh sobrang tsk! >___<
Tumigil ung jeep sa may kanto para kumuha ng pasahero kaya sumisikip nanaman at ito pang isang babae mukang tulog na tulog pa hindi tulog magkasya ung iba.
Aun pala ung babaeng pinaupo ko tsk tsk ang careless nya hinahayaan nya nalang ung palda nya na umangat tsk tsk ang careless babae ba to?
“miss ayos upo may iba pang pasahero.” Sabi ng katabi nya.
Naalimpungatan ung babae tapos...
*BOGSH!
“aray!” tinamaan ako ng payong nya lintik sa sikmura pa >____<
BINABASA MO ANG
This Careless <3
Teen Fictioncareless? baka sinasabe mo lang na careless kase aksidente nyang natabig puso mo at nahulog sa kanya?! haha careless nga! nakakahawa yun mag ingat ka! kaso hindi naka iwas si Gian ayan tinamaan sya. =3 pabasa po saka pa follow ^__^ hehe thank you sa...