( Gian’s POV )
“kuya sandali nalang intayin lang natin na sunduin ng mama nya si Luigi.. wala kasi syang kasama kuya eh.. pleeeeeeease?” pag mamakaawa ng younger sister ko, Si Gillian.. lage naman namin iniintay ung mommy ni Luigi pero araw araw parin syang nag papaalam ang cute talaga haha XD
“oo sige na nga tara sa play ground nyo muna tayo kukwentuhan ko kayo ng story.” Pang uuto ko malilikot kase tong mga to eh sa araw araw na pagsundo ko sa kapatid ko alam na alam ko na teknikan dito haha XD
Habang nag lalakad kame papuntang play ground nag haharutan silang dalawa kaya binuhat ko sila pareho magaan lang naman parehong 5 years old lang naman tong dalawang to eh. Mag papawis kase sila pag nag harutan.
Kwinentuhan ko sila ng napakaraming EPIC STORY haha sabe kase ng sabe ng
“isa pa isa pa!” taragis kung di lang mga bata tong mga ‘to eh pinagkukutusan kona tong dalawang to haha XD
“ang tagal naman ng sundo ni Luigi ngaun lang to ah!” hinayaan ko na silang mag laro inip na inip na kase sila at naubusan na ako ng storyahe XD mag iisang oras na kameng nag iintay..
“kuya Gian itext mo na si mommy i’m hungry na eh.” Sabi saken ni Luigi pawisan na sila pareho.
“ay walang cellphone si kuya Gian mo eh sorry ha?! Wait lang tayo dadating din nayun upo na akyo dito sa tabi ko.” Sinunod naman nila ako.
( Mica )
Kase naman ung mga classmate ko eh nag aya pang mag mcdo ayan tuloy.
“asan na kaya un si Luigi?”
Nag lakad ako papunta sa park ng school nila nakita ko isang lalake na nakaupo sa bench na may katabing dalawang estudyante wait! Si Luigi un ah?!
“hala kidnapper!”
Tumakbo ako papunta sa kanila.
“Luigi lumayo ka sa kidnapper!” sigaw ko?
Buti narinig nya 'ko tumayo si Luigi pati ung lalake at hinawakan ung braso ni Luigi.
“ate!”
( Gian )
“ate!” sigaw ni Luigi sa papalapit na babae.
“ano kaba Luigi wag kang sama ng sama sa mga hindi mo kilala!!” sabe nung babae kay Luigi teka hindi ito ung mommy ni Luigi ah?”
“ate hindi po! Kilala ko po si Kua Gian sya po ung kuya ni Gillian palage nya po po kong sinasamahan mag hintay kay mommy.” Sabi ni Luigi sa ate nya?
“kahit na! Hindi sya kilala ni mommy!” abay taran!
“ahm excuse me po kilala ako ng mommy ni Luigi actually sya pa nga po nag sabe na bantayan si Luigi pag wala pa sya..” pag papaliwanag ko sa ate ni Luigi.
Tumayo ung ate ni Luigi at humarap saken.
“IKAW?!” <---- ako
“IKAW?!” <---- ate ni Luigi
Nanlaki mata ko sa nakita ko. Sya kase ung sa jeep kanina.
“kilala mo ate si kuya Gian?” tanong ni Luigi sa shock na shock pa nyang ate.
“o-ow n-no ofcourse not!” iniabot ni ng ate ni Luigi kay luigi ung supot ng mcdo na hawak nya.
“tara na Luigi aalis na tayo!”
“wait lang ate.” Bumitaw si Luigi sa pag kakahawak ng ate nya sa braso nya.. at lumapit kay Gillian.
“gillian thank you ulet sa pag sama sa pag iintay sa sundo ko ha? Bukas ulet.” Inilabas ni Luigi ung isang burger at iniabot kay Gillian. “share tayo hehe.” Tumakbo na sya sa ate nya.
( Mica )
Anong ginagawa nitong batang ‘to? Iniabot nya sa classmate nya ata ung isang burger at nag tatakbo papunta saken.
“thank you din kuya Gian babye!”
Habang nasa jeep kame tinatanong ko ko ng tinatanong si Luigi kase first time kong pumunta dun at sunduin sya kaya wala akong alam tungkol sa nang yayari dun.
“Luigi lagi mo bang shinesharan si Gillian ba un ng burger?” kase nag pahabol pa ng text si mommy kanina bilan ko daw ng pag kain si Luigi na pang 2 persons.
“opo.” Sagot nya.
“ah eh bakit naman?” ang ikli kase sumagot kelangan pa tuloy ng follow up question =____=
“kase nga po lage nya kong sinasamahan mag intay kay mommy.”
“ahh pati ung kuya nya?”
“opo.” “pero hindi sya nakikikaen nahihiya po ata? Kaya pinapanood nya nalang kame palage pati pag nag lalaro.. ang bait nga po nun ni kuya Gian eh!.”
Gian nga ung name ng ugok na yun.. hindi naman mabait un parang mag memenopause na nga nga?!
( Gian’s POV )
Habang kaming nakasakay ng jeep ni Gillian iniisip ko ung Ate ni Luigi kase parang hindi sila mag kapatid ang suplada nya pero si Luigi ang bait bait.
“kuya.. ang ganda po ng ate ni Luigi no?” biglang tanong saken ni Gillian.
“a-ah oo. Oo nga kaso suplada.” Tapos umismid nako para hindi na ako tanungin nakakapagod tong araw na ‘to.
Pag kauwi namin ni Gillian ng bahay sumalubong agad samin si Papa.
“nag aral ka bang mabuti?” tanong ni papa kay Gillian.
“opo! Tapos nakilala namin ung Ate ni Luigi ang ganda po! Diba kuya?!” biglang tanong ulet saken ano bayan puro biglaan hindi ako prepared! XD
“a-ah o-oo.” Ayun lang nasabi ko. Sabay pumasok na si Gillian sa bahay. Papasok na din sana ako ng...
“Gian anak.” Tinawag ako ni papa kaya napatigil ako sa pag lakad “kung kaya mo namang pigilan muna ang sarili mo na wag mag nobya, pigilan mo muna dahil baka makasagabal lang yun sa pag aaral mo ha? Makinig ka sa amin ng mama mo para makaahon naman tayo sa hirap.” Naguguluhan ako. Bakit sinasabi sakin to ni Papa? Pero hindi nako nag reklamo sumang ayon nalang ako.
Sa totoo lang wala talaga akong balak mag nobya basta ako mag aaral ng mabuti. Tapos!
“opo pa.” At pumasok na ako ng bahay.
Pag katapos namin mag hapunan pinag igib muna ako ni mama ng tubig pang hugas ng pinggan. Ganun kase ditowala kaming gripo, sa drum lang. Iigiban kapag ubos na ang laman mahirap ung ganon kase mahirap mag buhat mabigat may edad pa naman na mga magulang kosi Gillian naman masyado pang bata kaya ako lahat gumagawa ng mabibigat na gawain. Nakakapagod man ganun talaga ang buhay ngayun mahihirapan ka pero ang hindi mo alam baka bukas mahihirapan ka pala ulet. XD
( Mica’s POV )
Pag kauwi namin ng bahay nakita namin si mommy nakaupo sa sofa nanonood ng TV.
“ma! Akala ko umalis ka?” bungad ko kay mommy.
“Luigi nanjan na pala kayo? Hindi kame natuloy ng Tita mo biglang sumakit ung tiyan.”
“sana kayo nalang sumundo kay Luigi?!” nakakainis kase imbis na nakauwi nako sinundo ko pa tong batang ‘to!
“minsan mo lang naman sunduin yan si Luigi kapatid mo naman yan.”
“kapatid! Kapatid! Pagod na nga ko galing school eh!” halos nakasigaw na ako kay mommy pero sya nananatili sa natural nyang aura.
“ate wag mong sigawan si mommy!” sabat naman ni Luigi.
“at ako sinisigawan mo pwede!”
“hindi lang ikaw napapagod anak, ako nag lalaba, nagluluto, nag huhugas, nag lilinis ako lahat gumagawa dito sa bahay ikaw nakaupo lang sa school nyo kont---“
“stop it!! Wag mong isumbat saken yang mga ginagawa mo dito!” sigaw ko sabay takbo papunta sa room ko.
Natulog nalang ako ng hindi kumakain nakakatamad kainin ung pag kaeng isusumbat sayo pag na kaen mo na! GRR!
BINABASA MO ANG
This Careless <3
Teen Fictioncareless? baka sinasabe mo lang na careless kase aksidente nyang natabig puso mo at nahulog sa kanya?! haha careless nga! nakakahawa yun mag ingat ka! kaso hindi naka iwas si Gian ayan tinamaan sya. =3 pabasa po saka pa follow ^__^ hehe thank you sa...