KINABUKASAN
maaga akong pumasok hindi na ako nag breakfast. tinawagan ko nalang si Charles mag papasama ako mag breakfast sa kanya. may gusto sakin un si Charles eh hindi ko nga lang sya pinapayagan na manligaw whahaha!
"charles i want ice cream.!"
"ang aga aga pa wala pang dirty ice cream dito."
"as if naman na yun ipapabili ko.. dun sa babaan ng jeep may ministop dali!"
"a-ah okey." masunuring bata haha! XD
bumili kami ng ice cream sa minis top tag isa kame.
"ang daya bayaran mo ko wala na kong pamasahe pauwi ang gastos mo!" sigaw sigaw nya saken imposible tong maubusan ng pera ang yaman nito eh! tumakbo ako palayo sa kanya
"belaaaat! habulin mo ko!" tumatakbo ako ng ndi naka tingin sa dinadaanan.
*BOGSH!
"aray!" napaupo ako sa sahig may bumonggo pa saken walang ya! =_________=
( Gian's POV )
pagkababa ko ng jeep since maaga pa medyo hindi ako nag mamadali hindi ako malelate ngayon for sure!
"belaaaat! habulin mo ko!" gurabe naman un ang aga lumandi pa habol habol pang nalalaman.
*BOGSH!
Bigla akong nakaramdam na may bumunggo sa likod ko pero hindi lang yun parang…parang may malamig sa likod ko naramdaman ko kase ung isang strap lang ng bag ko ung nka sabet sa balikat ko kase nga kakababa ko lang ng jeep..
“aray!”
Napatingin ako sa bagay na malamig sa likod ko nakita ko ang isang ice cream na chocolate kasama pa ung cone =___________=
“anak ng tinapa naman oh tingnan mo ginawa mo sa uniform ko!” sabe ko habang tinatanggal ung ice cream sa damit ko.. tapos tiningnan ko ung taong nakabunggo saken.
( Mica )
“anak ng tinapa naman oh tingnan mo ginawa mo sa uniform ko!” napatingin ako sa nabunggo ko
At…
At…
Si Gian!? Ung kuya ni Gillian.. OMG! PANIC! PANIC!
( Gian )
“IKAW!!” nakita ko ung Ate ni Luigi sya ung naka dumi ng uniform ko!
“ahh—hello?” nakka simile pa sya matapos nyang dumihan tong uniform ko?!
“ano ka ba?! Dinumihan mo uniform ko! Ako nga ingat na ingat na dumihan uniform ko tapos ikaw?!! Nilalabhan to ng nanay ko! Nag papakahirap akong mag igib ng tubig tapos ikaw?!” hindi ko na napigilan ung sarili ko na sigawan sya nakakairita kase kahapon pa sya panira ng araw!
( Mica )
Isip isip dali wag kang pumayag na sigaw sigawan ka lang nya.. make something!
Tumayo ako at pinag tuturo sya..
“ikaw wag mo kong masigaw sigawan ah ung nanay ko nga hindi ako sinisigawan tapos ikaw?! And look! Look what you did to my ice cream?! You’ve ruined it!” nakita ko sa muka nya na natatakot sya sa ginawa ko whahahaha! Wait! Im not yet done..
Umupo ulet ako sa saheg at…
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!” umiyak..
“my ice cream! My ice cream! waaaaa!” patuloy akong nag iiyak. XD
( Gian )
Hala anong ginagawa nito? Ako pa sinisisi nya sa ice cream nya? Pinag titinginan na kame ng mga tao.. takte! >___<
“ibili mo ko ng ice cream waaaaaa! Waaaaa!” parang tanga naman oh taragis wala akong ginawang masama! >____< wag kayo saken tumingin sya nag mantsya sa uniform ko!
“tumayo kana nga jan tinag titinginan na ako ng tao oh?!” pinilit kong itago ung galit kong boses para mauto ko ‘to..
“ayoko! Wala kong pake! Waaaaaa!” ay p*ta ang dami nang tao nawawalan na’ko ng dignidad! =____=
BINABASA MO ANG
This Careless <3
Teen Fictioncareless? baka sinasabe mo lang na careless kase aksidente nyang natabig puso mo at nahulog sa kanya?! haha careless nga! nakakahawa yun mag ingat ka! kaso hindi naka iwas si Gian ayan tinamaan sya. =3 pabasa po saka pa follow ^__^ hehe thank you sa...