el prólogo.

87 2 0
                                    



Naglalakad nang mapayapa sa hardin si Lyanna. Ang hardin na iyon ay isang tahanan para sa mga paro-parong sumasabog ang mga kulay sa kung saan man sila magtungo. Ngayon, sa mga bulaklak ng gumamela sila lumilipad at nagpapakitang-hiyas.


Mapa-pula, mapa-itim, mapa-dilaw, at kahit ano pang disenyo o kulay ng kanilang mga pakpak, ay nahahalina pa rin ang mayuming dalaga sa kagandahan nila. 


Ngunit isang paro-paro ang nakaagaw sa kanyang atensyon. Itim ang isang pakpak nito at puti naman ang isa. Lumilipad-lipad ito sa itaas ng mga mirasol na sa kagandahan ay kakaiba.

Ang paro-parong ito ay lumayo sa mga bulaklak ng mirasol, at pumunta sa isang sulok ng hardin kung saan naroon ang mga basura. Masayang sinundan ng dalaga ang paro-paro ngunit nang matagpuan niya ang kinaroroonan ay bumalik na lang ito sa kanyang casa.

Pumasok na siya sa kanilang maliit ngunit mapayapang bahay. Napaupo siya sa isang silya na may kaparis na salaming mesa at doon siya nagsimulang mag-isip nang malaliman.


Babalik pa ba si Bryce?


Kahit na anong kumbinsi niya sa sarili ay naniniwala at kumakapit pa rin siya sa mga huling salita ng binata sa kanya.


"Babalik ako. Babalikan kita. Tsaka na kapag tama na ang oras, kapag tama na ang lahat."


Babalik pa nga ba siya?



***



Isang taon na ang nakararaan nang makilala ni Lyanna si Bryce, sa bakuran ng kanilang hardin, habang nagdidilig ang dalaga sa mga patubo pa lamang na tangkay ng mga bulaklak ng mirasol, gumamela, rosas, dama-de-noche, at sampagita.


Naparaan si Bryce sa acera kung saan nahihiwalay ang hardin nila Lynna sa pamamagitan ng isang maliit na bakod na nakapaligid sa hardin.

At nang makita niya si Lynna, agad siyang nabighani sa kagandahan nito. Ang kanyang mahaba't maitim buhok na lumalaylay hanggang sa baywang, ang mga asul na mata at mahahabang pilikmata, at ang kanyang mga ngiti na halos hindi niya kayang malimutan sa kanyang isipan.

Kada araw, kada gabi. Mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dose ng gabi, ang nakakabighaning babae ang natatanging bagay sa kanyang isip.


Bakit hindi ko makalimutan ang kanyang pagngiti?

Hindi ko naman siya kilala pero, bakit labis akong nangangarap?

Makikita ko pa ba siya?

Sana.

Sana.

Sana talaga.

Natulog ako sa aking higaan nang mahimbing, nakangiting nakahimlay ang ulo sa malalambot na unang gawang-kamay ni ina. 

Ah. Ang sarap matulog pagkatapos ng isang araw na puno lang ng trabaho. 

Pero hindi ko siya malilimutan.


Hinding-hindi.



***


The UnprecedentedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon