sexto capítulo.

30 1 0
                                    


"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala," bulong ng binata sa sarili. 

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na babalik ako sa siyudad na 'to."


Siya si Bryce Marteno, isang kabataan na ang tanging hangad lamang sa buhay ay maging musikero at ibahagi sa lahat ng tao ang emosyong kanyang nararamdaman tungo sa pag-awit at pagtugtog. Niño pa lamang ang binata ay natuto na siyang gumamit ng gitara nang walang pagtulong ng nakakatanda, at nadiskubre rin ng kanyang ina ang mahimig na boses na taglay ng kanyang anak. 

Kaya naman napagtanto nilang isang malaking pagkakamali ang paglipat kay Bryce mula sa isang institusyong pang-musika tungo sa institusyong pang-siyensya. Bumalik ang pamilya matapos ang dalawang taong pangungupahan sa karatig na bayan upang makapag-aaral si Bryce ng siyensya, at ngayon nga'y ipagpapatuloy na niya ang pagmu-musika. 

Musika. Ang tanging bagay na kanyang minahal mula pagkabata. 


Si Lyanna. 

Ang babaeng iniwan niya sa nakaraan at pinalitan ng isang masalimuot na buhay kung saan wala si Lyanna, ang kanyang mundo. 

Si Lyanna.

Ang unang taong pumasok sa isip ng binata noong naisip niya ang mga gitarang nakahanay nang maigi sa kanyang harapan, at ang mga papel na punong-puno ng mga salitang kanyang isinulat na sumasalamin sa kanyang damdamin.

Si Lyanna. 

Ang taong kanyang minahal, 

ngunit pilit niyang iniwanan. Masakit, pero kailangan niyang gawin ang paglayo. Para sa kanya. Para sa kanilang dalawa.


Sumilip siya sa bintana ng kotseng kaniyang sinasakyan, at kanyang nakita ang isang malaking institusyon, na nag-ngangalang Castapor-Fairveey-Rossber High. Marami rin siyang nakitang mga estudiantes na may mga unipormeng tingin niya'y pang-mayaman.

"Mamá," kanyang sinambit nang may isang magaspang ngunit mahinang boses. 

"Anong problema?" Tugon ng kanyang ina, na noo'y okupado ng kanyang mga gawain bilang isang graphic designer. 

"Dito po ba ako mag-aaral muli ng musika?" Magalang na tanong ni Bryce sa ina. 

"Oo, kung wala nang ibang institusyon dito." Marahan ang pagsagot ni Henley dahil sa nagmamadali na rin siya sa pagtapos ng isang disenyo para sa kanyang kliyente. 


Napabuntung-hininga na lamang siya at sumandal muli nang kumportable sa kanyang inuupuan. Katabi niya ang kanyang mga kapatid na kambal na sina Henry at Mellerie, lalaki at babae. Kung si Bryce ay Musika ang gustong kursong kuhanin, sila nama'y Agham. Ngunit hindi na nila nakayanan ang bayad ng upa sa karatig na bayan kung saan ang tatlo ay nag-aral ng Agham kung kaya't bumalik sila sa kanilang pinanggalingan at ang tatlong magkakapatid ay mag-aaral na ng Musika at Teatro. 


Kamusta na kaya si Lyanna?

Nakalimutan na niya ba ako?

Naalala ko nanaman ang pangakong binitawan ko sa kanya. 

"Babalik ako. Babalikan kita. Tsaka na kapag tama na ang oras, kapag tama na ang lahat."

Lyanna, totoo ang mga sinabi ko. Babalikan kita. 

Mahahagkan muli kita. 

Mahahalikan sa pisngi. 

The UnprecedentedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon