undécimo capítulo.

14 1 0
                                    



"Xandell," mahinahong winika ni Lyanna. "Xandell, maaari mo ba akong tulungan?"

"Bakit, anong problema?" tugon ng binata, na agad inabangan ang sagot ni Lyanna.

"Wala na akong tirahan, nasunugan kami ng casa. Maaari ba akong makituloy sa inyong tahanan?"

"Oo naman," walang pagdadalawang-isip na sagot ni Xandell. "Bakit, anong nangyari? At nasaan ang iyong mga magulang?"

Ngumiti nang malamya ang dalaga, bago iangat ang kanyang taza ng mainit na café at idikit ito sa kanyang mga namumutlang labi, na aakalain mong uminom siya nang kahit kaunting kape.

"Hindi ko alam, hindi ko inaakalang mangyayari ang ganoon. Bigla na lamang lumaki ang apoy mula sa kusina. Hindi agad nailigtas ni ina ang sarili dahil imbis na tumakbo palabas ng casa ay ikinulong niya ang sarili sa baño. Si ama naman, sinubukang niyang iligtas si ina pagpasok niya sa naglalagablab na apoy, at hindi na siya makalabas."


"At ikaw?" pagtatakang tanong ni Xandell, dahil alam niya ang istruktura ng casa ng pamilya ni Lyanna, at ang kaso ng pagkakulong sa baño ng kanyang ina ay isang kasinungalingan dahil ang baño ay nakapwesto malapit sa pinto papuntang bakuran, at hindi sa kusina.

Naghintay ng sagot si Xandell, ngunit ngumiti muli nang malamya si Lyanna at tumingin nang saglit sa concurrido na kalsada mula sa ventana de vidrio na katabi lamang nila.

"Nagising ako sa presensya ng kapal ng usok na pilit pinapasok ang silid ko gamit ang puwang ng pinto sa sahig. Agad akong bumangon at lumabas ng cuarto, at doon ko nakita ang makapal na usok na mula sa malaking apoy na unti-unting nilalamon ang casa. Tumawag ako ng bumbero at nanghingi ng tulong sa mga kapitbahay, at hinanap ang aking mga magulang."

Sa sandaling iyon ay may luha nang umaagos sa mga mapuputlang pisngi ni Lyanna, at nagpaumanhin kay Xandell dahil sa biglaang atake ng kanyang mga emosyon.


"Ayos lang 'yan. Mas mabuti nang nailalabas mo iyan dahil kakainin ka ng sarili mong mga damdamin kung hindi mo sila kayang palayain," panatag na tugon ni Xandell.

"Hindi ba't sa inyo rin tumutuloy si Rave?" Agad namang nilingon ni Lyanna ang binata, nabigla yata sa hindi inaasahang tanong ni Xandell.

"Paano mo siya nakilala?"

"Si Rave ang tanging lalaking anak ni Avon Cascines, ang isa sa mga pinakakilalang arkitekto ng bansa."

Nabigla naman ang dalaga sa sinabi ni Xandell. "... tama ba ang aking mga narinig?"


"Sa tingin mo ba'y nagsisinungaling ang isang tulad ko?" napangisi na lamang ang binata. 

"Hindi ako makapaniwala, Xandell."

"Ako ang hindi makapaniwala, Ly. Paano mo hindi alam ito?" napatawa na lamang si Xandell, na para bang ginagawang katatawanan ang kawalan ng kaalaman ng dalaga.

"Isang buwan matapos ang pagkamatay ni Avon, naglaho bigla ang anak nitong lalaki, at walang nakakaalam kung saan siya nagtungo. Dahil galing ako sa ciudad capital, sasabihin ko sa iyo, isang malaking balita ang pagkamatay ni Avon. Ang aking ikinagulat sa bayan na ito ay wala man lang nakakaalam kung sino si Rave Cascines, ang ama niya, at ang kanyang pamilya. Imposible."

"Magkasintahan kami ni Rave."

Lumaki na lamang ang mga mata ni Xandell sa pagkabigla. "S-seryoso?"

The UnprecedentedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon