décimo capítulo.

18 1 0
                                    



"Tao po! Tao po!" 

Kanina pa kumakatok si Robin sa pintuan ng casa nina Lyanna, ngunit walang sumasagot. Napabuntung-hininga na lamang siya at tumingin sa mga mirasol na pinagpipitas niya sa hardin ng kanilang casa.

"Lilisan na lang ba ako? Mukhang hindi ako pagbubuksan ng pinto e," bulong niya sa sarili.

Akmang hahakbang na siya palayo, ngunit nakita niya na bukas ang durungawan ilang hakbang lang mula sa pintuan. Inabot niya ang bintana sa pamamagitan ng pagpatong sa maliit na upuan na nakalagay lamang sa kung saan. Sumilip siya sa loob kung may mga tao man, ngunit wala siyang natanaw na kung sino man. Masyadong tahimik ang loob ng casa, kaya inisip na lang ni Robin na baka lumisan ang pamilya ni Lyanna. 


"Tama na!"


Nabigla naman si Robin nang may narinig siyang boses ng babae mula sa malayo.


"Hindi na kita mahal, nawala na..." Sinundan niya ang boses na sa tingin niya ay nagmumula sa bakuran ng bahay. Mula sa tapat ng durungawan ay humakbang siya patungo sa malaking puno ng mangga at dumiretso sa hardin na nasa likuran ng casa.

At doon niya nadatnan si Bryce, na nakaluhod, umiiyak.

Tuluyan na siyang humakbang patungong hardin, at nadiskubre niyang si Lyanna ang babaeng naririnig niya kanina pa.


"Ayoko na sa'yo," narinig niyang sinambit nito sa nakaluhod na si Bryce. Napayuko na lamang ang binata at lumuha. Lumingon si Lyanna patungo sa direksyon kung saan nakatayo si Robin, at winika nitong "Pati sa'yo."

Hinigpitan pa ni Robin ang paghawak niya sa mga mirasol. Nanginginig ang mga kamay niya habang naglalakad si Lyanna palapit sa kanya. 

"Alam mo Robin, hindi naman talaga kita minahal. Natakot lang ako na baka kapag sinabi ko sa iyo ang totoo kong nararamdaman ay baka hindi mo na ko ilibre sa mga café, pasakayin sa automóvil mo, tulungan kapag nahihirapan ako sa mga takda... hindi kita minahal Robin. At kahit mawala man ang mga bituin sa kalangitan at maglakad ang mga bundok dahil pagod na sila kakaupo sa lupa, hinding-hindi mo makukuha ang gusto mong makuha sa akin."

Sa puntong iyon, nabitawan na ni Robin ang mga mirasol na mahigpit niyang hinawakan. Nagsugat na ang kanyang mga malalambot na palad, at tumulo na ang kanyang dugo na sa pagpula'y aakalain mong katas ng seresa. 


"Robin, maaari ka nang lumisan," pakiusap ni Lyanna sa binatang parang tinusukan ng lanza sa puso. 

"Mahal, lilisan na ako. Kung iyan ang magpapasaya sa iyo." Nakangiting tinugon ng binata, habang tumutulo ang mga luhang hindi niya mapigilan. 

Naglakad na si Robin patungo sa kanyang pinanggalingan kanina, sa malaking puno ng mangga. Doon niya nilabas ang lahat ng kanyang mga emosyon. Tahimik ang kanyang pagluha, at upang mailabas ang sama ng loob ay pinagsususuntok niya ang puno hanggang sa magsugat ang kanyang mga kamao.


"Kung wala na ang rason ko para mabuhay, bakit pa ba ako narito?" wika niya sa sarili.



***



"Rave, ito ang tatandaan mo," winika ni Renley sa guardia ng kanyang anak na si Lyanna. "Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako papayag na mahawakan mo ang mga palad ng aking anak. Naiintindihan mo ba?"

"Wala akong narinig. Mahal ko ang anak niyo, at handa akong gawin ang lahat para mawala ang mga hadlang sa aming pag-ibig, naiintindihan mo ba?" palabang tugon ni Rave, na kanina'y nakaupo lamang sa cama ni Lyanna at ngayo'y nakatayo na sa harapan ni Renley.


"Ako ang ama ng babaeng iniibig mo. Ikaw, ano ka ba?"

"Ang lalaking iniibig niya."


Sinapak ni Renly ang binata sa kanang pisngi "Bakit ba pinipili mong magbulag-bulagan sa katotohanang ginagamit ka lang ng anak ko dahil sa pinagkaitan siya ng taong minahal niya ng kasiyahan kasama siya? At kung inaasahan mong magiging masaya kayong dalawa, wag ka nang umasa, dahil—"

Nakatayo si Rave at ginantihan rin si Renly, na naging sanhi ng pagkabagsak ni Renly sa sahig.

"Mahal ko siya, at mahal niya ako!" Pagalit na sinigaw ni Rave, bago niya ilabas ang kanyang patalim mula sa bulsa ng kanyang pantalón. 

"Rave, wag, wag—"


Sinaksak ni Rave ang ama ni Lyanna sa kaliwang bahagi ng dibdib. 

"Kahit... kailan... hindi... m-mo siya... mapapasaya..." kahit nahihirapan ay pinilit pa rin niyang magsalita. Pagkatapos ay umubo siya ng dugo.

"May sasabihin ka pa ba, tanda?" Nakakalokong winika ni Rave, bago niya saksakin muli si Renly sa tiyan. 

"Mahal ko ang anak niyo, at papatay ako para sa pag-ibig namin," winika niya, bago saksakin ang ama ni Lyanna sa kanang bahagi ng dibdib.


"Paalam."


Pinunasan niya ang kanyang pawis sa noo gamit ang kanyang braso bago niya hilahin palabas sa silid ni Lyanna ang katawan ni Renly.

Nasa tapat na siya ng kanyang silid nang bigla niyang narinig ang boses ng ina ni Lyanna.


"Narito na ako, Ly! Ihanda mo na ang mga gagamitin natin sa pagluluto ng chorizo," malugod na winika ng ina. Napangiti si Rave, saka niya binitawan ang braso ni Renly at humarurot pababa ng hagdan.

"Ina," sambit ni Lyanna pagkabalik niya mula sa hardin. "Huwag muna tayo magtanghalian, may nais akong sabihin."

Matapos iyong sabihin ni Lyanna sa kanyang ina, napansin niya si Rave na bumababa ng hagdan. "Gising pala ang iyong guardia, ang akala ko ba buong araw 'yang tulog tuwing domingo?" pabirong winika ng ina. 

Ngunit napansin niya ang mapanglaw na atmospera ng casa. "A-anong meron, bakit malungkot kayo?"

"Pinaalis ko na sina Bryce at Robin. Umamin na ako sa mga nararamdaman ko. Wala na sila," ani Lyanna, na nakayuko ang ulo. Iniangat niya ito at nagpakita ng isang malapad na ngiti sa kanyang ina. "Hindi ako malungkot, ina."

"Ikaw, Rave," tanong ng ina. "Ano ang problema?"


"Mahal ko si Lyanna. Mahal ko ang inyong anak."

"Alam ko na 'yan," tugon ng ina. Ikinagulat naman ito ni Lyanna. "Isang tingin pa lamang sa iyong mata habang kausap ang aking anak, alam ko na."

Ikinatuwa naman iyon ni Rave.

"Ngunit hindi ako makakapayag na magsama kayo."


Nawala naman ang mga ngiti ni Rave, at mabagal na bumaba ng hagdan. Tumungo siya sa kinatatayuan ng ina ni Lyanna, dala-dala ang patalim na ginamit niya pampatay kay Renley.

"Salamat sa inyong opinyon," wika nito, habang niyayakap ang ina ng kanyang minamahal na Lyanna.



***


The UnprecedentedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon