séptimo capítulo.

18 1 0
                                    


Malakas ang ulan ngayong umaga. Nakakasurpresa, dahil tag-init ang panahon ngayon ngunit malamig sa pakiramdam. Sa paglipas naman ng bawat minuto, ay nababawasan nang bahagya ang mainit na kapeng tsokolate na iniinom ni Bryce sa kanyang tasa. 

"Ah, hahaha! Talo!" Wika ni Henry kay Mellerie, na may mga ngiting hindi maipaliwanag. Gustong-gusto ni Henry ang mga larong ganito.

"Ano ba 'yan lahat na lang ng bagay pinagtatawanan. Edi ikaw na panalo! Letse," ani Mellerie, na ngayon ay naglalakad na papunta sa cocina ng kanilang casa. 


'Yan sila Henry at Mellerie, ang kambal na mga kapatid ni Bryce. Sila'y okupado kakalaro ng ajedrez, na hindi naman nila alam kung paano laruin. Sila mismo ang gumawa ng mga bagong patakaran sa laro, at dahil dito, hindi sila nagkakasundo.


"Ang lamig," bulong ni Bryce sa sarili. Tinanggal niya ang sarili sa pagkakasandal sa sofá at napatingin sa televisor, na wala namang naipapakita kundi static.

Inabot niya ang mando a distancia na nakaipit sa sofang kanyang inuupuan at pinatay ang televisor.

Nagulat naman siya nang biglang tumakbo si Mellerie palapit sa kanya, at tila nagniningning ang mga mata nito sa tuwa.


"Pupunta raw tayo sa Canessey!" sabik na sabik na winika ni Mellerie sa kanyang kuya, na tila namanhid na yata dahil wala na itong ekspresyon na maipapakita sa kanyang mukha.


Ang Canessey ay isang playa sa kanilang siyudad na may itim na arenilla at transparenteng katubigan. Mayaman rin ang lugar sa mga coralino na pinamamahayan ng iba't ibang mga isdang nagpapamangha sa mga taong dumaragsa doon.


"Anong meron?" walang buhay na itinugon ni Bryce sa kanyang kapatid, na hindi nasiyahan sa sagot ng kanyang kuya.

"Bakit parang wala kang pake sa lahat ng bagay, kuya?" Pagalit na winika ni Mellerie.

"Hoy Mel mapanget, aalis na tayo!" Sigaw ni Henry mula sa labas, at halata nga sa tono ng kanyang boses ang kasabikan.

"Uy, kuya, sumama ka naman," nagmamakaawang pakiusap ni Mellerie kay Bryce.

"Nakakatamad," sagot ng kanyang kuya, na agad tumayo sa kinauupuan niyang sofá at umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Naiwan si Mellerie, na binigo nanaman ng kanyang mukhang nakasimangot. 


"Ly."

Nakaupo si Bryce sa kanyang cama, matamlay na tinitingnan ang litrato nila ni Lyanna na magkasama, na nakadikit sa dingding ng walang buhay niyang cuarto. 

May hawak siyang payong, at kitang-kita ang mga patak ng ulan na bumabagsak sa pinakagilid na mga parte ng litrato. Nakasilong ang dalaga sa blancong paraguas na binabangga ang bawat pagpatak ng malakas na ulan na babagsak sa kanilang mga ulo.  

Napansin niya naman ang mga ngiting nagbigay ng kasiyahan at buhay sa isang simpleng litrato. Ang mga ngiting tila wala ng bukas. Mga ngiting sumasalamin sa labis na kaligayahan ng dalawang taong nasa litrato.

Mga ngiting kahit kailan ay hindi na niya masisilayan.


Hindi naman napansin ng binata na tahimik na palang dumadaloy ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Mga pisnging dati ay punong-puno ng mga halik galing sa taong bumuo sa kanyang mundo.

Kaso,

iniwan niya ang taong iyon.


'Yung mga pangako ng pagkabalik, hindi na pinapaniwalaan 'yun. Sino pa nga bang maniniwala sa mga pangako kung lahat naman ng mga nangangako ay manloloko?


Hindi naman kailangang humantong sa ganito e. Bakit hindi niya ako hinintay? Bakit hindi niya ako pinaniwalaan? Ibang-iba naman ako sa mga lalaki na kinakatakutang mahalin ng mga babae. Ibang-iba ako sa kanyang kinakatakutang mahalin.

Bakit kailangang maging ganito?


Napansin niya namang tumila na ang malakas na ulan, at naliliwanagan na ng haring araw ang cuarto niyang napuno ng malulungkot na emosyon at pag-iisa.


"Nagugutom na ako," wika niya sa sarili.



***



"Hoy, bwisit ka! Letseee!" Painis na sinigaw ni Lyanna kay Rave, na inagaw ang sorbetes na binili niya.

"Akin na lang 'to!" Tugon ng binata, na nakasuot lamang ng sando at cortos habang tumatakbo papalapit sa parte ng dalampasigan kung saan nagtatagpo ang playa at ang mar.

Nagpatuloy sa pagtakbo si Rave hanggang sa naabot niya ang layo kung saan hanggang tuhod na ang lalim ng tubig. Si Lyanna naman, balot na balot pa ng mga ropang makapal dahil sa lamig na ipinadama ng malakas na ulan kanina.

"Alisin mo na 'yan, ang init init na, o!" Pabirong sinigaw ni Rave mula sa malayo.

"Bwisit, ugh." Wala namang magawa si Lyanna kundi hubarin ang mga ropa niya upang ipagpatuloy ang paghahabol sa kanyang sorbetes. 

"Wag kang tumingin!"

Natawa na lamang ang binata nang marinig niya ang walang kwentang utos ng dalagang binabantayan niya. 

Pinanood niya ang dalaga habang inaalis nito ang kanyang mga ropa. Ilang sandali pa'y lumitaw na ang perpektong hugis ng dalaga. Mula ulo hanggang paa, kahit pa sa mga parte ng kanyang katawan na hindi napapansin, halatang-halata na wala nga talagang pisikal na kapintasan ang dalaga.

Para naman hindi mahalata ni Lyanna ang pagkatitig ni Rave sa kanyang katawan, humalakhak si Rave na para bang pinagtatawanan ang hitsura ng dalaga ngayon. 

"Hoy, hindi ako panget!" 

Hindi naman talaga panget si Lyanna, at sino bang mag-iisip nang ganun sa isang babaeng katulad niya?


"Panget mo kaya!" Asar ni Rave sa dalaga, na mabagal ang paghakbang sa mga pinong buhangin sa ilalim ng katubigan. Painis niyang binilisan ang paglakad na nagdulot kay Rave na lumangoy palayo.

Habang lumalangoy ay humahalakhak pa rin si Rave sa kanyang isip dahil sa pang-aasar niya kay Lyanna, na ngayon ay desperada nang mahablot ang mga paa ni Rave upang makapaghiganti.


Maya-maya pa'y nahuli na ng mga kamay ng dalaga ang paa ni Rave kaya naman hindi na niya ito pinakawalan. Nagpadala si Lyanna sa lakas ng pwersang ginagamit ni Rave upang makalangoy kahit doble ng bigat ng katawan niya ang dinadala niya.

"Ang bigat mo, shet." Bulong ni Rave sa sarili sa loob ng kanyang isip, habang nagliliwaliw ang dalagang binabantayan niya sa malamig at malinaw na tubig ng Casseney.

Pero para sa binata, walang mabigat. 


Si Lyanna e.



***

The UnprecedentedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon