quinto capítulo.

30 1 0
                                    


"Hijo de puta."

Pagod na pagod si Robin habang pabagsak siyang umupo sa malambot nilang sofá, sabay pagtapon ng kanyang mochila papunta sa kanilang niñera, na napabuntung-hininga na lamang dahil sa dami ng pawis na tumatagaktak mula sa ulunan ng binata.

"Kamusta ang araw?"

Nagulat naman si Robin nang biglang magsalita si Helia, na noo'y nagwawalis ng sahig ng kanilang casa grande. Tila ba'y isang bihirang pangyayari ang pagtanong na iyon ni Helia dahil nakilala siya ng kanyang kapatid bilang isang walang kwentang ate.

"Bakit ka naman nagkaroon ng pakialam?" Painis na sagot ni Robin, kaya naman sinapak siya ng kanyang hermana sa kaliwang pisngi. Tumawa naman nang bahagya ang niñera, na naging dahilan ng pag-iba ng mukha ni Robin.

"Malamang ako ang iyong hermana. Nakakalimutan mo na ba?"

Dahil sa mataray na ekspresyon ng hermana sa mukha niya'y nainis na si Robin at lumakad nang pabagsak ang mga paghakbang papalapit sa hagdan. Napalingon naman si Helia sa kanyang likuran at nasilayan niya ang mga matipid na pagtawa ng kanilang niñera. Agad siyang lumapit dito at sila'y nag-apir sa isa't  isa na may kasamang halakhakan.


"Puñeta," painis na binanggit ni Robin sa sarili bago siya bumagsak sa kanyang cama. Pagalit niyang kinamot ang kanyang anit at nagsisisigaw nang pagkalakas-lakas sa buong silid na halos maitapon na niya ang sarili mula sa pagkakahiga niya sa kama.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili ngunit hindi niya kayang pigilan ang galit na nadarama niya. Nagagalit siya sa kadahilanang may iniibig ng iba si Lyanna.


Oo.

Si Lyanna lang naman ang tanging dahilan kung bakit musika ang pinili niyang landas sa buhay. Si Lyanna lang naman ang dahilan kung bakit sinuway niya ang lahat ng payo ng kanyang mga kapamilya para makasama siya. Si Lyanna lang naman ang dahilan kung bakit... kung bakit...

kung bakit nagmamahal siya.


Napangiti na lamang siya noong naalala niya ang mga ngiti ng dalaga na kanyang nasilayan mismo sa kanyang harap kanina. 

"Ako si Lyanna. Lyanna Laurette Eversane. Isang kagalakan ang makilala ka," sabay mahinhing pagtawa. Hindi maitago ni Robin ang kasiyahan noong makita niya nang malapitan ang ngiti ng babaeng isang buwan na niyang iniibig ngunit hindi niya pa kilala.

Ngunit ang eksenang kanina lang rin naganap. Ang binatang kasama ni Lyanna sa escaño nang hapong iyon. 

Agad siyang umalis dahil alam niya namang lubhang kasakitan ang madarama niya kung manantili siya sa kanyang pwesto nun. Kumaripas siya ng takbo mula sa institusyon hanggang sa kanilang casa grande at doon na niya nilabas ang lahat ng emosyong nagpapabigat sa kanyang kalooban.

Napahigpit ng kapit si Robin sa sábana ng kanyang cama at pinilit na itago ang mga luhang mahirap pigilan sa paglabas mula sa kanyang mga mata. 


Nakakatawa lang.

Ganito pala kasakit. Bakit ko nga ba pinasok ang ganitong klaseng mundo? Bakit ko nga ba siya nakita? Anong dahilan? Para masaktan?

Para ipamukha sa akin na ang Musika at si Lyanna ay hindi para sa akin?

Para ipamukha sa akin na ang buhay ay ganito pala kahirap, dahil sa ang ginawa ko lamang sa buong buhay ko ay kumain ng mga nakakatakam na pagkain at naghihintay upang mapagsilbihan ng aking niñera?

The UnprecedentedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon