noveno capítulo.

28 1 0
                                    


Panibagong araw.

Panibagong pag-asa para kay Robin.

Pag-asang mamamahalin siya ni Lyanna.

Pag-asang magkakatuluyan silang dalawa.


Walang pasok tuwing domingo at lunes ang Castapor-Fairveey-Rossber High, kaya naman handang gumawa ng paraan si Robin para makita si Lyanna. 

Pumitas siya ng mga sariwang mirasol at mga pulang rosas mula sa kanilang hardin at tahimik na tumakas sa casa.


"Hep hep! Saan ka pupunta?"

"Shit."


Napalingon si Robin sa kanyang likuran, at kanyang nasilayan ang hermana niyang nakataas nanaman ang kaliwang kilay.

"Bakit ka namitas ng mga mirasol? Para saan 'yan?" Tila ba tinatakot ni Helia ang kanyang kapatid na lalaki base sa tono ng kanyang boses.

"Para sa Botany Class namin, ate," naiilang na sinagot ni Robin. Napakagat na lang siya ng labi dahil dito.

"Sa tingin mo ba mauuto mo ako?" wika ni Helia, at napangisi na lang ito bigla. "Musika, tapos Botany? Ulol."

"Basta, ate! Ako na bahala!" Tuluyan nang binuksan ni Robin ang higanteng pinto ng kanilang casa at tumakbo palabas. May sinigaw pa ang kanyang hermana ngunit hindi niya na narinig dahil dumiretso siya sa garahe, kung saan nakaparke ang lima nilang mga vehículo. 


Ayaw niya rin namang marinig ang nakakairitang boses ng kanyang hermana.


Naabutan niya si Arison na natutulog nang nakanganga, habang nakaupo sa sillón na nakapwesto sa tabi ng vehículong madalas niyang minamaneho. 

"Paumanhin, chofer, pero kakailanganin ko ang vehículo mo ngayon."

Tahimik na naglakad palapit si Robin kay Arison at dahan-dahang kinuha ang susi ng kotse na nakasabit sa cinturón ng chofer. Hinablot niya ito na naging sanhi ng pagbagsak ng ulo ni Arison patungo sa dibdib nito, dahil nakasandal ito sa sillón kanina. 

Tumigil saglit si Robin upang masiguradong malalim ang tulog ng chofer, ngunit naririnig niya na ang pagtakbo ng kanyang pakialamerang hermana. Agad siyang nagtungo sa pinto ng vehículong balak niyang gamitin at binuksan iyon. Sa mga sandaling 'yun ay nakarating na si Helia sa garahe, ngunit nadatnan niya na lamang na humaharurot na ang vehículong pinaandar ni Robin. 


Pero kahit maingay ang pagharurot ng vehículo sa mismong harapan ni Arison, hindi pa rin ito nagigising. Hinampas siya nito ni Helia ng dyaryong natagpuan ng dalaga sa ilalim ng sillón na tinutulugan ng chofer at sa wakas ay dumilat na ang mga mata niya.

"Nani ga okotta?"

"Ewan ko sa'yo! Coño!"

Napakamot na lang ng ulo si Arison.



***



"¿Cómo estás?" Pabating wika ni Renly, ama ni Lyanna, kay Bryce, na ilang segundong hindi pinapasok ni Lyanna dahil, 

masakit.


"Okay lang naman po." Magalang na sinagot ng binata ang ama ng babaeng kanyang iniwan. Nagpakita pa ito ng isang malapad na ngiti, dahilan kung bakit naglakad palayo si Lyanna mula sa tabi ng kanyang ama hanggang sa hagdan, at dumiretso sa kanyang kuwarto.

The UnprecedentedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon