Prologue

11.8K 176 8
                                    

"Hindi ko parin naman nalilimutan ang kasunduan natin Best friend, bagay na bagay talaga sila."

Puno ng pag tataka na sinilip ko si Mama at Tita na nasa sala habang masayang nag uusap, palagi kong naririnig ang usapan nila patungkol sa kasunduan at sa edad kong ito kahit pa hindi ko masyado maintindihan sila ay alam ko na kung anonang patutunguhan ng usapan nila. Matapos kong marinig ang usapang yan sa loob ng sala minadali kong tinungo ang isang lugar na kung saan nananahimik ang bipolar na lalaking itago na lang natin sa pangalang---mmmm ano ba nga ba pwede kong itawag sa panget na yun? Ah basta hate ko ang taong yun!

Kailangan ko syang makausap.. Nararamdaman ko ey na alam kung hindi rin sya sang-ayon kaya alam kong iisa lang ang paraan na naiisip namin. Kung hindi na naman sya sinusumpung ng ka topak nya.

"I know na nandyan ka, pwede ba lumabas ka muna?" Sigaw ko mula sa baba ng mataas na puno nakatingala lang ako roon nag aabang ng kong sino."Hoy!" Wala paring response? "Naman ey, sumilip ka nga!" Ah! Ayaw talaga noh? Niloloko nya ba ako? Isinampa ko ang aking mga paa kahit na hindi talaga ako marunong umakyat sa puno, minsan ko lang ginagawa ito yung tipong iniinis ko lang sya kaya umaakyat ako sa kataasang puno na to.

Malapit na kong ma-out of balance pero nanatili parin ako, wala ey strong kaya to. Pawis na pawis na rin ako, baka patay na ata tong lalaking to?

"What the hell are you doing there?" Napa kunot ang noo na nilingon ang pinanggalingan ng boses na yun.. I pouted my lips and rolled my eyes for a moment. Akalain mo nga namang wala pala sya sa taas ng puno tsk. "Get down!" Ma autoridad na utos nya Hmp! As always naman ano bang bago? Kaya dahan dahan na akong bumaba at namewang na hinarap sya. Ayan na naman ang naka simangot nyang mukha! "Anong ginagawa mo?"

A Deal With My Fiancé [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon