Deal #1

8.7K 145 4
                                    


"Anak sumabay kana kaya kay Earl?"

Hindi na nawala sa eksena ang pangalan ng lalaking yun t'wing umaga, sa t'wing papasok sa school, pauwi, o kung saan man ako pumunta, may kaakibat na pangalan ng lalaking yun.. Minsan gusto kong makipag tagisan kay Mama at sabihing sya na lang kaya yung itali ko kay Earl ng matapos na ang nakakabinging pangalan nya sa araw araw ko pero syempre hindi ko pwedeng gawin yun isa pa mahal ko si Mama hindi nga lang halata.

Habang nag aagahan kaming dalawa, oo kaming dalawa na lang dahil maaga kaming iniwan ni Papa, I was 10 that day at hindi ko alam kong paano ko nalampasan yung sakit na mawalan ka ng ama, it's hurt me so much but I need to move on. At ang nakakatawa non iisang tao lang ang tumulong saakin mag move on . and that's Earl Miguel Montreal. funny? Ang best enemy ko ang siyang naging sandigan ko noon. Naalala ko pa sa t'wing iyak ako ng iyak ito lang ang sinasabi nya:

"Pwede ba wag ka ng umiyak, hindi bagay sayo!"

"Bakit?"

"Kasi may binabagayan ang pag iyak ey sa kaso mo mukha ka ng tanga!"

I didn't react. Kasi kung nag react man ako that day malamang sa malamang nag patayan na kami ng mga araw na yun at baka sumunod na ako kay Papa kasi alam kong tutuluyan ako ng demonyong yun. But I was blessed that he never leave me, he didn't missed every part of my tears, every part of my loneliness. Kaya kahit labag sa loob ko nag papasalamat na lang ako tsk!

"Anak ayos ka lang?" Sinalat ni Mama ang leeg ko

"Ma, ayos lang po ako." Ipinag patuloy kona ang pag kain ko at hindi na itinuloy ang malalim kong pag iisip kong paano ko matatakasan ang pag sasabay namin mamaya ng lalaking yun.

"Kanina kapa tahimik dyan papaano ako hindi mag aalala?" Napa irap na lang ako sa hangin ganyan talaga si Mama over protected minsan O.A na.

"Ma, natutulog pa po ang isip ko.. Ang aga nyo po akong ginising ey." Nakasimangot na turan ko

"Baka kasi mag hintay na naman ng sampong taon ang inaanak ko, ang bagal bagal mo kasi." Minsan kong pwede lang mag selos kay Mama and Earl! Mas importante ba si Earl kesa sa masarap na tulog ko? Ilang minuto ang lumipas may narinig na kaming pag busina sa labas ng bahay na ikina pitik sa hangin kona lang.. "Bilisan muna dyan Tyche, baka mag hintay na naman si Earl nyan ey." Pero parang walang narinig na ipinag patuloy ko ang pag subo ko sa pag kain ko.

"Ayoko makisabay sakanya, nakakainis sya!" Padabog na bulong ko sa sarili ko.

"Tyche!" Napatuwid ako ng upo at madaling inubos na ang kanin ko ng nag iiba na ang timpla ni Mama.

"Opo tapos na po!" Minadali kong nilimas ang pinag kainan ko at inayos ko ang mga gamit ko papasok sa loob ng bag ko matapos ay hinarap ko si Mama na nasa labas ng bahay nag hihintay. "Ma, alis na po ako!" Hinarap nya ako at nakita ko si Earl na naka dungaw sa kotse nya, nag tama ang mga mata namin wala naman akong maramdamang emosyon kaya inirapan kona lang sya.

"Ulitin mo yan irap na yan Tyche makakatikim ka saakin." Parang tumiklop na makahiya ako ng mag salita si Mama, nalimutan kong favorite nya si Earl at nakita nyang inirapan ko ito.

A Deal With My Fiancé [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon