Deal #6

3.4K 105 1
                                    

"May nalaman ako tungkol sa babaeng kinapupusuhan ni Kuya Bobby,"

Patuloy lang ako sa pakikinig habang nilalantakan ang pag kain nasa harap ko ngayon, hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ni Bessy at nilibre nya ako, siguro alam kona ang dahilan, siguro sisimulan na namin ang plano kong paano matutulungan si Bobby sa love life nito, tsk! Bakit puro pumapag-ibig ang mga nasa paligid ko? Araw ba ng puso ngayon? Sa pag kaka alam ko every February lang yun ah, August pa naman ah, excited ata silang mag ka love life.

"Hoy babae, nakikinig kaba?" Kinunutan ko ng noo si Bessy ng agawin nya ang kutsara ko,

"Kitang kumakain ako?" Inagaw kong muli ang kutsara at nag patuloy na sa pagkain narinig ko naman syang bumuntong hininga. "Ano ba yung sasabihin mo?"

"Yan! Hindi ka naman marunong makinig pero palagi lang nag tatanong," Naiinis na sabi nya kaya madaling inubos ko ang kinakain ko at pinakiharapan ko sya baka itapon nya pa ako sa ibang planeta.

"Done! So pwede mo nang sabihin ulit," Naka ngiting sabi ko na ikina irap nya saakin. "Oh come on, spill it Bessy." Pinahirap kopa ang mukha ko ng tissue nya, sabi ko naman diba? Hindi yan nawawalan ng tissue.

"Si Kuya Bobby nga,"

"Anong meron sa Lalaking yun except sa pagiging loveless nya?"

"Nag salita ang meron!" Ngumisi lang ako na ikinailing nya lang at tumikhim sya bago nag patuloy. "Well sabi ko nga KANINA," She even rolled her eyes on me. "Ex-girlfriend nya pala ang babaeng mission natin." I glared her. "Ano nanaman?"

"Anong mission ka dyan? Excuse me?" Sarcastic kong sabi.

"Well parang ganun narin yun wag kang ano.."

"What ever, so ano na?" Naiinip na sabi ko.

"Eto na nga," May kinulikat sya sa cellphone nya then bigla nyang iniharap saakin yun. "Here!" Halos man laki ang mata ko ng makita ko ang litrato ni Bobby at.. "Bat ganyan ang reaksyon mo?" Takang tanong nito saakin.

"S-sigurado ka ba na sya?" Turo ko sa babaeng naka ngiting yakap si Bobby habang nakaharap sila sa camera.

"Yep! Why?" Sya naman ang tumitig sa cellphone nya tapos ay tumawa ng malakas. "Ahh alam kona ang sasabihin mo, na hindi sila bagay ni kuya? Well I think so, Ganda ni girl noh?" Napapailing na lang ako.

"No.. That's not what I mean."

"Ey ano?"

"Wait.." May hinanap akong files mula sa cellphone ko and gotcha I found it, I view the picture at iniharap ko yun Kay Bessy. "Here.. Look at this, sya to diba?"

"O my gulay, Ipinag palit mo ako sa kanya Bessy? Bakit may larawan ka nya? Taksil--aray ko naman" Naka ngusong sabi nya matapos kong pitikin ang noo nya. "Masakit kaya." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Serves you right, ang O.A mo talaga!" Ibinalik kona sa bag ang cellphone ko. "Well hindi ko sya bff noh, ikaw lang sapat na."

"Aysus! Pinakilig mo ako!!" Inirapan ko sya ulit ang O.A nya talaga! "Teka paano ka nag karoon ng litrato nya?.. TiBo kaba--waaah sorry na." Sumusukong nakataas ang kamay nya sa ere ng ambanan ko sya ng suntok.

"Mas seryoso pa ang ungoy sayo ey," Inis na sabi ko.

"Mas maganda naman ako don,atsaka paano ka nga nag ka roon ng picture nya? Halatang hindi nya alam na kinuhanan mo sya."

"I don't even know her, I just take this picture pang inis Kay Earl." Napatigil ako sa sinabi ko ganun din sya at nag ka titigan kami,

"No.. Nag tataksil ang fian--" Pinandilatan ko sya ng mata kaya naitikom nya agad ang bibig nya. "Oh my.. Di kaya may pag tingin si Earl Miguel sa kanya?" Umiwas ako ng tingin kasi ewan, may kakaiba lang akong naramdaman.

A Deal With My Fiancé [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon