"Nagugutom na ako.."Biglang reklamo ko ng maramdaman ko na ang pag rambulan sa tyan ko ng sandaling iyon habang hindi na naman sumipot ang Prof. namin, talagang napipikon ako sa isang yun ey pala absent pa sa pinaka pala absent na studyante tsk. Madali pa naman kumalam ang sikmura ko, ewan ko kung bakit. Every time na nakakaisip ako ng masasarap ng pag kain nag c-crave ako gaya ngayon.. Naisipan ko tuloy kumain ng ice cream but how? Hindi ako pwedeng lumabas. Pasulpot sulpot ang dean dahil sa milya lang ang layo ng office nito sa classroom namin Hayy!
"Nagugutom ka na naman?" Napalingon ako sa nag salita at halos mag ningning ang mata ko ng may inabot itong chocolate bar. "Oh! Kilala ko na yang itsura mo" I gulped.
"Para saakin?"
"Mukha bang hindi?" Sumimangot sya at na upo sa tabi ko.
"Salamat Bessy!" I hugged her tight at talagang sinapak ako. "Aww!"
"Mag papasalamat ka na lang nga papatayin mo pa ako." Nakasimangot na sabi nito at umayos na kami ng upo.
"Mmmm.. Sarap Bessy!" Nilantakan ko ang chocolate bar na bigay na at naka ngiwi naman syang naka tingin saakin. "Bakit ganyan ka makatingin?"
"Seriously? Bata kaba?" Kumuha sya ng tissue hindi talaga sya nawawalan ng bundle ng tissue why? Ewan ko dyan. "Umayos ka nga Tyche!" Ipinag duldolan pa nya yung tissue sa mukha ko.
"Wow ang sweet mo talaga kahit kailan Kyra noh?" Sarkastikong sabi ko sabay irap sakanya.
"Well thank you." Pang inis na sabi nya hindi ko na sya pinansin at mas pinag tuunan ko ng pansin ang sarap ng chocolate bar na to. "Kamusta naman ang buhay?"
"Okay lang.." Pag sasawalang bahala ko.
"Pwede ba umayos ka nga."
"Ano bang ayos ang gusto mo?" Nakakapikon din ang isang to ah.. Kung alam ko lang na may kailangan lang naman ang isang to saakin tsk!
"Naman Tyche ey.. Help me please!" Tinitigan ko sya.. Pag pag ibig na ang lumalabas sa bibig nya para syang tanga na kinikilig na ewan hayy!
Kung hindi ko lang talaga sya long time Bessy hindi ko malalaman kong masungit ba sya, mabait o baliw sa pag ibig.. Kasi wala sa mukha nya ang mga sinabi ko.. Para syang si Earl hindi nababasa ang emosyon.. Pero ako! Nababasa ko ang emosyon ni Kyra baka siguro dahil close kami so ibig bang sabihin?.. Maging close muna kami ni Earl bago ko mabasa ang emosyon nya?? Ipinilig ko ang ulo ko kaasar bakit pumapasok na naman ang kumag na yun sa isipan ko.. Sinamaan ko ng tingin si Kyra kasalanan nya to kong bakit bigla ko na naman na isip ang lalaking yun..
"Wala pa akong sinasabi pero kong maka irap ka akala mo naman kong anu-ano na ang na sabi ko."
"Sabi ko naman kasi sayo wag ka ng mag papa loko sa Lorgan na yun" Umikot ang mata nya at itinuon ang pansin sa mga ka klase naming nag sisipag.. Nag sisipag ingay na rin na akala mo mga elementary.
"Hindi ito tungkol sa bwisit na yun!" Humugot sya ng hininga at muli akong pinaka titigan. "Naka move on na ako noh!"
"Ey? Sure?" Ngumuso sya. "Atsaka alam ko namang may kailangan ka sinuhulan muna ako ng chocolate noh! Ano pa bang magagawa ko?"
"Kailangan ko lang ng tulong mo.."
"Para saan?"
"Si Kuya Bobby kasi.." Tukoy nya sa nakakatandang kapatid na hindi ko masyado close pero mabait naman yun saakin kahit papaano.

BINABASA MO ANG
A Deal With My Fiancé [COMPLETED]
Ficção AdolescenteHe's my Fiancé, And she's my fiancé.. And we made a deal for the sake of our lives. Book cover credit to my precious reader : @Theworldheknows