Deal #28

2.7K 81 1
                                    

"Gumising kana please.. Mahal na mahal kita."

Hindi ko alam kong naririnig ba ako ni Earl sa sitwasyon nyang ito, masasaktan ako, pero alam kong mas nasasaktan sya,he keeps on fighting pero ako eto, umiiyak lang sa harap nya. Hindi mabilang kong ilang Beses ko bang na sabi ang mga salitang iyon.

Na hindi ko sya iiwan, hihintayin ko sya, Mag papakabait na ako, Mamahalin ko sya ng buong puso, at higit sa lahat hindi na muling makikipag Deal sakanya.

Muli kong pinahid ang luhang nag landas sa mukha ko, hawak ang kamay ni Earl at hinahalikan iyon sa twing tinitignan ko ang kabuohan nito.. Naka benda ang ulo nito at may mga sugat mukha at braso nito. Hinaplos ko ang napaka maamong mukha nito.

"You'll never fail to make my heart beat skip, You're still the handsome man I have." I said but whispering those words makes me tear apart. "I love you Earl.." I kiss his hand. "I love you.. Please wake up.."

Parang pinipiga ang puso ko habang naka masid lang ako sa mukha nya, hindi ko lubos maisip na mauuwi sa ganito ang lahat.. I can't believe na nang yari ito. Iisa lang naman ang gusto ko, yung maging masaya ang pag tatapos ng storya naming dalawa. Yung maamin kong mahal ko sya, pero ang makita syang nakahilata at walang kasiguraduhan kong kailan mag kakaroon ng malay ay sobrang sakit na. Napaka sakit.

"Earl..I'm waiting here.. Still waiting for you.!" I smile and kiss his forehead kahit pa naka benda iyon, sa ganung posisyon kami naabutan ni Gwynne,Lorgan,Zero,Bobby at Bessy Kyra. "K-kayo pala." Pinahid ko ang luha ko at pilit na ngumiti pero niloloko ko lang sarili ko dahil tuloy tuloy parin ang pag tulo ng luha ko.

"Bessy." Nilapitan ako ni Bessy Kyra at yumuko ako. "Bessy ayos ka lang."

"I miss him,. I need him.." Humihikbing sabi ko hinawakan nya kamay ko. "I..I love him.."

"Ssssh..." Niyakap nya ako at doon ko ibinuhos ang lahat ng nadarama ko, ang sakit. "It'll be alright." She whisper.

HABANG busy sila sa pag babantay kasama ko Kay Earl tahimik namang nilapitan ako ni Zero, inabutan nya ako ng coffee. Tahimik na tinanggap ko iyon at pilit na ngumiti.

"Wag mo akong ngitian ng ganyan." Napayuko ako at nakaramdam ng hiya. "Ayokong ngumiti ka saakin kong ang totoo naman ay nasasaktan ka."

"S-sorry." I said. Naramdaman ko ang pag haplos nya sa luhang nag landas sa pisngi ko.

"Kumain kana ba?" Pag iba nya sa usapan. "Gusto mo subuan pa kita?"

"Hindi ako gutom." I heard him tsked. "O bakit?"

"Hindi halata..Sa panget mong yan hindi ka gutom?" Inirapan ko sya.

"Gusto mo bang sapakin kita?" Pa singhot singhot pang sabi ko, I heard bessy Kyra chuckled.

"Great." He smirk at me na ikinairap ko na lang. "At least naka limutan mong lumuha ng ilang minuto."

Parang naibsan ng konti ang nararamdaman ko sa sinabi nya, pinahid nya ang hilam na luha sa pisngi ko at ngumiti saakin, parang gusto kong umiyak kasi kita ko sa mukha nya kong gaano sya nasasaktan, dahil ba saakin.? Dahil hindi ko na masusuklian ang pag ibig nya? Nakakahiya.. Hindi nya dapat maramdaman yun saakin because I'm nothing to him! Parehas kong nasasaktan ang mga taong importante saakin.

A Deal With My Fiancé [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon